Kinabukasan ay maagang gumising si Ace. Sanay na siya na hindi sinisikatan nang araw sa umaga dahil mas nais niyang pag pawisan na at sa labas na masikatan.
Nakapag jogging na nga siya, may muscles at abs kasi siyang mine-maintain.
"Good morning sir Ace." Bati ng mga caretakers.
Tumango siya bilang pag bati pabalik. Huminto siya at kinamusta ang kabayong paborito niyang gamitin. "Gagamitin ko s'ya mamaya for ride. Nakakundisyon na ba ang isang yon?" Turo niya sa kabayong isang linggo na sa kwadra.
"Yes sir."
"Good, keep up the good work. Love your work and treat them nicely. May meeting ako with Mr, Guzman next week kaya sana mas nakakundisyon na ang iba pa para ma-realise na."
"Gagawin po namin ang best sir."
Tumango si Ace bago nag pasyang bumalik na sa bahay. Nag shower na siya bago nag almusal, at pagka tapos ay lumabas siya upang tignan kung kumpleto na ang trabahador.
Natanaw niya si Manong River at ang asawa nito na kadarating lang. Kasama ng mga ito ang mag kaybigan na si Malia at Jeraldine. Sa itsura ni Jeraldine ay mukang may amats pa ito. Ngunit si Malia ay para bang hindi man lang nag inom kagabi. Parehas parin ang expression ng mukha nito na talaga namang kung minsan ay natatawa si Ace. May mas seryoso pa pala sakaniya ang buong akala niya ay s'ya lang.
"Good morning sir." Bati ni Jeraldine.
"Morning." Tipid niyang bati bago napasulyap kay Malia. "Maari na kayong mag umpisa. Kapag may nakita akong kapalpakan sa trabaho pasensyahan tayo." Seryosong bilin niya.
Tumango lamang si Malia sakaniya bago tumalikod na at nag tungo sa mga kwadra. Sa tingin ni Ace ay mag papakain na ito kasama si Jeraldine na nakikita niyang may binubulong pa.
Sa tingin niya ay nanibago ito sa inasal niya. Well, mas gusto niyang makita ng mga ito na strikto siya sa trabaho.
"Sir, sandali lang sir."
Napalingon si Ace sa isang trabahador na may kasamang dalaga. Sa tingin ni Ace ay hindi ito nalalayo sa edad ni Malia.
"Sir baka lang kailangan mong katuwang sa bahay. Sir pwede itong pamangkin ko, masipag siyang mag luto, mag laba at kahit ako sir i-utos mo. Kailangan lang kasi niyang trabaho."
Mukang kailangan nga ni Ace. "Sige maaari kanang mag simula."
"Salamat!" Malawak ang ngiti ng babae. "Ako nga po pala si Madisson." Pakilala pa nito.
"I don't interested in names, you may start now."
"Yes sir."
Pumasok na ito sa bahay. Nakita pa nga ni Ace ang pag sulyap ni Jeraldine na para bang may ichini-chika ito kay Malia. Napailing na lamang si Ace bago pumasok na sa loob upang alamin ang magiging schedule ng mga meetings niya sa mga mangunguha ng kabayo.
**
Samantala si Malia ay rinding-rindi na sa kaybigan niyang kanina pa daldal nang daldal.
"Beh, papansin talaga si Madisson noh? Hanggang dito ba naman sa trabaho sinusundan tayo? Pati ba sa trabaho maging bida-bida?"
"Kung papatulan mo si Madisson walang mangyayari, tsaka iba naman trabaho niya sa atin kaya kumalma ka."
"E, baka agawan tayo kay sir pogi." Maktol ng kaybigan niya na ikinairap ni Malia.
"Pogi ba talaga? Parang normal na tao lang naman s'ya sa paningin ko. Attractive lang kasi nga bilyonaryo. Subukan mong mahirap yan kahit pogi hindi naman magiging habulin."
"Alam mo pansin ko laki ng issue mo kay sir Ace. May past ba kayo beh?" Natatawang tanong ni Jeraldine.
"Sadyang hindi lang ako interesado sakaniya." Wika ni Malia bago nag focus na sa ginagawa.