"How's your tour? Maayos ba lahat?"
Napairap si Ace sakaniyang ina. Nakaface time sila ngayon. Kakauwi lang niya galing sa mag asawang matagal nang caretakers ng magulang niya.
"Galing ako kay Manong River, sa mag asawa. Naiinis lang ako sa anak nilang dalaga."
"Oh? Why? You mean, si Malia? Ano kaba? E, mabait na bata si Malia. Masipag ang dalagang iyan. Kahit panlalaking gawain ay trinatrabaho."
"Oo nga kita ko naman. Naiinis lang ako kasi hindi man lang ako kilala, at para bang walang pake sa kausap, casual lang ba."
"Ganun lang talaga si Malia hindi kasi yan interesado sa kahit na sino. Ang batang yan napagka kamalan ko ngang tomboy dahil parang lalaki kung umasta."
"Nakiusap na baka raw pwedeng pumasok."
"Sana tinanggap mo na hijo. Marunong naman na si Malia."
"Mom, maari ba akong tumanggi e, anak s'ya ni Manong River? Ikaw naman magagalit sa akin kapag tinanggihan ko."
"Treat her nicely, maging ang mag asawa. Well, you need to be nice kung gusto mong maging maayos ang negosyo mo. Hindi ka aalisan ng mga tao kung marunong kang makisama, like your dad."
"Yeah, told you." Proud na sabat ng ama niya.
"Kaya lumalaki ulo ni Dad eh." Naiiling na sambit ni Ace.
"Guess what son?"
"What?"
"Hindi lang ulo ko sa taas ang lumalaki, pati rin itong nasa—" Hindi nakatapos ang ama niya dahil sinamaan ito ng ina niya ng tingin.
"I-kamusta mo kami sa mga kapatid mo. Make sure na ga-gabayan mo sila bilang ikaw ang panganay, okay? Kahit may sari-sarili kayo at magkaka layo kayo ay kamustahin mo parin sila." Bilin ng ina niya.
"Yes mom, don't worry I'm always here for them. Si Cormac pu-punta dito para bumisita. Hindi ko lang alam kung anong araw."
"Good, sana pati mga kapatid mong pasaway mag si punta."
"Nah, sasakit lang ulo ko."
Nag paalam na si Ace bago pinatay na ang tawag. Pabagsak siyang nahiga sa kama. Wala siyang kasambahay ngunit may mga caretakers naman siyang stay in kaya may kasama parin siya. Wala nga lang magluluto para sakaniya.
Kahit tinatamad na si Ace na bumangon upang mamili sa labas ay pinilit niyang tumayo. Nag bihis siya bago lumabas. Hindi pa siya nakakapag groceries.
Probinsyang-probinsya pa talaga ang lugar kaya naman mapuno pa. Ngunit ang kalsada ay maayos naman na. Hindi nga lang talaga saulo ni Ace ang pasikot-sikot.
Lumabas muna siya upang humanap nang mabibilhan. Nakakita naman siya, may peryahan pa nga kaya na engganyo siya. Ipinarada muna niya ang sasakyan bago nakitingin-tingin sa mga naglalaro at sa maari niyang mabili.
Sa hindi inaasahan ay nakita niya si Malia kasama ang kaybigan nitong si Jeraldine. Ayaw na sana niyang lumapit ngunit mabilis ang mata ng kaybigan nito kaya agad siyang nakita.
"Si sir Ace!" Turo nito sakaniya.
Napasulyap sakaniya si Malia ngunit inalis din nito ang tingin sakaniya. Bakit ba umaasa siyang babatiin siya nito? Pasimpleng napairap si Ace.
"Sir tagay ka!"
Nakita ni Ace na gin bilong ang tinitirada ng mag kaybigan.
Nag i-inom pala ang dalaga?
Kinuha niya ang inaabot ni Jeraldine.
"Sir maupo kana sa tabi ni frenny ko! Wala naman malisya, tsaka sir bago kalang dito di'ba? Dapat matikman mo timpla namin dito sa gin bilog. Kasi sir mamahaling alak yata ang iniinom mo."
Walang nagawa si Ace kundi pakisamahan ang maingay na kaybigan ni Malia.