IKATLONG KABANATA

2599 Words
"Welcome to our home, officer Xavier, officer Andaya I never expected you two to rushed here in our home. Have a sit." Masayang sinalubong ni Clarence ang mga maaga nilang panauhin. "Thank you, Captain Mondragon, pilot Herrera," tugon ni boss Jolbon. "Naipasa ko na sa panganay kong anak ang pagka-captain ko, officer Xavier. Pero teka lang, hindi inaasahang magkakilala kayo ng balae ko. How do you know each other?" Pinaglipat-lipat ni Clarence ang paningin sa dalawang panauhin. Kaya naman si Jhay-R ang sumagot. Well, nais sana niyang sabihing masyadong formal kaso sinarili na lamang niya. Dibale na lamang total masaya naman ito na nandoon sila. Ganoon pa man ay nagsalita siya. Ayaw na ayaw naman kasi niyang tinatrato siyang VIP lalo at in-laws ito ng pamangkin niya. "Magkakilala na kami noong nasa serbisyo pa kami balae or should I say noong parehas kaming nagsisimula pa lamang sa bokasyong tinahak namin. At kalaunan ay naging best buddies na kahit bihirang magkita ay handang supurtahan ang isa't-isa," paliwanag niya. "That's what friends are for, balae. Maiwan ko muna kayo riyan at sabihan ko ang taga-luto na dagdagan ang ihahain para sabay-sabay na tayong mag-almusal," nakangiti namang wika ni MaCon. Bilang ilaw ng tahanan ay ramdam niyang may mahalagang sadya ang mga panauhin nila. Dahil bukod sa maaga pa lamang ay kasama nito ang balae nila o ang tiyuhin ng manugang nilang si Agatha Pearl. Hindi ito napapadpad sa kanila kung walang mahaalagang sadya. At sa pagkakataong iyon ay mayroong kasama. Kaya't siguro siyang mahalaga ang dahilan kung bakit nandoon sila. "Ay hindi ba nakakahiya, pilot Herrera? Dumayo kami rito dahil may mahalaga kaming pakay sa inyo tapos pagsisilbihan n'yo kami?" Nakasanayang tawagin ang Ginang sa pangalan kung saan niya ito nakilala dati. Tuloy, napangiti ang mag-asawa. At sa isipan ng Ginang ay hindi siya nagkamali. Nasabi na ng panauhin nilang mag-asawa ang pakay. "No. It's not, officer Xavier. Alam iyan ni balae, kahit anumang oras kahit sino ang dumarating sa bahay ay pinapakain namin as we do to you. Siya sige I'll go to the kitchen---" Kaso ang pananalitang iyon ng Ginang ay hindi na natapos. Dahil sa mag-yayang naghahabulan! "Baby Zurich! Aba'y ang likot mo, baby. Naku lagot ako sa mamita mo nito." Hindi man nila lingunin ang tumatakbong bata ay alam na nila kung saan ito nanggaling. Ang anak ng panganay nila, galing na naman ito sa garden. Sa Baguio naman kasi ito nakatira sa kapatid ng isa sa panauhin nila o si Officer Andaya pero nasa siyudad ng Maynila ang ninuno nito sa ina dahil na rin sa negosyo. Kaya't nakiusap silang doon muna ang bata kasama ang yaya habang nasa siyudad. "Who's that clever boy?" may amusement na tanong ni Boss Jolbon. Kaso napanganga siya dahil naunawaan pala ng bata ang sinabi niya. "I maybe a clever boy as you said, Sir. But that will be my assets in the future. My name is Zurich Niel Bonifacio Mondragon. But my Mom and Dad call me baby Dragon. And my Papa Phillip oh my grandfather that's what I mean. He says that I'll fly high like a Dragon when I grow up," he answered cleverly as he walked away, once again. Tuloy! Ilang minuto rin na napatitig si Boss Jolbon sa batang hinahabol ng yaya nito. "Ang batang ito ay walang ipinagkaiba sa mga pinsan niyang sutil." Napailing tuloy si Officer Andaya. Dahil clever nga raw ang apo pero mukhang hindi naman siya nakilala. Samantalang kapag nakikita siya nito ay para siyang punong-kahoy na inaakyat. "I guess he's just five years old but he's too smart at his young age." Kay lapad nang ngiting nakabalot sa mukha ni Officer Xavier habang nakasunod ang paningin sa bata. Amusement still shining on his face. "No, officer Xavier. Apat na taon lang siya pero tama ka sa Sharp Mind and smart. Hindi ka namin nasabihan kanina kasi biglang sumulpot. Memoryado