Nagising si Mariz Kaye dahil sa palahaw ng sanggol. Tuloy napabalikwas din siya sa kaisipang napahamak na ang anak niya. "Oh, no! My FLYING DRAGON! Where is he?" hindi magkandatutong tanong niya na para bang may sasagot sa kaniya samantalang sarili naman niya ang kausap. Sapo ang kaniyang ulo ay napaupo siya. Doon niya napagtantong nasa loob siya ng sasakyang tumatakbo. "Boss, gising na ang mag-ina. Iyak pa nang iyak ang batang iyan. Nakakarindi na." Nakangiwing baling ni Commander Chiang sa amo. "Hand to her the baby. Maybe he's starving. You must take care of them, remember that they're the key for our success," tugon naman ni Boss Ram. SA isipan ni Mariz Kaye ay nagtataka siya kung ano ang ibig sabihin ng dalawa. Kung bakit ba sila sinalakay sa kanilang bahay na naging daan at nat