CHAPTER 10

548 Words
Hinahamon nga talaga s'ya ng binata! Hindi niya mapapalampas ang mga pang aasar nito sakaniya at mas lalong hindi siya nito makukuha! "Marami ang nakuha ninyo kaya mo ba dalhin lahat?" Tanong ni Ace. "Oo naman. Isang sakong kahoy nga nakaya mo, buko pa kaya?" "Beshy oks na ba?" Sumulpot na si Jeraldine. "Oo kaya mag dala kana nang buko upang makainom na sila." Utos ni Malia. "Ako na mag da-dala. Put it down." Utos niya sa dalawa. "Pero sir baka mahi—Jusmiyo mahabagin!" Gulat na gulat si Jeraldine at namamangha. Maging si Malia ay nagulat sa biglang pag hubad ni Ace sa t-shirt nito. Ngayon ay pinangangalandakan na nito ang abs at muscles nito. "Ang laway ko beshy parang— parang tutulo na." Wala sa sariling sambit ng kaybigan niya. "Beshy ang panty ko kusang dumudulas." "Gusto mong sampalin kita ng malakas para matauhan ka Jeraldine?" Inis na bulong ni Malia. "Huwag mong tignan para hindi ka ma-distract." "Hindi ko kaya beshy. Ang init, nauuhaw ako sakaniyang pagmamahal." "Ipupukpok ko sayo isang buko tignan mo lang." Yamot na si Malia. Nahahawa kasi siya na titigan ang katawan ni Ace. "Tara na." Hawak at nakapasan pa ang ibang buko kay Ace. Lumalabas tuloy ang ugat nito na talagang makikita dahil sa maputi si Ace. "Kung ako hinalikan n'ya sisigaw talaga ako kapag itinigil n'ya." May saltik na nga yata talaga ang kaybigan ni Malia kaya hinayaan na lamang niya kesa mas ma-stress pa siya. Sumasakit na nga ulo niya kay Ace, ay sumasakit pa ulo niya sa kaybigan niya. "Naku! Hijo bakit naman ikaw ang nag buhat?" Sinalubong ito ng ama ni Malia. "E, s'ya naman ho nag presinta." "Kahit pa Malia. Sana tinulungan ninyo si sir." Si Madisson ang sumabat. "Makihalubilo kayo kay sir para kayong close friends niya." Inirapan pa sila ni Madisson. "It's fine, wala silang mali gusto kong mag buhat. Walang dapat pag awayan." Pawis si Ace. Napahiya si Madisson sa sinabi ni Ace kaya naman ang kaybigan niyang si Jeraldine ay todo pang a-asar kay Madisson. "Mag sho-shower lamang ako." Paalam ni Ace bago pasimpleng umismik ng mapasulayap sakaniya. Nakapasok na si Ace ng mapansin ng ama niya na naiwan nito ang t-shirt nito. "Malia ibigay mo na 'to ihabol mo." Ayaw kumilos ni Malia dahil alam niyang may plano si Ace. Alam niyang sinadya ito ng binata. "Ako nalang," sabat ni Madisson. Dadamputin na sana ni Madisson ang t-shirt ngunit mabilis ang kamay ni Jeraldine at ihinagis sakaniya. "Si Malia na, may sasabihin pala ako sayo Madisson." Tinangay ni Jeraldine si Madisson. Napabuntong hininga si Malia dahil no choice na naman siya, at talagang ipinu-push siya ni Jeraldine kay Ace. "Ace t-shirt mo. Ilalapag— Ahhhhhh! Bwiset!" Napasigaw si Malia ng may humila sakaniya. Namalayan na lamang niyang nasa shower room na rin siya. "Hi, pawis ka rin. Gusto mong maligo?" "Ace hindi na ako natutuwa. Seryoso ako na ayaw kong maging collection mo at wala akong balak na mahumaling o maging interesado sayo." "Sabihin mo lang na interesado kana sa akin at tapos na ang lahat." "Ano ka swerte? E, sa hindi nga ako intere—" Nanlaki ang mata ni Malia ng mapasulyap siya sa bandang ibaba ni Ace. Nakaboxer lang ito at bakat na bakat ang anaconda nito!

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD