"Diyos ko, hindi ko pa naipagtatapat sa asawa ko ang tungkol sa tunay kong trabaho. Kalabisan ba Ama kung hihilingin kong tulungan mo ako na magtapat sa kaniya?" bulong niya habang nakatingala sa kailangitan.
Hindi man kasing-rangya nang nakamulatan ng asawa niya ang garden nila ay masasabi niyang mayroon silang tambayan sa harapan mismo ng kanilang bahay. Doon siya nagtungo nang lumabas siya sa silid nilang mag-asawa.
Patay na lahat ang mga ilaw pero maliwanag pa rin ang paligid dahil sa buwan. Para bang kaysarap maghabulan sa labas dahil sa liwanag mula sa kailangitan.
"Hindi ka ba makatulog, Parekoy?" tinig na nagmula sa kaniyang likuran.
Dahil dito ay napalingon siya. Buong akala niya ay siya na lang ang gising ngunit nalingunan niya ang mga kaibigan. Di yata't nakiramdam din ang mga ito na hindi siya dalawin ng antok.
"Huh! Kayong tatlo bakit hindi pa kayo tulog? Hindi ba kayo napagod sa napakahabang biyahe? Aba'y may bukas pa naman upang magharutan tayo kung iyan ang nais ninyo," aniya nang napagsino ang may-ari sa tinig.
"Kagaya mo, Pare, ay hindi kami makatulog. Pero pati and misis mo ay gigising na wala sa oras kapag magpatuloy tayo dito sa ating usapan. Doon tayo sa lilim ng punong-kahoy." Lumakad na ito papuntang lilim ng kahoy sa bandang likuran ng bahay.
Saka pa niya napagtantong ang tambayan nila sa harapan ng bahay ay katapat ng kanilang kuwarto. Kaya't sumuy na lamang siya sa mga ito. Dahil alam niyang may nais sabihin ang mga ito. Kilalang-kilala niya ang tatlo. Sinadya nilang tsambahan siya na wala sa tabi ang misis niya.
"Ngayon maari na siguro kayong magsalita mga Tol. Ramdam ko kaninang pagdating ninyo na may gusto kayong sabihin kaso alam kong nag-aalangan kayo. Dahil katabi natin ang asawa ko Alam ko ring itatanong ninyo kung nagtapat na ba ako sa asawa ko tungkol sa trabaho natin," nakatungo niyang sambit.
Dahil nakatungo siya ay hindi na niya nakita ang pagtinginan ng tatlo niyang kaibigan. They're a friend in need, a friend indeed. Sabi nga ng mga ito, kahit ang dulo ng kulot-kulot niyang bulbol ay kilala nila.
"Well, tama ka, brother. Ngunit uunahin kong sabihin sa iyo na malaking kaguluhan ang pagkawala mo. Noong una ay akala naming tatlo na walang gagawin ang boss pero ayon sa balita, I mean ayon sa ilang meeting ng organization ay handa raw ibaliktad ng boss ang mundo para lang mahanap ka. Hindi naman siguro lingid sa iyo, Tol, unknown pa ang katauhan ng Big Boss natin kaya't maraming haka-haka ang nagsilabasan. Isa na roon ang baka raw anak ka ng boss kaya't todo effort ito sa pagpapahanap sa iyo," pahayag ni Ron-Ron.
"Huh! Ako anak ng boss? That's ridiculous!" Ismid niya.
Tsk! Tsk! Kung ang nakalakhan niyang ama-amahan ang magsasabi sa bagay na iyon ay maniniwala pa siya. No, mali. Dahil kahit ito pa ang magsabi ay wala siyang pakialam. Naging laking tondo siya kaya't alam niyang walang lihim na nagtatagal sa lugar na iyon. Kaso ang unknown Boss nila? No way!
"Iyan ang hindi natin alam, Tol. Maybe yes or no. May balita rin ako, Tol, at ito sy tungkol kay Skyler. Tama tayo I mean ang hinala natin dati sa kaniya. He is Skyler Xavier, anak ng dating military officer na si Jolbon Xavier. Nasa iisang organization tayong lahat, Tol. Noong meeting bago kami bumiyahe patungo rito ay ipinag-utos ng Boss nating hanapin ka. Si Skyler ang nakatukang hanapin ka," paliwanag naman ni Mundo.
"Hindi na iyan nakapagtataka, Pare. Dahil kahit salungatin n'yo ako sa bagay na ito ay halata namang well-mannered ito. Kapwa natin siyang preso noon sa Left Wing Jail pero ramdam kong hindi siya basta-bastang tao. Pero kahit maghalo ang balat ng tinalupan NO WAY hindi ako magpapahuli sa kaniya. Ngayon pa bang settled down na kaming mag-asawa dito, kagaya ninyo mga Tol. Alam kong bakasyonista kayo dito." Napabuga siya sa kawalan.
NEVER in his life to be captivated by his mortal enemy. He has his wife and he has a reason to survive through all the chaos. He need to protect his wife from any danger that may fall upon them.
"Mayroon din akong report, Tol. Tungkol sa mga in-laws mo. Aksidenti ko kasing nakadaupang palad ang mag-asawang Tommy Saavedra at Cassandra or should I say nakabanggaan ko ang anak nila kaya't ako mismo ang naghatid palapit sa kanila lalo at kung hindi ako nagkakamali ay nasa tatlong taon pa ito. My instinct tells me to stalked on them kaya't sinundan ko sila kaya ko narinig na may alam pala silang mag-asawa sa pakikipagtanan ng hipag namin sa iyo.
"Ayon din sa kanila kinausap daw ng nangangalang Jhay-R Andaya ang mga magulang ng hipag mo or I mean mga biyanan mo na huwag kang husgaan sa panlabas mong kaanyuan. Kung hindi lang sana ako nagmamadali ay baka mas marami pa akong narinig kaso alam mo namang para tayong kabute, pasulpot-sulpot lang sa isang tabi," mahaba-habang pahayag ni Bong-Bong.
Sa narinig ni Luther ay napalingon siya rito. Hindi niya sukat akalaing may tao pa lang kagaya ng hipag niya. Ang ipinagtataka niya ay ang Jhay-R Andaya na binanggit nito. Bakit may malasakit ito sa kaniya? Samantalang membro lang ng organization ang nakakakilala sa kanila.
"Hindi na nakapagtatakang may blessing kami sa kambal ng misis ko 'tol dahil kambal sila. And I'm happy for that. Thank you mga Tol. Marami pa tayong pag-uusapan pero lumalalim na ang gabi kaya't magpahinga na tayo. May bukas pa naman," aniya na lamang.
"Wala tayo sa Maynila kapatid. At isa lang ang ibig sabihin niyan, wala tayong boss kundi sarili natin. Na-miss ka namin, bro, kaya't habang tulog ang misis mo ay hihiramin ka muna naming tatlo. By the way, itatanong ko sana sa kaniya kaso nakahiyaan ko na baka masamain niya. Mukhang tumaba ang misis mo 'tol o may butiki na kaya't tumaba?" Pigil sa kaniya ni Mundo dahil napatayo na siya.
Sa narinig ay muli siyang umayos. Tama naman kasi sila. Kahit magkakasama na sila sa iisang lugar pero iba na rin kasi may asawa na siya. Makapag-bonding man sila pero limitado na.
"Sana nga Tol. Sana nga ay may butiki na ang misis ko. It's odd but alam n'yo namang pare-parehas tayong ampon ng organization, ibig sabihin niyan ay sa iisang dugo tayo nagsimula. Kung totoo mang buntis ang misis ko ay isa lang ang ibig sabihin niyan may dagdag sa pamilya natin kaya't kayo rin hangad kong magkaroon din kayo ng love life dagdag sa pamilya natin." Hindi maikubli ang tuwa sa boses niya lalo sa kaisipang magkakaanak sila ng asawa.
Hindi naman kasi impossible na mangyari iyon dahil bukod sa daily routine nila iyon bilang mag-asawa ay napapansin niya ito paminsan-minsan sa mode swing pero bukod doon ay wala na kaya't inisip na lamang niyang tinutupak lang ito.
"Siya sige na, Tol. Aba'y baka biglang maging dragona ang hipag namin. Hayaan na lang natin kung buntis eh wow may pamangkin kami kaysa tanungin mo eh lalabas pang usyesero tayo. Don't worry, Tol. Dahil hindi na kami babalik sa Maynila. Sa palayan na lang tayong lahat.
Aba'y sabi dati ni hipag ay pangarap niyang maging bahagi ng kabukiran ayan ikaw ang tumupad sa pangarap niya. Pero sa ngayon break na tayo at magsibalik sa higaan aba'y nakarami na naman tayo." Segunda pa ni Ron-Ron na sinabayan nang pagtawa kaso agad na tinakpan ang bibig dahil sa pag-aalalang magising ang hipag nila.
AFTER SOMETIMES...
"I'll be the happiest person on earth alive, wifey, if you're carrying my child. Alam kong hindi malabong mangyari iyon dahil pagmamahalan natin. Lumaki akong ang organization ang kinagisnan kong pamilya kaya't ibang saya ang lumukob sa akin nang nakilala kita at ngayong mag-asawa na tayo ay may matatawag na akong pamilya bukod sa mga kaibigan ko. Mahal na mahal kita asawa ko at sana ay huwag kang magbago dahil ikaw ang dahilan kung bakit ako lumalaban sa buhay. I'll spend my life loving, and protecting you, wifey. I love you so much," masuyo nitong bulong habang hinahaplos-haplos ang tiyan niya.
