"Sa Iloilo ka na magpapatuloy ng kolehiyo mo, Joanna," Napahinto sa paghuhugas ng pinggan si Joanna nang marinig ang boses ng Tatay Poldo niya. "Doon ka na titira sa Ninong Caloy mo. Bukas na bukas din ay sasama ka sa kaniya pagpunta niya rio. Tutal naman ay isang araw na lang at matatapos na ang klase niyo." Kumunot ang noo ni Joanna sa narinig. Kilala niya ang Ninong Caloy na sinasabi nito. Matalik na kaibigan at dating kaklase ito ng kaniyang ama na nakatira ngayon sa Iloilo. Madalas itong ikuwento ng kanilang Itay na sobrang yaman na raw. Palagi rin itong nagpapadala ng tulong sa pamilya nila. Lalo na kay Joanna. Palagi siyang may natatanggap na regalo kapag may espesyal na okasyon. Mabait nga raw sabi ng Itay nila. Pero ni minsan ay hindi pa ito nakikita ng dalaga. Kaya bakit siya i