CHAPTER FIVE

2466 Words
"Ha! Sino ang nakita mo, boss?" hindi makapaniwalang tanong ni De Silva sa amo. "Ikaw naman, De Silva. Ang linaw-linaw nang pagkasabi ko eh," nakangiwing tugon ni Boss Jolbon. Hindi naman siya galit sa paraan nang pagtanong nito pero hindi pa rin siya makapaniwala't makahuma sa nasaksihan. Mag-asawa na ang anak niya at dalaga ng mga Mondragon, at higit sa lahat ay may apo na sila. Nanganak na ang manugang niya. Kaso dahil na rin sa malaliman niyang pag-iisip ay maaring inakala ng right hand man niyang hindi siya nakikinig. Kaya't muli itong nagwika. "Haist, bossing naman eh. Kanina pa ako daldal nang daldal dito sa harapan mo. Baka naman maaring sabihin mo sa akin kung bakit ka napatulala? Ah, mali pa rin. Ano ba kasi ang nakita mo, boss? Sabi mo malinaw ang pagkasabi mo pero hindi ko naman naunawaan." Sa pagtataka y kakamot-kamot na rin si De Silva sa ulo. Tama, tauhan lang siya ng boss Jolbon niya pero parehas silang pamilya ang turing sa isa't-isa. Sabi nga ng iba ay mag-asawa silang mag-amo dahil INSEPARABLE sila. Siya ang mas nahihirapan sa tuwing nakikita niya itong malungkot. At kagaya sa oras na iyon ay muli niyang nasilayan ang lungkot at sa mata nito. Ilang taon na rin niyang hindi napansin iyon ngunit sa pagkakataong iyon ay nanumbalik ang dati. Kaya naman ay nagpakawala siya nang malalim na hininga. "Alam ko, De Silva. Nauunawaan ko ang malalim mong hininga. You're worried about me again. Ngunit alam mo bang hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon? Kumbaga sa ulam ay pakbet, sa madaling salita ay mix emotions ako ngayon. Masaya ako dahil ako ang nakakita kay Luther hindi si Skyler o ang tauhan niya. Kahit sa malayuan ay nasilayan ko siyang muli. "Wala man siyang kaalam-alam sa tunay niyang pagkatao pero saludo ako sa prinsipyong ipinaglaban at tinahak. Nalulungkot din ako, De Silva. Dahil sinolo nila ang hirap samantalang may marangya silang buhay. Ang kinakatakot ko ngayon ay ang baby nila. Baka madamay ito sa gulo na nakaamba sa kanila---" Kaso! Ang napahaba na nang pahayag ni Boss Jolbon ay naputol. Dahil ang seryosong nakikinig ay biglang nagsalita. "Teka lang, bossing. Aba'y naguguluhan ako sa pinagsasabi mo eh. Okay na sana kaso biglang napunta sa baby. Sino ba ang may baby, bossing?" Pamumutol nito. Halatang naguguluhan dahil ayon na naman sa pagkamot sa ulo. Tuloy! Hindi niya tuloy napigilan ang sariling napangiti. Ang right man hand niya kasi eh! Inosenting-inosente. Akala pa naman niya ay naunawaan nito ang nauna niyang pahayag. Iyon pala ay talagang naguguluhan. "May apo na ako, De Silva. Huwag mo nang itanong kung kanino dahil iisa lang naman ang anak ko kaya't sa kaniya ako nagkaapo. She gave birth a healthy baby boy. Kung hindi ako nagkakamali ay Sean Emerson Mondragon Bartolome ang buong pangalan ng bata. Okay na ba ang paliwanag ko o baka ikaw naman ang natutulala sa balita ko?" nakangiti niyang pahayag. Sa tulad niyang ilang dekadang nawalay sa anak ay malaking kasiyahan na para sa kaniya ang makita ito kahit sa malayo. Kasa-kasama man niya ito simula pagkabata pa pero hindi bilang mag-ama kundi ampon ng organization nila. Ipinaalaga man niya ito sa tunay na ina nang ipinakilala niya sa mundo na tagapagmana niya o si Skyler. Subalit nagbalik din sa kaniya si Luther nang nag-asawa ang nakalakhan nitong ina o ang tunay na ina si Skyler. Ayon dito ay sinasaktan ito nang napangasawa ng ina kaya't hindi siya nagdalawang-isip na kinuha ito. Dahil na rin sa pakiusap ng dati nilang katulong sa Thailan o ang naging ina-inahan ni Luther ay hinayaan na lang din niyang Xavier si Skyler at ang tunay niyang anak ay nanatiling Bartolome. Luther spent all his life in misery. Sa malawak na lansangan ng Tondo ito lumaki kahit pa sabihing siya rin ang humubog. Binabalik-balikan pa nga nito ang nakagisnang ina kaya't hindi na ito natandaan ni Skyler. Sa tulong ng kaibigan niya, Jhay-R Andaya. Sinuportahan nila ito sa pag-aaral na lingid din sa kaalaman nito, marahil nga ay lumaki itong mahirap pero hindi maitatatwa ang dugong nananalaytay sa katawan. He got all his talents as a royal successor. At sa hitsura nito ay maari nang itabi sa mga kinaiinisang showbiz. Kaso! Ang naglayag na naman niyang isipan ay napalalim. Iyon nga lang ay alerto ang right hand man niya. Dahil muling nag-ingay! "Boss, boss. Huh! Akala ko ba ang sabi mo ay ako ang napatulala pero ikaw naman, boss. Okay ka lang ba?" Pukaw ng faithful right hand man niya. "Yes, De Silva. Okay lang ako. Huwag na natin silang abalahin total masaya naman na sila rito. Balik na tayo sa hotel para ayusin ang gamit natin. It's a blessing in disguise na tayo ang napunta rito sa Bicol kaysa si Skyler at mga tauhan niya. We need to go back in Manila via airplane para mabilis. Kailangang maabisuhan natin ang kaibigan ko about this as well as Captain Mondragon and pilot Herrera." He smiled as he uttered his words. "Sayang, bossing, kung hindi lang sana ganito ang sitwasyon, maaaring kalong-kalong mo na ang apo mo. At this point, bossing, may agam-agam ako dahil maaring nakakahalata na rin si Boss Sky kung bakit ipinapahanap mo si Aaroon(real name ni Curly Boy) samantalang sa mata nila ay hindi mo siya kaano-ano. Wala din naman silang kamalay-malay na kayo ni boss Jhay-R ang big boss ng organization natin," ani De Silva. Dahil sa pahayag ng faithful right hand man niya ay napabuga siya sa kawalan. Pakiramdam niya ay siya na mismo ang nagtulak sa anak niya sa pilegro. Tama naman ang tauhan niya na baka naghihinala na ang ampon niya kaso ano ang magagawa niya eh nangyari na. "Panahon na rin upang malaman niya ang buong katotohanan, De Silva. Maaring wala pa siyang kaalam-alam sa ngayon pero hindi maglalaon ay malalaman din niya. Kaya't mas mainam na ako mismo ang magtatapat sa kaniya. Hindi man siya nanggaling sa dugo ko pero ako ang nagpalaki sa kaniya. Mahirap tanggapin ngunit kailangan niyang magpakatatag," pahayag niya. "Sang-ayun ako sa bagay na iyan, boss. Dahil kahit laking Tondo si young master ay hindi mawawala ang dugong bughaw sa katauhan niya. Pero bago pa mapunta kung saan-saan ang usapan natin ay tara na po. Malay natin, may taenga ang lupa at may pakpak ang balitang nakita natin sila," matalinhagang pahayag ni De Silva. Masuwerte siyang nakakabiruan niya ang kaniyang boss. Ngunit weakness naman din niya itong nakikita nalulungkot. Kaya't hindi na niya pinahaba ang usapan nila bagkus inaya na lamang niya itong babalik sa tinuluyan nilang hotel. Nagkataon lang naman kasing may meeting ito sa Albay kaya't nasaksihan nito ang paglabas ng apo sa mundo. SA kabilang banda, sa kaalamang lumabas na ang pamangkin nila ay agad sumugod sina Ron-Ron at Bong-Bong sa pagamutang kinaroroonan ng kaibigan nila matapos masiguradong sarado na ang kabahayan. Bahay nilang magkakaibigan at ang bahay ng mag-asawang Luther at Mariz Kaye. "Hello, baby boy, nandito ang mga tiyuhin mong pogi," bulong pa ng una nang nahawakan ang sanggol na mahimbing sa pagtulog. "Susme, pare. Binuhat mo lang si little Curly eh binuhat mo na rin ang upuan mo. Tsk! Hintayin mo ngang sabihin naming pogi ka." Ismid at panunupla kuno ni Mundo. "Ang taong ito ay talagang kontrabida. Aba'y bakit ko pa hihintaying sabihin mo samantalang alam ko namang guwapo ako," anito na bahagyang tinaasan ng kilay ang kausap. "Help mga Pare. Mahangin eh. Nilalamig ako." Pabirong napahalukipkip si Bong-Bong. Tuloy! Ang private room na kinaroroonan nila ay napuno nang maugong na halakhakan. Kaya naman ang bagong panganak ay hindi napigilang sumabad kaso nasamid naman sila sa tinuran nito. "Alam n'yo mga, Kuya ay masuwerte akong may tatlong Kuya dahil ang Curly Boy ay Tatay nang kalong-kalong ninyo at asawa ko kaya't tatlo lang ang Kuya ko. Sean Emerson is so lucky to have handsome uncles like the three of you. Pero siyempre kahit mga pogi kayo ay pinaka-pogi pa rin ang Curly Boy ko." She giggled. Kaso ang binatang may hawak sa sanggol ay nasamid ng tuluyan, kaya naman bahagyang umingit ang hawak na sanggol. Animo'y nauunawaan ang nangyayari dahil bigla itong gumalaw. "Hey, man! Ingatan mo ang anak ko. Aba'y bagong silang iyan." Nakatawang paninita ni Curly Boy na halos hindi makasingit sa kakulitan ng mga kaibigan na para bang hindi nagkita-kita ng ilang taon samantalang ilang oras lang naman. Idagdag pa ang alaskador din niyang asawa. Madali lang din naman kasi nila itong nakapalagayang loob kahit pa noong bagong magkakilala sila kaya't binibiro lang nila ang isa't-isa. "Huwag kang mag-alala, Curly Boy. Dahil kahit buhay ko ay itataya ko para kay mini-Curly. Mas mamahalin ko siya kaysa sa Tatay niyang kapatid ko ng ilang dekada," tugon nito na isinasayaw-sayaw ang sanggol. Hinayaan lang din nilang mag-asawa na pagpasapasahan ng tatlo ang bagong silang na sanggol. Masuwerte pa rin sila dahil may mga kaibigan silang handa silang damayan sa hirap at ginhawa. Few days later... "Ano ang plano mo ngayon, wifey?" tanong ni Luther sa asawa. Pinapadede nito ang sanggol nila kaya't kitang-kita ang malulusog nitong dibdib. Well, hindi pa siya maaring makiamot dito kaya't hanggang tingin lang muna siya. Dahil kalakasan pa nitong magdede. "Plano? Para saan, sweetheart?" Dahil wala namang idea si Mariz Kaye kung ano ang nais ipakahulugan ng asawa ay ibinalik niya ang tanong nito. "Wifey, mahigit isang taon na tayo rito sa Albay. Patunay diyan ang anak natin. Alam kong hindi ka sanay sa hirap dahil nakasanayan mo ang may katulong na nakapalibot sa iyo. Samantalang tayo-tayo lang ang nandito, ikaw ang gumagawa sa mga bagay na iniuutos mo lang dati sa katulong," pahayag ni Luther saka bahagyang tumigil. Naninikip ang dibdib niya sa tuwing naiisip ang hirap ng asawa. Hindi man naghihirap financially dahil may ipon naman siya pero sa trabaho ay alam niyang nahihirapan ito. Minsan na niyang nakita ang sugat sa palad nito marahil sa paglalaba, galos mula sa bukid lalo at tuwang-tuwa ito tuwing lumulusong sa palayan. "Then? Ano ang problema roon? Natural ako ang gagawa dahil ako ang babae, bakit may naririnig ka bang reklamo mula sa akin? O baka naman may napupusuan kang babae kaya't nais mong ipasok kuno bilang katulong natin?" She said suspiciously! Teka lang! Aba'y wala siyang ibang ibig sabihin. Bakit nagka-back fired agad-agad? Huh! Hindi naman yata makatarungan ang bagay na iyon. Wala nga siyang oras tumingin sa ibang babae, iyon pa kayang may napupusuan siya at nais ipaaok sa bahay nila. "Ha? Anong pinagsasabi mo riyan, wifey? Aba'y lagi tayong magkasama ah. Saka kahit maglaho pa ang balat ng tinalupan ay hindi kita ipagpalalit. You and our baby is my life." He was shocked upon hearing those words from his wife. Wala naman siyang ibang plano kundi ang tanungin ito kung ano ang plano nito o wala ba itong balak babalik sa mga magulang sa Manila kaso mukhang iba ang pagkaunawa nito sa kaniya. "Alam ko, alam ko iyan, my Curly Boy. At mas alam ko ang nais mong tumbukin pero kahit ako ang gumagawa sa mga dati kong iniuutos ay masaya ako dahil kasama kita. Wala kang naririnig mula sa akin dahil masaya akong kapiling ka lalo na ngayon na may baby na tayo. Mahal na mahal kita, sweetheart. Hindi na iyan magbabago. I have faith in you," agad na pahayag ni Mariz Kaye lalo at kitang-kita ang shocked sa mukha ng asawa. Inilagay niya sa duyan ang matakaw sa tulog na sanggol saka nilapitan ang asawa. "Ano ba kasi ang nais mong sabihin? Kapag may nais kang itanong, sabihin, o ano pa man deretsahin mo ako ng tanong. Kahit isang taon na akong wala sa theatre eh mukhang na-shocked ka pa rin sa sagot ko. I'm sorry if I did," malambing niyang sabi saka yumakap dito. Kaya naman unti-unti na ring bumabalik ang sigla na nakabalot sa mukha niya(Luther). Totoo naman kasing shocked to the bones siya. Hindi niya inaasahan ang birong iyon ng asawa lalo at seryoso naman siyang nagtanong. "Tama ka nga, wifey. Nadali mo ako roon and sorry na rin kung hindi ko agad nasabi ang nais ko. By the way, wala ka bang balak uuwi ng Manila? We're husband and wife already, even we have Sean Emerson. Kako baka matutunaw ang galit nila sa iyo kapag mahawakan nila si baby," sagot niya na gumanti ng yakap. "Sweetheart, kung babalik ako ng Manila ay kailangang kasama kang haharap sa mga magulang ko. Pero kung hindi ka rin lang sasama ay huwag mo ulit banggitin ang bagay na iyan. Dahil maghahalo na talaga ang balat ng tinalupan." Tiningala ni Mariz Kaye ang asawa. Saka palamang niya napagtantong aburido ito. His handsome face was clouded. Nais tuloy niyang batukan ang sarili. Kung ano-ano ang lumalabas sa bibig niya! "Noon pa man ay gusto kong humarap sa magulang mo, wifey. But in every time that I remember in the eyes of everyone. I mean, I'm just a a mere prisoner, I'm already shaking. Your family is highly respected in town. Samantalang daig pa ng basurero ang asawa mo," mahinang pahayag ni Luther. Naipagtapat na niya rito ang tunay na siya at buong sekteto ng kaniyang buhay. Marangal ang trabaho mayroon siya kaya't proud siyang haharap sa mga tao kaso ibang usapan kapag mismong biyanan. Kilala sa lipunan ang mga ito bilang mga respetadong tao, idagdag pa ang MARGARITA INTERNATIONAL CRUISE SHIP. Kaya't mas naging matunog ang pangalan ng mga ito. Nasa ganoon siyang pag-iisip nang muling nagsalita ang mahal niyang asawa. "Marahil nga ay nakilala ka ng pamilya ko as prisoner pero kapag malaman nila ang tunay mong katauhan ay magbabago ang paningin nila sa iyo, sweetheart. Hindi matapobre ang pamilya namin, sweetheart. Nagkataon lamang na prisoner ka kuno it means sanggano. Kahit naman siguro ikaw ang nagkataong magulang ko. Pero kung talagang hindi mo pa kayang haharap sa kanila ay nasa iyo iyan basta ako, kung saan naroon ang asawa ko ay nandoon din ako. "Don't worry too much about me, sweetheart. Dahil bago pa lang kita nakilala ay pangarap ko na ang makapag-asawa ng farmer of my eyes kaso undercover na farmer ang ibinigay ni BOSSING." Sa pagkaalala niya sa 'farmer of her eyes' natawa si Mariz Kaye. Hindi naman sa pinagtatawanan niya ang asawa, gusto lang niyang pukawin ang idinulot niyang shocked. Kasalanan din naman kasi ng bibig niyang walang preno. "I love you, wifey. Huwag kang mag-alala dahil hindi man ngayon o bukas pero ipinapasigurado ko sa iyo, wifey, one of this days ay babalik na tayo ng Manila. We will just clear the roads and we'll be back on the track once again. Hindi maaring habang-buhay na magtatago tayo rito. I want you and our son live freely," makahulugan nitong sagot. "I love you more, sweetheart. Hindi na iyan magbabago." Muli ay yumakap siya sa asawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD