CHAPTER 8

541 Words
Mag hapon wala sa sarili si Malia. Hindi kasi siya makapaniwala na ninakawan siya ng halik ni Ace! Nahihibang na ba ito? Ang unang halik na dapat ay sa magiging nobyo niya ibibigay ay ninakaw ni Ace. "Malia kanina ka pa tulala diyan. Lumalamig na ang pagkain mo." Natigilan si Malia sa malalim na iniisip. "Pasensya na itay, baka napagod lamang po ako." Palusot niya bago napabuntong hininga. "Busog pa po ako." Tumayo na siya at iniwan ang pagkain niyang nasa mesa. Pumasok sa silid si Malia bago pabagsak na nahiga. Napadaing pa nga siya dahil matigas ang higaan niya. Lutang talaga ang isip ni Malia at hindi na alalang papag nga pala ang higaan niya. Kinabukasan ay maaga na lamang siyang nagising. Kailangan niyang maging normal parin kahit pa abnormal ang amo nilang si Ace. Kung may pagkaka taon nga lang na makapag sumbong siya sa magulang nito ay ginawa na ni Malia. "Malia pinapatawag ka ni Ace, may ipapakiusap daw." "Inay dito ho ang trabaho ko, tsaka nandoon naman na po si Madisson." Naiinis na tanggi ni Malia. "Si Jeraldine nalang po ang pumunta." "Beh gora ako diyan! Hinding-hindi ako tatanggi sa grasya!" Kinikilig na sabi pa ni Jeraldine. "Kaya lumalaki ulo ng bwiset na iyon kasi naririnig mga papuri ninyo. Akala yata kayang makuha lahat ng babae." Bulong ni Malia. "Beh bubuyog kaba? Bulong ka ng bulong eh." Wika ni Jeraldine. "Hindi kaba curios kung ano ang ipakikisuyo? Baka naman kasi mas bet ka kesa kay Madisson na lakas mantrip nang outfit. Imagine, kasambahay kay sir Ace tapos yung uniform labas joga." Naiiling na sabi pa ni Jeraldine. "Basta ayaw ko Jeraldine. Please, ikaw nalang? Kaybigan naman tayo eh." Pakiusap ni Malia. Napataas ang kilay ni Jeraldine. "Ako'y nakakapansin na beh. Ikaw ba ay umiiwas sa ating poging boss?" Lumikot ang mata ni Malia bago napakunot ang kilay. "Bakit ko naman gagawin iyon? Ayaw ko lang kasi dahil may iba na akong ginagawa." "Malia kilala kita gaga ka! Ako kaybigan mo 'ko kaya alam ko kung may ganap sa buhay mo. Ano ba nangyari? Narinig ko si Madisson na nag reklamo dahil matagal ka daw sa loob ng bahay ni sir Ace." Chinika pala agad siya ni Madisson? Napailing si Malia. "Jeraldine hinalikan ako ni Ace." Bulong ni Malia. Nanlaki ang mata ni Jeraldine bago gulat na napatanong. "Ano kamo?!" Tinakpan ni Malia ang bibig ng kaybigan niya bago inilayo sa mga trabahador dahil baka mabuko pa sila. "Hinalikan ako ni Ace. Hindi ako ambisyosa at kilala mo 'ko Jeraldine. Kahapon pinasabay n'ya akong kumain tapos after namin kumain hinalikan n'ya ako." "Gaga ka! Napakaswerte mo naman pala Malia!" Kinikilig si Jeraldine. "Si Madisson na binigyan lang ng ulam pinangalandakan pa, pero ikaw," napapalakpak pa si Jeraldine. "Pak! Pinasabay na kumain ay hinalikan pa ang beshy ko! Haba nang buhok sa petchay ng beshy ko!" "Gaga ka! Anong maswerte doon? Pang ma-many*k ginawa n'ya sa akin. Pakiramdam ko gusto akong makuha ni Ace para maidagdag sa collection n'ya." "What if hindi? What if gusto ka niyang maging asawa?! Pak! Donya Malia, ako po ang iyong aliping si Jeraldine. Beshy wag kang mag babago, okay?" Napahilot sa sentido si Malia. Sana pala hindi na lamang niya sinabi sakaniya kaybigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD