"Humabol kayo hanggat gusto ninyo. Wala akong pakialam total naging tahanan ko ang kulungan nang paulit-ulit," bulong niya ng masulyapan sa side mirror ang police patrols na humahabol sa kaniya. Ngunit bahagya siyang natigilan nang nasulyapan ang railway ng helipad. May private plane na nakaparada. Well, sigurado siyang pag-aari iyon nang taong dumakip sa mag-ina niya. "Iyon marahil ang gagamitin ng mga hayop! Huwag kayong mag-alala dahil mauuna kayo sa impiyerno bago kayo makabalik sa pinanggalingan ninyo. Wala akong pakialam kung sino, ano ang gimagawa ninyo dito sa Pilipinas pero anak at asawa ko ang...teka lang! Hindi kaya siya ang tinutukoy ni Boss Jhay-R? Sh*t of them!" Napamura siya sabay hampas sa manibela ng dahil sa naisip. Kaso mas nanlalaki ang mata niya dahil naging malinaw