"Kilala mo ba ang mga iyan, balae?" tanong ni Clarence sa ama ng manugang nila habang nakaturo ang palad sa monitor. SA monitor naman kasi sila dumiretso nang pumasok sila matapos nakaalis ang mga kaibigan ng manugang nila. "I'm sorry to tell you this pero, oo. I, know him very well. Siya ang half-brother kong si, Ram. Hindi ko akalaing sina Mariz at Baby Sean ang gagalawin nila." Tumango si Boss Jolbon bilang pagsang-ayon. Pakiramdam niya ay siya ang may kasalanan sa nangyari sa mag-ina. Hindi niya agad sinabi sa anak niya ang katotohanan kaya't sumugod ito sa Baguio. Kung nasa paligid lang sana ito ay maaring naprotektahan nito ang mag-ina. Kahit mainitin ang ulo nito ay alam niyang kayang-kaya nito ang pangalan ang maraming tao. Kaya't alam niyang magagawa nito sa mismong pamilya. "