CHAPTER 2

562 Words
Hingal kabayo si Malia ng makarating sa mu-munti nilang kubo. Si Jeraldine naman ay umiba na nang daan dahil sa kabilang daan naman patungo ang bahay nito. "Inay may naghahanap kay itay, nakakabayong lalaki. Hindi ko naman ho kilala pero kilala si itay." Sa bukana palang ng pinto ay nag salita na si Malia. "Tuloy ka, maliit lang bahay namin pero malinis naman. Maupo ka muna baka nasa bukid pa ang magulang ko." Wika ni Malia nang walang sumagot sakaniya. "Sige itatali ko lamang ang kabayo." Sagot nito na tinanguan na lamang niya bago dumiretso sakanilang kusina upang uminom siya ng tubig dahil pakiramdam ni Malia ay made- dehydrate na s'ya. "Nag ka-kape kaba? Kapeng bigas lang ang meron kami." "Kapeng bigas?" Napakunot ang noo ng binata. "Oo, bakit ayaw mo ba? Wala kaming iba kape kaya wala akong mai-aalok na iba." "Alright, kapeng bigas is fine." "Papainit lang ako." Naiiling na kumuha ng kahoy si Malia bago nag paringas. Para kasing na aartehan siya sa dating ng binatang kasama niya. "Ano nga palang pangalan mo?" "Hindi mo ako kilala?" Imbis na sumagot ay tanong din ang ibinalik nito. "Artista kaba? Pasensya na pero hindi ako mahilig manuod sa tv kaya hindi ako updated sa mga bagong artista ngayon." Napailing ito bago sumagot. "Hindi ako artists, pero kilala ang pamilya namin. My name is Ace," inabot nito ang kamay nito sakaniya. "Ace Cervantes." Bahagyang nagulat si Malia ngunit nakabawi din agad. Ano naman kung anak ito nang mag asawang Cervantes? Required ba na matakot o mahiya s'ya? Tumango siya bago sumagot. "Madumi kamay ko kaya hindi ko maaabot yang pakikipag kamay mo. Si Itay parating na iyon kaya mag hintay ka nalang po muna." Kahit paano ay may pag galang si Malia. Habang nag papainit si Malia ay kinapalan na niya ang kaniyang mukha. "Sir Ace, pwede ba akong maging caretaker? Marunong na ako dahil naturuan na ako nila inay. May isasama sana ako, si Jeraldine. Parehas kaming kailangan ang trabaho." Napataas ang kilay nito sakaniya. ** Hindi maiwasang mag taas ni Ace nang kilay. Para ba kasing ordinaryong tao lang s'ya kung kausapin ng dalaga. Hindi man lang niya ito nakitaan ng pagka gulat nang mag pa kilala siya. Hindi lang siya sanay na may babaeng para bang hindi napapansin ang presensya niya. "Pwede kanang mag simula bukas kasama ang sinasabi mong kaybigan mo." Walang emosyong sabi niya. Napaubo si Ace dahil sa usok na nanggagaling sa kusina. Ngunit ayaw niyang ipahiya ang dalaga kaya nag tiis na lamang siya. "Anak napakarami mo namang kinuhang ka—" Natigilan ang ina ng dalaga nang mapasulyap sakaniya. "Sir Ace? Hala! Itay nandito ang anak nila bossing." Nataranta ang may edad na babae. "Inay para ka namang nakakita nang multo. Hindi mo naman kailangan mataranta. Pinag i-init ko na po siya nang tubig para makapag kape." "Malia ano kaba! Napaka usok dito anak hindi sanay si sir Ace sa ganitong pamumuhay." Nakita ni Ace ang pag irap ni Malia. S'ya pa tuloy ang biglang nahiya. "Hindi ayos lang po. Makakasanayan ko rin ho ito." Napaubo pa si Ace. "Sir naku! Pasensya na po kayo sa anak ko sir! Dito na po tayo sa labas." Aya ng ina ni Malia sakaniya kaya tumango na lamang siya. Ang babaeng yon! S'ya palang ang trumato sa akin nang ganito. Naiinis na wika ni Ace sakaniyang isipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD