CHAPTER 9

549 Words
Kanina pa pinautos ni Ace na papuntahin sakaniya si Malia ngunit wala pa ito. Idinahilan na nga lang niya na may ipapasuyo siya kahit wala naman. Nais lang kasi niyang makita ang magiging reaction ng dalaga pag humarap muli ito sakaniya. Sa tingin kasi niya ay sapat na ang ginawa niyang pag halik para mapansin na nito ang kaya niyang gawin bilang s'ya na nga sa palagay niya ang pinakagwapo at mayaman na nag pa-pansin kay Malia. Hindi siya makapapayag na isang simpleng dalaga lang ang mang i-isnob sa aura niya gayong mga sikat na modelo ang naghahabol sakaniya. "Madisson nakita mo ba si Malia?" "Ah, sir hindi po eh. Bakit po? Sir maari naman po kayong mag utos sa akin kahit ano." "Hindi na, salamat." Tinalikuran na niya ito. Mukang iniiwasan nga siya ni Malia ngayon. Nag pasya siyang lumabas at baka sakaling makita niya si Malia. Ngunit wala si Malia sa paligid. Kaya naman nag tanong na siya kay Manong River, ang ama ng dalaga. "Manong River nakita ho ba ninyo si Malia at Jeraldine?" Isinama na ni Ace si Jeraldine upang hindi siya mahalata na si Malia lang ang nais makita. "Nag paalam sir Ace. Gumawi banda doon sa mga buko upang manguha nang maiinom." Tinuro ni Manong River ang kakahuyan. "Sige ho salamat." Gumawi narin siya sa kakahuyan. Nakita niya ang mag kaybigan na nangunguha ng buko. Habang si Malia ang nakaakyat. "Omg! Beshy nandito si sir!" Kinikilig si Jeraldine. Tumingala siya. Hindi naman kataasan ang buko dahil dwarf lang naman ang puno. Ngunit maari itong mapilayan kung ma-mamali ito nang kapit. "Bumaba kana diyan ako na ang kukuha. Kababae mong tao daig mo pa ang unggoy." Utos niya kay Malia. "Beshy baba na, nandito na ang knight and shining armor mo. Sir may tanong ako," bumaling si Jeraldine sakaniya. "Hindi naman siya si Sleeping beauty pero bakit hinalikan mo ang beshy ko?" Nagulat ng bahagya si Ace dahil alam pala ito ng madaldal na si Jeraldine. "Hindi ko alam ang sinasabi mo." Tanggi ni Ace at pinilit na mag seryoso. "Bumaba kana diyan Malia inuutusan kita." "Sumunod kana beshy bago pa magalit ang sandata ni sir este si sir pala." Bumaba na si Malia. "Ano bang problema mo sir?" Madiing tanong ni Malia sakaniya. "Tahimik ho kami dito." "May maingay ba beshy?" Sabat ni Jeraldine na sinamaan ni Malia ng tingin. "Sabi ko nga doon muna ako hehehe." Iniwan sila nito. "Sinabi mo na pala sa kaybigan mo ang tungkol sa nangyari?" Nakangising tanong ni Ace. "Nangyari?" Kunot ang noo ni Malia. "Excuse me lang Ace pero walang nangyari sa atin. Ikaw lang gumawa nun, pero ayaw ko talaga. At bakit hindi ko sasabihin sakaniya e, kaybigan ko si Jeraldine?" "Sinabi mo bang nasarapan ka? Sa pagkaka alam ko kasi nagustuhan mo." "May sapi ka pa rin? Alam mo may kilala akong magaling na albolaryo, baka sinapian ka kasi nang many*k na kaluluwa kaya ganiyan ang inaasal mo. For your information Ace Cervantes," nakipag titigan siya kay Ace. "Kahit pa ikaw ang pinakagwapo, pinakamayan o kahit halimaw pa yang alaga mo at mala itlog nang ostrich ang egg balls mo malabo mo akong ma-aakit!" Ngumisi si Ace. "I like that, let's see Malia." Ngunit sa loob-loob ni Ace ay talagang matigas pala ang dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD