"ANO ang ginagawa n'yo rito?" tanong ni Luther sa tatlo niyang kaibigan. Kaya nga lumalabas siyang mag-isa dahil ayaw niyang makabulabog sa pamamahinga nila. Samantalang personal niyang buhay ang pinuntahan. Hindi kunektado sa kanilang trabaho. "Sinundan ka, Curly Boy. Bakit masama ba?" balik-tanong ni Ron. "Alam ko. Pero bakit n'yo ako sinundan? Kaya nga hindi ko kayo ginising dahil ayaw ko kayong madisturbo sa---" "Ouch! Bakit ka nambabatok?" Nagulat tuloy siya dahil sa pambabatok ni Bong. "Isang pag-iinarte pa riyan, Curly Boy, tingnan ko lang kung hindi malalaman ng mga biyanan mo na araw-araw kang nandito sa paligid," patay-malisya nitong sagot. Doon pa lang ni Luther napagtanto na kaya siya binatukan ng kaibigan dahil sa rason niya kung bakit hindi siya nambulabog. Ang mga swor