"Ano ang sabi ni Boss Jhay-R, Boss?" salubong na tanong ni De Silva sa amo nang naibaba nito ang hawak-hawak na mobile phone. "Kagaya nang inaasahan nating lahat, De Silva. Kung sumugod soon ang young master mo ay naglayas din daw. Dahil umano wala itong pakialam sa tunay na ito o ang dugong nanalaytay sa katawan nito," malungkot nitong pahayag. "Huwag ka ng malungkot, Boss. Nasaksihan natin ang paglaki ng young master ko. Maaring kulot-kulot ang ugali nito sa mata ng mga tao pero para sa ating mga nakakaalam kung ano ang totoo ay may malambot itong puso. Defense mechanism lamang niya iyon, Boss," aniya ngunit umiling-iling ito. "Tama iyan, De Silva. Ngunit mali sa defense mechanism lamang dahil asset niya iyon. Sa lahat ng naging assignment ng grupo nila ay ang kaiksihan ng kaniyang pa