CHAPTER 1
Abala si Malia sa pangangahoy. Wala na kasi silang gatong kaya naman nag paalam siyang mangangahoy. Ayaw niyang ipaubaya pa ito sa dalawang matanda dahil sa mahina na nga ang mga buto ng kaniyang ama at ina.
"Malia bakit naman kasi ang dami mong dala." Puna ni Jeraldine. Si Jeraldine ay kaybigan at kababata niya.
Sabay silang lumaki at sabay ding nag aral. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi sila nakatungtong sa kolehiyo dahil sa mahirap nilang pamumuhay. Mas ginusto na lamang kasi nilang tumulong sakanilang magulang kesa mag pabigat. Para kay Malia pabigat lang kung mag ko-kolehiyo siya sa malaking unibersidad. Ayaw niyang lumuwas pa sa manila makapag kolehiyo lang habang ang magulang niya ay magiging kuba na sa pag tra-trabaho.
Caretaker ang kaniyang ama't ina sa malaking lupain ng cervantes. Ang mag asawang cervantes ay isa sa pinakamayaman sakanilang lugar. Ngunit sa ibang bansa na naninirahan ang mag asawa, at ang bagong ha-hawak daw sa lupain ay ang panganay na anak ng mga ito.
Naibagsak ni Malia ang kahoy na pasan niya. "Pahinga muna tayo, at baka mawalan na ako nang hininga pag dating sa bahay. Pagagalitan ako ni inay at itay nito."
"Ayan kasi!" Pumamewang si Jeraldine. "Tignan mo ang dala ko isang kahoy na malaki lang. Samantalang ikaw isang sako ang binubuhat mo para kang lalaki!"
"Kesa naman mag inarte ako gaya mo? Ano naman mapapala nang dala mo? Isang gatungan lang yan." Napairap si Malia. "Kapag talaga nag katrabaho na ako gaya nila inay ay bibili akong gasul namin."
"Sabi rin ni mama ipapasok n'ya ako kapag dumating na yung bagong amo!" Kinikilig si Jeraldine. "Alam mo ba na lima daw ang anak ni Mr, and Mrs, Cervantes. Malay mo Malia ang isa ay para sa akin!"
"Gaga! Huwag kang ambisyosa dahil kauri lang ng mga yon ang nanaisin nilang maging nobya. Mabait ang mag asawa pero ang mga anak ba nila masasabi ba natin na mabait? Mag isa ka nga. At isa pa wala akong interest sakanila, mas gusto kong magka trabaho."
"Sus! Baka kapag nakita mo ang isa sakanila mag bago pananaw mo."
"Malabong mangyari yon Jeraldine. Trabaho ang kailangan ko at hindi lalaki na ang ga-gawin lang naman sa atin e, maging parausan."
Napangiwi si Jeraldine sa sinabi niya. "Ang bitter mo beh!"
"Sinasabi ko lang ang totoo." Akmang da-damputin na sana ni Mali ang sako nang may nakakabayong lalaki ang nakahinto sa harapan niya.
"Bago lang ako dito, pwede ba akong mag tanong?"
"Oo naman sir!" Si Jeraldine ang sumagot.
"Saan ba ang bahay ni Manong River dito?"
"Hala!" Siniko siya ni Jeraldine. "Ang itay mo iyon ah?"
"Bakit po anong sadya mo?" Magalang na tanong ni Malia.
"May mahalaga lang akong sasabihin."
"Ah, sige sumunod ka sa akin." Sagot ni Malia bago pinasan na naman ang sako.
"Ang pogi beh!"
"Nasaan na kahoy mo?" Takang tanong ni Malia.
"Iniwan ko kasi nahihiya akong may hawak na kahoy." Bulong pa nito na ikinairap ni Malia.
"Kahit gwapo yan tumatae lang din yan gaya natin. Mabaho din utot nila at nakanganga din yan matulog."
"Grabe ka naman Malia. Ang mahalaga pogi s'ya. Sino kaya s'ya noh?"
"Baka caretaker din sa mga cervantes." Sagot na lamang ni Malia bago dinalian ang pag lakad.