CHAPTER FOUR

2543 Words
"Move faster! We're running out of time!" sigaw ng unipormadong Thai Commander. "Sabi ko naman kasing ihanda ang mga iyan kahapon pa pero hindi kayo nakinig sa akin eh." Paninisi pa nito sa isang tauhan. "Sorry po, Sir. Wala naman po kasing mag-aakalang dadalaw ngayon si boss Ram," tugon ng isa. "Kaya nga lagi kong sinasabi sa inyong lahat na maging cowboy kayo na laging handa. Hindi iyong saka pa lang kayo magliligpit kapag darating si boss. Pasalamat kayo't hindi strikto ang boss natin eh," sagot ng Thai Commander. "Sorry na, Commander. Sisikapin naming gawin at sundin ang lahat," muli ay wika ng isa. "Dapat lang, Sao. Dahil kapag si Boss Ram ang magalit ay lagot tayong lahat. Mabait ang Boss natin ngunit alalahanin nating mahirap abusuhin ang tiwala niya," saad ng Thai Commander. Sasagot pa sana ang isa pero eksakto namang paglapit ng isa pang tauhan. Kaya't napabaling sila rito. "Sir, nandiyan na sa labas si Boss Ram. Sabi niya ay sa library daw kayo mag-usap," bulong nito. Bulong man pero sapat na upang marinig nilang nasa paligid. Dahil isa iyon sa patakan ng big boss. Ang maging alerto. Ikaw man o hindi ang kailangan nito ay dapat lamang na alive and alert ka. Dahil kahit mabait ito ngunit kamatayan naman ang parusa kapag napuno. "Sige, pakisasabing susunod na ako. Bibilinan ko lang ang mga kasamahan natin." Tumango ang Thai Commander sa tauhan. Sa isipan niya ay mabuti na lamang at hindi sa kinaroroonan nila ito dumaan. Dahil kung nagkataon ay lagot ang mga tauhan niya. Hindi na ito sumagot bagkus ay tahimik na sumunod sa utos niya. Kaya't hindi na rin siya nagsayang ng oras, nagbilin siya sa mga tauhan bago sumunod sa library kung saan naroroon ang boss nila. Then... "Kumusta ang ipinapagawa ko, Chiang? May development na ba?" salubong nitong tanong nang nakapasok na siya. "Sa ngayon, boss, ang maibabalita ko lang ay ang kung nasaan ang half-brother mo. He's in the Philippines. Since he left the palace up to the present, he settled in there. According to my source he has a son," paliwanag niya. Dahil iyon naman talaga ang katotohanan. Matagal na nitong ipinapahanap sa kaniya ang lokasyon ng half brother nito. Ngunit kamakailan lamang niya nalamang nasa bansang Pilipinas ito. SAMANTALANG sa narinig ay napangiti si Boss Ram. Ngunit ngiting kalaunan ay naging mabalasik. Ang animo'y tupa nitong mukha ay nagmistulang tigre! Mali, animo'y isa itong demonyo. At kahit anumang oras ay mananakal. "Ang tibay din niya. For more than thirty years since he left Chiang Mae he's still alive. How about his son?" ismid ni Boss Ram. "Marahil ay kasama niya, Boss. Dahil ayon sa source natin ay may kasama ito sa Pilipinas. He left Chiang Mae without nothing but he's living luxuriously," muli ay sagot ni Chiang, the Thai Commander. "Well, step by step, Chiang. Matutumbok din natin ang mismong lokasyon niya. Magandang balita na iyan kaysa naman maghahanap tayo ng karayom. About how he lives there, huwag n'yong kalimutang isa siyang Xavier. Kapag may malapitan at mahingan niya ng tulong ay madali niyang ma-access ang pera niya rito. Kaya nga napagtanto kong buhay pa ang lintik dahil biglang nag-freezed ang account ng Xavier Training Center. Mabuti sana kung main branch lang pero buong Thailand naman. Do your best, Chiang. Kailangang maibalik natin ang gag*ng iyon dito sa lalong madaling panahon. Hindi maaring laging freezed ang XTC(Xavier Training Centre). Doon tayo kumukuha sa financial para sa buong organization," pahayag ni Boss Ram. Sa isipan niya ay hindi na lamang ito namatay noong pinasunog niya ang mansion nito. 'Damn that stupid person! I'll curse him to his death!' he silently cursed upon thinking of his mortal enemy. "Masusunod, boss. Pero may bumabagabag sa akin boss..." alanganing ani Chiang. Kaya naman ay muli siyang napatingin sa Commander. "May problema ba, Commander?" he asked suspiciously. "Wala, boss. It's connected with your brother. Ayon din sa source natin ay isang magiting na alagad ng batas ang nakapitan niya. It sounds like he's from military department of the country---" "Never mind those things, Commander. You know our law. All we need to do is to eliminate all the debris in our path and no one is EXEMPTION. Kung permission ko ang hinihingi mo ay go ahead. You can kill anyone who will stand on our way." Pamumutol niya sa pananalita ng tauhan. "Copy, boss," tumatango nitong tugon. "By the way, kung kailangan mo ang cash upang mapadali ang lahat ay huwag kang mag-alinlangang magsabi sa akin. Dahil alam mo naman kung ano ang kalalabasan natin kung hindi tayo maging alerto," aniyang muli. Nagpatuloy sila sa kanilang pag-uusap, habang ang mga tauhan din ay abala sa paghahanap ng paraan kung paano makapasok ng walang aberya sa bansa kung saan naroon ang kanilang target. Jolbon Xavier! Ang mortal na kaaway ng kanilang amo. Kahit saang sulok ng mundo kapag ang boss nila ang mag-utos nang itutumba nila ay kailangan nilang sundin. Dahil iyon ang kanilang trabaho. At dahil nasa bansang Pilipinas ang target nilang si Jolbon Xavier ay kailangan din nilang iwan ang kanilang lugar. "TAMA ba ang pagsang-ayon natin sa ama umano ni Luther?" Pukaw ni MaCon sa asawa. Ilang araw mula nang naging bisita nila ang nagpakilalang Jolbon Xavier, ang ama ng kasintahan ng dalaga nila. Wala naman silang kaalam-alam kung ano ang estado ng dalawa at mas wala silang alam na manugang na nila ito. "Walang magulang na walang pakialam sa anak, hon. Wala ring kasiguraduhan kung magkasama silang dalawa. Tama, sabay silang nawala pero hindi sapat na dahilan iyon upang isipin nating magkasama sila. Money is not the issue here, honey. Pero tama din ang balae natin I mean ang kapatid ni Phillip. Mahirap hanapin ang taong nagtatago. Patunay lamang ang pagod, hirap ng mga inupahan nating investigator. So my answer is sure why not, honey. Alam ng anak natin ang daang tinahak palabas ng bahay, kaya't alam din niya ang daang pabalik. And besides kagaya nang sinabi ni officer Xavier, sila na ang bahala. So let's have faith in him." Clarence shrugged his shoulder as he answered his wife. "Tama si Daddy. Hindi ko naman sinasabing pabayaan natin sila bagkus ay ipagdadasal na lamang natin ang kanilang kaligayahan at kapayapaan nang pagsasama nila," sabad nang bagong dating, Mrs Saavedra. "CASSANDRA!" sabayang sambit ng mag-asawa kasabay nang paglingon sa anak na biglang sumulpot. "Yes, Mommy, Daddy. Ako nga at wala ng iba dahil naiwan sa rancho ang mag-ama ko. I'm sorry for this, pero mali kasi tayo sa biglaang paghusga sa sweetheart ni kambal. Oopps, may asawa at anak na po ako Mommy kaya't bawal na ang mangurot." Nakangising iwas ni Cassandra sa ina. "Ikaw naman kasi, anak. Kung noon mo pa kasi sinabing alam mo ang pagtatanan dalawa disin sana ay hindi kami nag-alala ng Mommy mo," ani Clarence. "Kung sinabi ko iyan noon wala ng thrill. I'm sorry for that or for covering them pero wala akong pinagsisihan sa ginawa ko. Kung hindi ako nagkakamali it's almost a year now since they left. I'm sure they're happily living together now somewhere. At ang tanging magagawa natin ngayon ay hintayin ang pagbabalik nila with another sets of dragons," she seriously answered. Samantalang sa narinig ay natigilan ang ilaw ng tahanan bagay na hindi nalingid sa asawa. "What's wrong, honey?" may pagtatakang tanong ni Clarence sa asawang natigilan dahil sa tinuran ng kanilang anak. "Nothing, honey. Napaisip lang ako sa huling tinuran ng anak natin. Another sets of dragons. Tama, babae ang anak natin pero Mondragon pa rin siya. Kaya't dragon pa rin and besides dugong bughaw ang kasintahan niya. Although magkasama sila at namumuhay bilang mag-asawa'y hindi pa rin legal dahil hindi sila kasal," tumatango nitong sagot . "Dugong bughaw, hmmm... dugong bughaw. Imagine that Mommy, Daddy. Ang lalaking namumuhay bilang suki ng preso ay nanggaling pala sa royal family. Kahit pa sabihing simula pagkabata nito ay nawala na sa Thailand pero hindi pa rin mawawala ang katotohanang royal blood ang nanalaytay sa katawan. Royal blood plus dugong Dragon, ano ang tawag natin doon?" Sumalampak si Cassandra sa pag-upo sa sofa. Kaso ang inang iniwasan sa pangungurot sana nito ay tuluyan na siyang kinurot. "Si Mommy talaga oo," nakangiwi niyang sagot. Hindi talaga siya nakaligtas kapag ang ina niya ang gustong mangurot. "Flying Dragon ang tawag doon. Dahil international na ang nahalo sa dugong Dragon, anak. Kaya't ayus-ayusin mo ang iyong pagsagot kung ayaw mong maubos sa pangungurot ng Mommy mo," nakatawang wika ni Clarence. Dahil talaga namang ang asawa niyang baby pa rin kung ituring ang mga anak nila. Kahit pa sabihing nasa wastong gulang na ang mga ito. Well, not bad. Flying dragon or flying babies mula sa isa pa niyang anak o ang nagtanan kasama ang inakala nilang preso. Tuloy! Ang umagang iyon para sa mag-anak ay nauwi sa mahaba-habang diskusyon. Dahil na rin sa kaisipang flying dragon. Inamin din naman kasi ni Cassandra ang kaalaman tungkol sa mga nagtanan. At inamin ding hanggang doon lang ang nalalaman. FEW months later... "A-ang sakit ng tiyan ko!" impit na daing ni Mariz Kaye. Kabuwanan na niya pero hindi pa naman niya due date kaya't labis ang pagtataka niya dahil mukhang gusto nang makita ng baby niya ang mundo. "Hipag, okay ka lang? I mean mukhang manganganak ka na," ani Bong-Bong. "H-hindi ko alam,bKuya Bong. Pero talagang masakit na ang tiyan ko. Nasaan ba ang kapatid ninyo?" patanong niyang sagot. "Huh! Nasaan na nga ba ang Curly Boy na---" Kaso hindi na nito natapos ang pananalita dahil eksakto namang pagdating ng taong pinag-uusapan. Ibubuka pa lamang nito ang labi pero naunahan na ng buntis. "Manganganak na yata ako, sweetheart. Pakikuha ang gamit ni baby---" Pero hindi na siya pinatapos ng asawa, instead of taking the things of their baby, binuhat siya nito na parang papel bago binalingan ang mga kaibigan. "Tol Mundo, pakikuha ang bag na nasa tabi ng pinto. Diyan sa silid namin at sumunod ka sa akin. Kayo naman, Tol Bong, Tol Ron maiwan kayo rito sa bahay. Alam n'yo na ang inyong gagawin. Let's go!" Nagmistula tuloy itong nasa training ground dahil sa pagkasabi sa mga binitiwang salita. Napanganga man sila sa bilis ng utos nito ay naging mabilis din ang kilos nila lalo at kitang-kita nila ang sakit na nakabalatay sa mukha ng hipag nila. Then... "Ipahiga mo na po ang asawa mo dito sir. Kami na po ang bahala sa kanya," ani ng nurse. Agad namang inilapag ni Luther ang asawa sa stretcher saka akmang itutulak pero naagapan ng nurse. "No, Sir. Hanggang dito na lang po kayo ng kasama mo. It's our duty to push this bed," sabi nito. Kaya naman ang asawa niyang halos nakapikit na dulot nang palagiang paghilab ng tiyan. "Kunting tiis na lang, wifey. Lalabas na ang baby natin. Matatapos na rin ang paghihirap mo. I'll be waiting here. I love you, wifey." He kissed his wife on her forehead saka bahagyang pinisil ang palad nito. Hindi na nakasagot ang Dragonang walang sungay dahil hindi pa naitutulak ng mga nurses ang stretcher ay binulabog na sila ng matinis na iyak ng sanggol. Nasa mismong reception area pa lang sila ay lumabas na ang dugong bughaw na sanggol. Tuloy! Imbes na asikasuhin nila ito ay napanganga pa sila. Kung hindi pa nagsalita ang nanghihinang bagong panganak ay hindi pa sila natauhan. "Kapag may mangyaring masama sa aming mag-ina ay hindi lang lisensiya n'yo ang mawawala mga miss. Your lives too. Kaya't bago pa tutubo ang pakpak ng dragon ay kumilos na kayo!" Mahina man ang pagkasabi pero mabigat ang dating. "Huh! Sorry naman po, Ma'am. Hindi lang po kami makapanaiwalang dito sa reception lumabas ang baby boy ninyo ni sir." Hinging paumanhin ng nurse sabay tulak sa stretcher. "Sir, dito lang po kayo ha. Tatawagin ko na lang kayo ng kasama mo kapag maari ng ilipat si misis sa ward---" "Private room, miss nurse. I'll take a private room for my wife." Pamumutol ni Luther. "Okay, Sir. No problem. Just stay here para alam ko kung saan ko kayo hahanapin," tugon ng nurse saka humabol sa mga kasama. Hinintay naman nila Mundo at Luther na naipasok sa emergency ang asawa ng huli bago sila umimik. "Naiisip mo ba ang naiisip ko, Tol?" Pukaw ng una sa huli. "Tsk! Paano ko malalaman iyan eh, hindi naman ako mind reader," wala sa loob na sagot ni Luther. Kaya naman ay pasimple siyang binatukan ni Mundo. Ah, ang kaibigan niyang nambatol pa samantalang Tatay na siya. Pero dibale na lang. Babawi na lamang siya sa ibang araw. Well, maghaharutan silang lahat as a celebration for his child coming. "Lumabas lang ang mini-curly boy naging masungit ka na, parekoy. Saka alam ko namang iniisip mong ayaw ng baby dito sa hospital kaya't nasa bungad pa lang ay lumabas na," pabulong nitong saad. Kaso careless whispers naman. "Mali, parekoy. Ayaw lang niyang mahirapan ang Mama niya dahil sa paglabas niya sa mundong ibabaw. But I'm wondering what will be his name. Puro pambabaing pangalan naman kasi ang napag-usapan namin ng asawa ko. Ayaw ko din naman sa Junior. I want to give his own name kaso wala akong maisip." The excitement was shown all over his face. "Halata nga, parekoy. Kulang na lang ay susunod ka---bawal manapak, Parekoy. Nandito tayo sa pagamutan." Nakatawang salag ni Mundo sa kaibigan. Binatukan niya ito pero ayaw niyang gantihan siya! Well, para-paraan lang din. "Kung nasa bahay lang tayo ay kanina pa kita nasapak eh. Give your nephew a name at kapag ikaw ang mag-asawa ay ako naman ang magbibigay ng pangalan," ani na lamang ni Luther. Hindi pa rin maitago ang kasiyahan. All his life only his friends are his family. Subalit dahil sa pagdating ng asawa niya ay nadagdagan ang matatawag niyang pamilya. At sa kasalukuyan ay may mini-curly boy na siya. "Emerson, a German origin has the meaning of brave and powerful person, Parekoy. Idagdag mo ang pangalan mo kako sana pero sabi mo namang gusto mong bigyan ng sariling pangalan. Sean, has the meaning 'God is gracious'. Combine them together, Parekoy. God is gracious for giving you a brave and powerful son. Sean Emerson Mondragon Bartolome. I'm sure sasang-ayun ang misis mo," pahayag ni Mundo kaso napakamot sa ulo ng sumagot ang kaibigan. "Saan mo nakuha ang mga pangalang iyan? Nagpunta ka ba kay Pareng Google's? O sa national library at nagbasa ng mga pangalan? But I love those names specially they have meaning." Amazement was shown on Luther's face once again. "Tsk! Tsk! Ikaw, Curly Boy, natural nabasa ko sa pharmacy nang bumili ako ng pandesal na isasawsaw ko sa pintura ng palatable," biro na ring sagot ni Mundo dahil halatang hindi maka-get over ang kaibigang Tatay na. Kaya naman! Ang simpleng harutan nila ay nauwi sa halakhakan at kung hindi pa lumapit ang attending nurse nang bagong panganak na misis ay hindi sila natahimik. "Follow me, Sir. Let's go and tranfer your wife and son to the private room as you wish." Pukaw nito sa kanila. So it be! The new born baby name is Sean Emerson Mondragon Bartolome. But! Sa kabilang panig ng pagamutan ay may isang pares ng mata ang nakamasid sa buong pangyayari. Nasaksihan nito mula sa reception hanggang sa nailapat sa private room ang mag-ina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD