"Anong ginagawa mo rito sa Hacienda Ramona, Dean? Bakit ka bumalik?" Bahagyang napaunat si Dean nang marinig si Joanna. Halos ilang minuto pa lang ang nakakalipas simula nang matapos ang mainit nilang pagsasalo. Nakahilata pa siya sa sahig, habang si Joanna ay nakasandal na sa upuang kawayan. Ni hindi man lang ito nag-abalang magsuot ng damit o kahit ng bra man lang. Mukhang sanay na itong makipag-usap sa mga lalaki ng nakahubad. Lihim na napa-aray ang puso ni Dean. Kahit isipin lang iyon ay hindi niya yata kaya. Tumawa ng mapakla si Joanna. "Ang shunga ko naman para kuwestiyunin ka sa pagbabalik mo rito. Of course, pag-aari nga pala ng family mo ang Hacienda Ramona. Kahit kailan talaga, ang tanga-tanga ko." Dahan-dahang tumayo si Dean at nagsuot ng damit. Saka kinuha ang duster ni