"Pasensiya ka na, Hijo. Matagal na kaming walang balita sa taong hinahanap ninyo. Noong umalis siya rito ay hindi na bumalik. Kahit nga ang batang iyon ay walang nakakaalam kung nasaan na sa kasalukuyan," tugon nang napagtanungan nila. "Sino ang batang tinutukoy mo, Tata?" hindi napigilang tanong ni Luther. Di yata't nakalimutan na ng mga taga-Tondo ang mukha niya kaso gusto niya itong patulan dahil sa isinagot. "Ay sino pa ba kundi ang anak niya sa hindi kilalang tao. Ah... Maraming taon na rin ang lumipas. Kaya't hindi ko alam kung buhay pa ba ang Luther na iyon. Malay ko ba kung ibinenta siya ng ina upang may pantustos sa katawan," anito. Tuloy! "Huwag, Pare. Hayaan mo na lang siya," ani Mundo sa tinig na halos hindi na marinig. Kaya naman ay nanahimik na lamang siya. Ngunit ang is