FEW days later... "Naawa din ako kay, Pareng Luther. May pamilya siya pero hanggang sa pagtanaw lang siya sa kaniyang mag-ina," ani Bong-Bong na sinabayan pa ng malalim na hininga. "Ikaw lang ba, Pare? Kung naaawa ka kaniya ay ganoon din kami ni Pareng Mundo. Mahigit isang dekada na natin siyang kasama, kulang ay mag-amuyan tayo ng hininga. Ramdam namin, Pare, ang saloobin mo." Palakad-lakad si Ron-Ron habang hawak-hawak ang batok. "Kulang ang pahayag ninyong dalawa mga Pare. Simula noong nagtungo tayo sa Tondo ay bumalik ang pagiging tahimik at pagkamasungit niya. Kahit pa sabihin nating ganoon na talaga ang pananalita niya. Kahit kulot-kulot kung tawagin natin ay hindi iyon pumapatol sa may edad sa atin. Kaya't nakapagtatakang pinatulan niya ang maganda. Ang tanong ngayon ay kung saan