niya ang nasabi niya, kung tatanungin mo ay sasabihin niya ng buong-buo, kung paano niya sinabi. By the way, as you have said a while ago may sadya kayo ni balae sa amin. For now let's go to my office, doon tayo mag-uusap habang hinihintay natin ang almusal," pahayag ni Clarence na agad sinang-ayunan ng may-bahay niya na kababalik lang din galing kusina. "Tama ang asawa ko, officer Xavier, balae. Sa palagay ko ay napakahalaga ang pag-uusapan natin kaya't doon muna tayo sa opisina ng asawa ko. Binilinan ko na ang taga-luto na mag-intercom na lang kapag handa na ang lahat." She smiled as she spoke. Kaya naman ay sabay-sabay silang lumipat sa opisina ni Captain Mondragon(Cruise Ship Captain) sa loob mismo ng kanilang tahanan. Dahil confidential ang kanilang topiko kaya't kailangan din nila ang privacy. SA kabilang banda o sa tahanan ng mag-amang Jolbon at Skyler. Dahil na rin sa ilang araw nang napapansin ni Skyler na animo'y balisa ang ama ay naisipan niya itong kausapin. Kaso kagaya sa mga nagdaang araw ay hindi niya ito natiyempuhan samantalang maaga pa naman. Kaya't bumalik siya sa silid at napagdesisyonang pumanaog sa unang palapag ng kabahayan. "Nasaan si Daddy, Romano? Saka bakit parang ang tahimik ng kabahayan samantalang maaga pa naman," nagtatakang tanong ni Skyler. "Huh! Sorry, Boss, pero akala ko ba ay nagpaalam si Boss Jolbon? Maagang lumabas, Boss at kasama niya ang panauhin ninyo." Napakamot ito sa ulo. "Sinubrahan mo na naman ang nagkape, Romano. Wala na nga tayong nalalaman kung nasaan ang kinaroroonan ng Curly Boy na iyon. Ayan ka pa sa kakakamot sa ulo mo, mamaya niyan ay makalbo ka eh." Nakailing niyang pangangantiyaw. Aba'y maari naman itong sumagot nang hindi kamot nang kamot sa ulo! "Ay mali, boss. Hindi nasubrahan kundi hindi pa ako nakapagkape. About kay Curly Boy, sa palagay ko ay mayroong nalalaman ang mga kasama niya kaso pati sila ay ilang araw na ring hindi pumapasok, hindi dumadalo sa meeting ng organization. Patunay lamang iyan na alam nila kung nasaan ang kulot na iyon," tugon ni Romano. Aba'y mahirap na baka mapag-initan siya ng amo niya. Mas maganda na ang maging tapat sa pagsagot. Wala namang masama kung ipaliwanag niya ng maayos. And besides, talaga namang hindi pa siya nagkakape! SAMANTALANG sa isipan ni Skyler ay hindi na iyon nakapagtataka kung itinaya ng mga kaibigan ni Curly Boy ang buhay para sa kanilang kaibigan. Dahil nasaksihan niya kung paano pahalagaan ng mga ito ang bawat isa. Nasa kulungan sila ng panahong iyon pero bihira ang kagaya ng grupo nito na may malasakit sa kapwa preso. Kung siya ang masusunod ay kahit hindi na nila hahanapin ang kulot kung tawagin ng right hand man niya dahil marami namang talented men sa grupo nila. Hindi lang niya maunawaan kung bakit ang ama niya ay sa kanila pa ni Romano ipinasa ang tungkol sa paghahanap sa Kulot na iyon. Samantalang hindi naman nila ito kaano-ano. "Boss, alam mo ba kung ano ang gumugulo sa isipan ko ngayon?" Tinig ng tauhan niya ang pumukaw sa malalim niyang pag-iisip. "C'mon tell me, Romano. Huwag mo akong binibitin sa balita mo. Alam mo namang kahit 'di ako nakatingin sa iyo ay nakikinig ako," aniya. "Nagtataka ako, Boss, kung bakit kailangan pang ipahanap sa atin ni boss Jolbon ang kulot na iyon. Kung ang boss ng organization ang magpapahanap sa kaniya ay natural lang iyon dahil membro siya ng BAKAL NA REHAS UNIT. Kaso ang Daddy mo, boss, sa anong dahilan niya ipinapahanap sa atin ang taong iyon?" Gamit ang hinlalaki ay napahawak ito sa leeg. At first parang hindi pumasok sa isipan niya ang pahayag ng right hand man niya. Kaso nang napahawak ito sa leeg ay doon natauhan si Skyler. Doon pumasok sa utak niya ang bagay na iyon. Tama naman ito, ilang araw na niyang napapansin na laging nasa labas ang ama kasama ang panauhin nito. Can't it be... Can't it be... "Hindi kaya may kinalaman ang palagian nilang paglabas ni Tito Jhay-R sa nangyayaring ito? Pero hindi naman maaaring may ugnayan sila ng Curly Boy na iyon. Hindi nga sila magkakilalang dalawa." Nagmistula tuloy siyang bubuyog na bulong nang bulong. Kaya't marahil ay hindi nakatiis si Romano dahil muli itong nagtanong. "Boss, ako ba ang mo o sarili mo? Eh, huwag mo akong tingnan ng ganyan boss kasi naman hindi ka sumisigaw pero hindi naman bulong. Careless whispers nga lamang kaya't napaisip ako kung ako ba ang kausap mo o nagsasanay ka sa monologues at papasok sa theatre ng mga Herrera. Kaso kasabay nang pagkawala ni Curly Boy, nawala din ang beautiful lady na iyon." Nakataas ang dalawang palad nito na para bang nanunumpa. Sa takot na baka sapakin siya ng amo sa unang pagkakataon. Kaso! Ang pangambang lumukob sa kaniya ay napalitan nang pagtataka. Bukod sa napapitik ito sa eri ay para pa itong nasilihan sa puwet. "Hindi ko alam kung blessing in disguise nga ba ang pagka-weird mo minsan, Romano. Minsan naiisip kong nagmamaang-maangan ka lang sa mga tinatanong ko. Pero alam mo bang ikaw ang pinaka-the best sa lahat ng lalaking daldalero? Daldalero ka, Romano. Pero hindi mo alam na dahil diyan ay nabibigyan mo ako ng ideya. Well, sabagay diyan kita nagustuhan dahil bukod sa walang preno ang labi mo ay very honest ka pa sa akin." Abot hanggang taenga ang ngiti ni Skyler habang nakatingin sa tauhan. What a man! Daldalerong may katuturan. "Natural! Nagmana lang sa iyo, boss. Pero saka na tayo magbolahan, boss. Sa tingin ko ay may kinalaman ang pagkawala ng dalawa lalo at sabay silang naglahong parang usok," nakangiwing pahayag ni Romano. So it be! KUNG sumugod ang magkaibigang Jolbon at Jhay-R sa tahanan ng mga Mondragon, ang mag-among Skyler at Romano ay naging detective Conan naman! Instead of searching and investigating about the whereabouts of Curly Boy, they went off to the place where they think that can give an answer to them. Isang umaga, labis ang pagtataka ni Luther dahil himalang hindi siya ginising ng asawa niya. "Huh! Mataas na pala ang araw. Himala naman yatang....Hmmm, kaya pala hindi ako ginising ng misis ko dahil tulog din pala siya. Mukhang masyado siyang napagod sa bukid ah," bulong niya habang nakatunghay dito. Kung sa araw-araw nilang buhay, ang asawa niya ang gumigising ng maaga upang maghanda ng almusal nila. Meryenda nila sa bukid, minsan pa nga ay kahit wala silang trabaho doon ay nagyayaya itong doon mananghalian. This time, siya naman ang kusang kumilos. "Ako na naman ngayon ang magsisilbi para sa iyo, asawa ko. Alam kong nahihirapan ka sa buhay probinsiya pero maraming salamat dahil hindi ka sumusuko. Diyan ka muna, wifey at ako ay maghahanda ng almusal natin. I love you, wifey," aniya sa mismong punong-taenga nito. Maingat siyang bumaba sa higaan nila saka inayos ang kumot na nakatabingi. Kaso natigilan siya dahil nakatagilid ito kaya't kitang-kita niya ang tiyan nito. Iba ang hubog nito, parang... parang...! "Tatay na ba akong hindi ko nalalaman?" Napatitig siya sa may umbok na tiyan ng asawa. Kaya naman! Ang dragonang bumait simula nag-asawa ay nagising dahil sa careless whispers! "Ang aga mo namang bumubulong diyan, sweetheart. Aba'y mayroon ka bang problema?" tanong nito habang nakapikit. "Good morning, wifey, gising ka na pala. Ano ang gusto mong almusal?" balik-tanong niya. "Ikaw, ikaw ang gusto kong almusal," sagot nito na parang wala sa sarili. Kaso nang napagtanto siguro ang nasabi ay napaupo ito bigla. "I love you, sweetheart," malambing na sambit ni Mariz Kaye sa asawa. Peste kasi! Kung ano-ano na lang lumalabas sa labi niya. Umagang-umaga ay mukhang pervert ang kaniyang bibig. "Yeah, I know it, wifey. Dahil mahal na mahal din kita. Hmmm, wifey, maari ba akong magtanong?" tanong nito. "Of course, sweetheart, ano ba kasi iyon? Kanina pa kita nauulinigang bulong ng bulong. Dali na at may pupuntahan tayo." She is smiling seductively. Nagtataka talaga si Luther dahil sa ikinikilos nito. Para bang naka-droga at iba ang trip! They're having their rituals daily...ahhh! Seni-seduce siya early in the morning! Ang junior niya ay kumikislot dahil sa trip ng asawa niya . "Wifey, hmmm hindi kaya ay buntis ka? Kasi ang hugis ng belly mo ay parang may laman. If, hindi ka sigurado ay let's go to the doctor in the City." Suhestiyon niya na hindi ipinahalatang kumakaway ang hinaharap. Kaso mas nagtaka siya dahil napangiti ito sa sinabi niya. Di yata't trip siyang asarin! Patient! Pasensiyahan ang dragonang asawa Curly Boy! "Silly you, sweetheart. Alam ko iyan I mean about pregnancy. Kung napansin mo ay hindi na ako gumagamit ng pads. Kasi ganito iyon, alam kong nagtataka kayo ng mga kaibigan mo sa biglang pagbabago ng katawan ko. Alam ko ring may hinala kayong buntis ako kaso walang nangahas na nagtanong. Sarap mong pagbabatukan, sweetheart. Asawa mo naman ako kaso hindi mo magawa-gawang itanong kung bakit nananaba ako," pahayag ni MK. "Wifey, wala akong pakialam kahit tumaba ka. Hindi naman ako ang uri ng tao na tumitingin sa panlabas na kaanyuan. Mahal na mahal kita at hindi na magbabago iyon," madamdaming sabi ni Curly Boy "And I love you more than you do, my Curly Boy, my sweetheart, my husband, my everything. At sa tanong mo kung buntis ako ay iyan ang sisiguraduhin natin sa doktor pero sa clinic na lang. Kung hindi ako nagkakamali ay anim na buwan ang laman ng tiyan ko. Kaya't kailangan na rin nating mamili ng gamit para sa magiging baby natin." Yumakap si Mariz Kaye sa asawang kulang na lang ay pasukan ng langaw ang bibig. But.... Nang nakahuma ang Curly Boy, ay para itong sinaniban ng good spirit dahil kumalas ito sa asawa. Nagtatalon ito habang sumisigaw. "Yes! Yes! Sabi ko na nga ba ay tatay na ako! Yes!" sigaw nito. Hindi pa nakuntento, bigla itong dumungaw sa bintanang nakaharap sa bahay ng mga kapatid saka muling sumigaw. "Mga 'tol! Yahoo! Gising na kayo riyan, dahil may pamangkin na kayo!" Over acting man siguro pero hindi napigilan ni Luther ang sariling magtatalon at magsisigaw dahil sa sayang nadarama. "Ikaw ang tinanghali ng gising, Curly Boy. Nandito na kami sa kusina. Bangon na riyan." Bahagya pang dumungaw si Mundo. "Ayan, sweetheart. Ikaw kasi, maka-sigaw ka parang ikaw lang ang tao sa earth. Sige na, kalmahin mo ang iyong sarili upang makababa na tayo." Napailing tuloy si MK dahil ang asawa niya ay talagang sinaniban ng magandang espirito. She's excited too. At mas nagiging excited siya dahil sa nakikitang reaksyon ng asawa. She's so lucky to have him as her man, her husband. Kaso naging seryoso rin nang muli itong nagwika. "I love you, my dearest wifey. I know it's so cheesy and corny but I'll repeat again and again. You brought the shine on me. The love and faith you've shown to me was unconditional. And now that our baby will come soon, I guess it's the right for me to tell you the truth. Lets me talk first, wifey. I'm not just a prisoner, the truth is I'm the unit leader of BAKAL NA REHAS unit. We belong to a huge undercover organization, wifey. Please forgive me for not telling earlier." Hinging paumanhin ni Luther sa asawa. "Alam ko iyan, sweetheart. Matagal ko nang alam ang tungkol sa tunay ninyong trabaho ng mga Kuya ko. Ayaw ko lang na ma-offend kita kapag ako ang magsasalita samantalang undeniable naman ang pagmamahal mo sa akin. Mahal na mahal kita, hubby loves ko. The one and only who captured my heart, the father of my child," pahayag naman ni Mariz Kaye. Masaya siya dahil sabay nang pag-amin niyang ilang buwan na siyang hindi dinaratnan ng buwanang dalaw ay inamin din nito ang katotonan tungkol sa pagkatao which makes her the happiest wife alive!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD