"What makes your mind changed, Luther anak?" Nakangiting salubong ni Jhay-R sa anak ng kaibigan. Alam naman niyang kahit mainitin ang ulo nito ngunit nadadaan sa usapan. Kagaya sa oras na iyon ay kusa itong bumalik. Kaso hindi ito agad nakasagot kaya't pasimpleng siniko ni Mundo. "Gusto ko po... Gusto kong malaman ang puno't dulo ng lahat, Boss. Kung ano ang dahilan at hinayaan ako ni Boss Jolbon, sa kalinga ng ibang tao. At sana ay ipaliwanag mo ng maayos," sa wakas ay tugon pahayag ni Luther. Huwag na huwag silang magkamali nang maisagot sa kaniya dahil baka tuluyang magdilim ang paningin niya. Hindi biro ang mga pinagdaanan niya sa mga taong nasa lansangan at kalsada siya ng Tondo. Kaso bago pa makasagot ang pumangalawa niyang ama ay nagwika ang kaibigan niya. "Ah, Boss, doon muna