HINDI pa rin mapakali si Luther sa kaisipang maaring mapahamak ang mag-ina niya. Kaya't urong-sulong siya sa kinaroroonan. Actually, lumayo lang naman siya kaunti sa bahay ng pangalawa niyang ama. Aminado siyang gusto niyang magwala dahil sa nalaman pero pilit sumisiksik sa utak niya ang kaniyang anak na mahigit isang buwan na ring hindi nakita at ganoon na rin katagal na hanggang tanaw lamang siya sa mga ito. "Kaya ko bang itaya ang buhay ni Sean Emerson dahil lang sa galit ko? Ang anak kong walang kamalay-malay ay madadamay, kakakayanin ba ng kunsensiya kong mapahamak siya?" bulong niya habang palakad-lakad at hawak ang batok. Kaso! Dahil sa malalim niyang pag-iisip ay hindi niya namalayan ang paglapit ng kanina pa nakamasid sa kaniya. Ang kagaya niyang lumaki sa kalinga ng mga taong