CHAPTER 6

659 Words
"Jeraldine! Malia! Huwag na kayong kung saan-saan tumutungo kakain na! Dali na at maya-maya ay marami pang ga-gawin!" Tawag ng ina ni Malia. "Tara na." Aya niya kay Jeraldine na pwerte pa ang pagka hilata sa damuhan. "Beh, hangover pa ako eh. Gusto kong matulog pa." Angal ng kaniyang kaybigan. "Immortal kaba? Alam mo kaya ayaw makipag inuman sa atin ng iba kasi parang hindi ka naman nalalasing, o kung malasing man hindi naman iniinda ang hangover." "Hindi tayo pwedeng mag inarte may trabaho tayo." Tanging sagot niya bago nauna na sa kaybigan niya. Nakita ni Malia na nakalatag na ang dahon sa mesa. Nasa labas sila, sa lugar kung saan tipon-tipon ang mga trabahador ni Ace. "Makisabay kana dito dali na. Nagluto ang itay mo nang ginataang papaya, tapos may daing pa na natira kagabi kaya tamang-tama." Napasulyap si Malia sa bahay kung saan nandoon si Ace. Naisip lang n'ya na malungkot siguro ang buhay nito. Para kasi kay Malia kahit pa mayaman ka at halos lahat nasayo na e, iba parin ang sayang nararanasan niya. Kompleto silang mag pa-pamilya habang si Ace ay watak-watak sila. Nakakalungkot iyon. "Anak, si Madisson pala kasambahay na kay Ace?" Tumango si Malia. "Ayos din, mabait naman si Ace natitiyak kong masasahuran si Madisson ng tama. Gusto rin tumulong sa magulang gaya ninyo ni Jeraldine." "Sus! Ang sabihin mo tiya e, gustong mag pasikat kasi gustong makuha loob ni sir pogi. Alam mo naman nanay n'ya mukhang—" Tinapakan ni Malia ang paa ni Jeraldine dahil sa biglang pag sulpot nito para lang dumaldal. "Totoo naman sinasabi ko beh." Depensa pa nito. "Easy money kasi gusto tiya, kung sakali nga naman na mainlove sakaniya si sir pogi edi tiba-tiba? Ang ibang babae ngayon pag may pera ang lalaki pinagduduldulan ang sarili." "Edi ba nga gusto mo rin makapangasawa ng isa sa mga Cervantes?" Natatawang tanong ni Malia. "Ang sa akin naman beh is pangarap lang, kung matuloy walang masama haha." Natatawang iniligtas ng kaniyang kaybigan ang sarili. "Ngayon kasi pag may hapon pinapalabas na ang mga anak. E, noon nga kapag may hapon nagsisi takbo na kadalagahan di'ba?" "Ikumpara mo pa noon at ngayon. Nag iba na ang mga tao Jeraldine, at tsaka mah*rot ka rin wag kang painosente." Natatawang pambabara ni Malia sa kaybigan. "Alam mo kapag na inlove ka ta-tawanan kita." "Sa ngayon hindi pa Jeraldine. May pag-asa pa akong magka gusto sa lalaking hindi mayabang, simple lang din at may pag galang sa mga magulang ko." Magsasalita pa sana si Jeraldine ng makita nila si Madisson. Abot tenga ang ngiti nito habang patungo sa pwesto ng mga magulang nito. "Mother! Binigyan ako ni sir Ace nang ulam!" Kinikilig pa ito. "Kita mo yan?" Pasimpleng turo ni Jeraldine. "Ano na naman ba?" "Pabida talaga, binigyan na nga kelangan ipangalandakan? Proud na proud?" "Kawawa naman ang iba d'yan!" Malakas ang boses ni Madisson. "Gulay lang ang ulam." "Kung papatulan ninyo si Madisson lalo lang kayong aasarin." Saway ng ina ni Malia. Sa inis ni Malia ay hindi na niya itinuloy ang pagkain. Kahit nagugutom ay nag paalam siyang mag papahangin na muna. "Anak pakisabi nga muna kay Ace na kulang na sa vitamins ang mga kabayo bago ka umalis." Bilin ng ina niya na tinanguan na lamang niya. "Ako na ho!" Sabat ni Madisson na patayo na sana. "Huwag na, ang beshy ko na Madisson." Si Jeraldine ang bumasag sa mayabang na dalaga. Natawa na lamang si Malia bago pumasok sa bahay. Nakita niyang nasa dinning si Ace kumakain mag isa. "Pinapasabi ni Inay na kulang na sa vitamins ang mga kabayo." Mahinahon niyang sabi. "Maupo ka." "Huh?" "Maupo ka sabi ko." Utos ni Ace na sinunod naman niya. "Sabayan mo akong kumain." "Bakit?" Takang tanong pa ni Malia. "Kumain kana lang." Tanging sagot ni Ace. Gutom naman talaga siya kaya hindi na siya aarte pa. Iyong pinag ya-yabang ni Madisson na nag bigay ng ulam e, kasabay na niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD