CHAPTER 4

500 Words
Wala talagang balak na mag inom si Ace. Ang nais lang niya ay bumili ng makakain niya for dinner. "Kumain kana ba bago uminom?" Bigla na lamang tanong ni Malia sakaniya. "Actually bibili lang dapat ako." Deretsahang sagot niya. "But it's fine, nakakatuwa ang mga tao dito." "Huwag ka ngang plastic, mukang wala naman sa itsura mo ang nakikihalubilo sa gaya namin." "Pasensya kana sir nakainom na kasi hehehehe." Si Jeraldine na kaybigan na nito ang humingi ng pasenaya sakaniya. At hindi rin naman makitid ang utak ni Ace dahil bakas naman sa kinikilos ni Malia na may tama na ito. Napailing na lamang siya bago tumayo. "Mauna na ako sainyo." Paalam niya bago sana lalakad na palayo ng bigla na lamang may lumapit na kalalakihan sa dalawa. Napaharap muli siya at pinagmasdan muna ang maaring mangyari. "Miss pa-share naman. May alak pa kami dito," umakbay ang isang lalaki kay Malia. Mag re-react na sana si Ace dahil alam niyang pang bo-boso ang ginagawa ng lalaki. Ngunit mas nauna pang mag react sakaniya si Malia. Binatukan nito ang lalaking umakbay sakaniya. "Huwag mo nga akong goyoin." Binatukan muli niya ang lalaki. "Lasing ako pero hindi ako papatol sayo." "Go, beh keribels mo yarn." Cheer up ni Jeraldine na para bang wala man lang takot, na maaring masaktan si Malia. "Boss binatukan ka? Hindi pwede yan." Lalapit pa sana ang isa nang tadyakan ito ni Malia. Napabilib talaga si Ace kaya naman nasiyahan siyang manuod. "Ang mga gaya ninyo dapat pinuputulan nang hotdog!" Kumuha ng bote si Malia at akmang ipapalo sa lalaking umakbay sakaniya ng pigilan na ito ni Ace. Ngayon alam na niyang basagulera din pala ang dalaga. Ito ba ang sinasabi ng ina niya na mabait? Napailing si Ace bago inagawa ang bote. "Lasing na kayo ihahatid ko na kayo ng kaybigan mo. Kapag gumawa ka pang eskandalo magulang mo lang din ang magkaka problema Malia." Bulong pa niya. "Kaya ko sarili ko, sa susunod wag kang makikialam." "Talaga ba Malia?" Nakangisi si Ace. "Kapag pinag tulungan ka nila wala ka paring magagawa kaya wag kang mag matapang." "Beh, nasusuka na ako. Hindi ko na kayang mag lakad sakay na tayo kay sir Ace. Nakakahiya 'to beh magiging amo pa naman natin s'ya." Inalalayan ni Malia ang kaybigan nito. "Tara na," inakay ito ng dalaga pasakay sa kotse ni Ace. "Pasensya na sa nasabi ko sir." "Ace is fine, mas gusto ko pagiging prangka mo at unbothere mo." Hindi na sumagot si Malia. Sumakay na si Ace at nagmaneho patungo sa bahay ni Jeraldine, at pagka tapos ay sa bahay naman nila Malia. "Don't be Kate tomorrow Malia. Kahit anak ka nila Manong River ay hindi ako nag to-tolerate when it comes to work." Bilin niya. "Makakaasa ka, pag trabaho usapan trabaho lang din ginagawa ko. Ingat sa pag uwi." Tinalikuran na siya nito. Hindi maintindihan ni Ace, pero mas nagiging interesado sa paningin niya ang simpleng dalaga. Ngayon lang s'ya naka-encounter ng babae na walang interest sakaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD