Luther Bartolome - Blackship of the family, disgrace, problema ng bayan dahil sa labas-masok siya sa kulungan. O mas tamang sabihing walang maipakilalang magulang.
Ilan lamang iyan sa mga katagang naririnig ng mga tao laban sa kanya pero para sa kanya'y sabihin na nila ang gusto nilang sabihin dahil wala siyang pakialam.
"Hindi ako ang nagkakasala sa pinaggagawa nila kundi sila mismo ang gumagawa ng kasalanan nila," sabi nga niya.
Namumuhay na mag-isa, walang maipakilalang magulang o pamilya gano'n pa man ay may mga kaibigan siyang kagaya niyang labas-masok sa kulungan.
Hanggang sa nakilala niya ang babaing nasa theatre, Mariz Kaye Herrera Mondragon. Nagkaroon sila ng shooting sa lugar nila o mas tamang sabihing sa bukirin kung saan sila nag-tratrabaho sa palayan.
"Huwag kang hangal, Mariz Kaye. Aba'y hindi porke't sa theater ka eh magpapanggap ka na ring bulag. Haler! Hindi mo yata kilala ang taong pinapangarap mo ah." Madalas namang marinig ng dalaga sa mga kaibigan at pamilya.
Pero para sa kanya'y wala siyang pakialam dahil hindi siya nagpapanggap at mas lalong hindi niya kayang dayain ang damdamin niya. Umiibig siya sa taong labas-masok sa BAKAL NA REHAS.