In return, kunwa'y nagising siya kahit naman gising siya talaga.
"Tulog ka na, sweetheart, huwag mo akong pagpantasyahan dahil iyong-iyo naman ako. I love you, my dearest Curly Boy," nakapikit niyang sabi saka yumakap dito.
"I love you, wifey. Sorry kung nagising kita. Hindi ko kasi mapigilang titigan ka," tugon ni Luther saka umayos ng higa sabay yakap dito.
AS the days goes on!
"Ano ngayon ang plano mo, Pare?" tanong ni Jhay-R sa kaibigang hindi na niya mabilang kung ilang beses nang nagpakawala ng malalim na hininga.
"Alam kong nagtataka na ang buong organisasyon kung bakit ganoon na lamang ang kagustuhan kong mahanap si Luther. Ngunit wala akong pakialam, Pare. Dahil sa ilang buwan simula nang nawala ito ay mas naisip kong mali ang naging desisyon ko noon," anito imbes na sagutin ang tanong niya.
"Tama ka, Pare. Subalit malayong-malayo naman yata ang pahayag mo sa naging tanong ko." Seryoso ang usapan nila ngunit sinadya niyang ngumiti upang pukawin ang agam-agam nito.
Dati na itong seryoso maliban na lamang kung nagbibiruan sila ngunit mas naging seryoso ito ilang buwan na ang nakaraan. Hindi rin naman niya ito masisisi dahil anak nito ang sangkot. Kaso nais rin niya itong sapakin dahil hindi rin masabi-sabi sa legally adopted child nitong si Skyler ang katotohanan tungkol sa katauhan nito.
"Tsk! Tsk! Alam kong pinapatawa mo lang ako, Pare. Ngunit tama ka rin naman. Kaso ano ang magagawa ko kung iyon ang nanulas sa labi ko? By the way, sa tanong mo kung ano ang plano ko ay gusto kong kausapin ang mga magulang ni Mariz Kaye. Dahil alam kong kagaya natin silang hanggang sa kasalukuyan ay wala pa rin silang kamalay-malay kung nasaan ang mga anak natin." Lumingon si Jolbon sa kaibigang kailanman ay hindi siya pinabayaan simula pa noong unang tapak niya sa bansang Pilipinas.
"Hmmm... Well, sa bagay na iyan ay talagang sasamahan kita. Hindi ko alam pero nabanggit ng kambal ko na nandito sa Manila ang panganay niyang apo. So, uulitin ko ang aking tanong, Pare. Kailan tayo pupunta sa tahanan ng mga Mondragon?" patanong nitong pahayag.
"Since that it's getting late already, bukas na lamang, Pare. Baka masabihan pa tayong VIP dahil gabi kung dumalaw," nakatawa niyang saad.
Kaso!
"There you are, Pare. Simula pa dumating ako kanina ay ngayon ko lang napansing ngumiti ka. Sure na iyan, Pare. Pupunta tayo sa bahay nina Clarence. Ah, bago ko pala makalimutan ay narinig ko kanina sa opisinang hindi na pala pumasok ang mga kaibigan ni Luther---"
Wala namang masama sa pahayag ng kaibigan niya ngunit dahi sa huliang bahagi ay agad siyang napalingon dito.
"Sigurado na akong pinagtatakpan lamang nila ang anak ko. Nasaan daw sila ngayon?" tanong niya.
"Walang nakakaalam, Pare. Ngunit kung tama ang hinala ko ay sa kinaroroonan ni Luther. Kahit walang kasiguraduhan ay malamang pinuntahan nila ito. Ang mga taong iyon ay may loyalty sa pagkakaibigan nila kaya't kahit anong gawin natin ay wala tayong nalaman sa kanila," pahayag nito.
"Hindi na iyan nakapagtataka, Pare. Dahil nasaksihan na natin kung paano nila pinahalagaan ang grupo. Sila pa kayang magkakaibigan? Hindi rin lingid sa ating dalawa na sa buong organisasyon natin ay ang BAKAL NA REHAS o ang grupo nila ang outstanding. Hindi lang sa performance kundi sa lahat ng bagay."
Sa pagkakaalala sa grupo ng anak niya o mas tamang sabihing tauhan ng nawawala niyang anak ay hindi niya namalayang napangiti siya.
"SWEETHEART, gising." Bahagyang niyugyog ni Mariz Kaye ang asawang mukhang may kaaway sa panaginip.
Noong una ay inakala niyang siya ang nanaginip kaso nang iminulat niya ang mga mata ay napagtanto niyang ang mahal niyang asawa ang dumadaing. Iyon nga lang ay sa panaginip.
"Sweetheart, aba'y gising na riyan. Binabangungot ka kaya't gising na, my dearest Curly Boy," aniyang muli habang tinapik-tapik ang pisngi nito.
HINDI nagtagal ay dahan-dahan nitong iminulat ang mga mata. Ngunit dahil liwanag lang mula sa full moon ang tumatanglaw sa kanilang mag-asawa ay naupo rin ito saka sumandal sa dingding.
"Uminom ka muna, sweetheart," dinig ni Luther na sambit ng asawa. Kaya't napataas siya nang pagtingin.
"Salamat, wifey," saad niya saka tinanggap ang hawak-hawak nitong baso na mayroong lamang tubig saka inisahang lagok. Hindi na niya ibinalik sa asawa ang binakante niyang baso bagkus ay siya na ang kusang tumayo at inilapag ito sa simple nitong tokador.
"Uhmmm, sweetheart, nanaginip ka. Ano ba iyon? Mukha ngang mayroon kang kaaway," anitong sumandig sa kaniya.
Iniyakap muna ni Luther ang braso sa asawa habang hinahaplos-haplos ang likuran nito. Hinamig muna niya ang sarili bago muling nagwika.
"Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng panaginip na iyon, wifey. Mayroong Ginoong nagpatawag sa akin. Ngunit nainis ako dahil bawat taong nadadaanan ko ay yumuyuko sila at sinabing panggalang sa young master. Sa galit ko ay kinompronta ko ang Ginoo na iyon. Kaso kinumpirma pa lang nito ang mga pahayag ng guardsmen." Bahagya siyang tumigil ngunit agad ding nagpatuloy.
"Sa aking panaginip ay ama ko raw ang Ginoo na iyon. Ngunit bago ako makapagtanong ng ina ay may babaril sa akin ngunit ihinarang ng Ginoo ang sarili. Again, bago ko pa nakumpirma ang mga binitiwan niyang salita ay tuluyan na siyang pumanaw dulot na rin ng balang bumaon sa katawan. Kaya't hindi ko naitanong kung totoo ba ang lahat lalo at sinabing ako raw ang nag-iisang tagapagmana. Ang masaklap ay ito ang mentor ko sa lahat ng bagay." Pagtatapos niya.
SA pahayag ng asawa niya ay kumalas si Mariz Kaye mula sa pagkayakap dito saka tumingala rito.
"Hindi ako mind reader at mas lalong hindi ako physiognomist. Ngunit ang masasabi ko lang ay maaring bungang pananigip lamang. O 'di naman kaya ay may iniisip ka."
'Maaring napanaginipan mo lamang ang usapan ninyong magkakaibigan.' Nais sana niyang idugtong kaso sinarili na lamang niya ito. Dahil wala itong kaalam-alam na narinig niya ang usapan ng mga ito. Hindi pa niya nakita at nakilala ang boss na tinutukoy nila. Subalit malakas ang loob niyang malaki ang kaugnayan nito sa panaginip ng mahal niyang si Curly Boy.
"Wala naman, wifey. Let's continue our sleep now, sweetheart. Midnight pa lang kaya't mahaba-haba pa ang itutulog natin." Inalalayan niya ito upang makahiga ng maayos.
Kung tutuusin naman ay ilang oras pa lang ang itinulog nila simula nang pumasok siya sa kanilang silid. Ngunit sa hindi niya malamang dahilan ay talagang mailap ang antok sa kaniya sa gabing iyon. Ganoon pa man ay ayaw niyang idamay ang asawa. Kaya't inaya na lamang niya itong matulog.
Hindi na sumagot si Mariz Kaye bagkus ay kusa siyang gumalaw saka hinalikan sa labi ang asawa at tahimik na yumakap dito. Masarap ang matulog kapag kayakap ang mahal niyang asawa. Well, it's been a while since they are in Albay. At ganoon na rin katagal na ganoon ang routine nila. Ang maglaro sa init ng apoy bago matulog na magkayakap.
KINABUKASAN...
Labis-labis ang pagtataka ng mag-asawang Clarence at MaCon dahil maaga pa lang kung tutuusin pero may bisita na raw sila.
"Do you have idea about this early visit, hon?" tanong ng una sa asawa.
"Wala, Honey. Aba'y mukhang hindi lang tayo ang naghahanap sa anak natin ah." Umiling-iling ito tanda lamang na walang kaalam-alam sa maaga nilang bisita.
Nagtataka man pero pumanaog pa rin silang mag-asawa. Kaso, laking-gulat nila nang makilala ng una kung sino ang maaga nilang panauhin.