CHAPTER SIX

1918 Words
"Brod, hindi ba't si Skyler iyon?" tanong ni Ron-Ron sa katabing si Bong-Bong. Dahil wala namang kaalam-alam ang binata kung nasaan ang taong tinutukoy ng kaibigan ay sinagot din niya ito ng tanong. "Ha? Nasaan siya?" balik-tanong niya. Samantalang hindi na sumagot si Ron-Ron bagkus ay pasimple niyang hinila ang kaibigan saka patihayang lumapit sa kinaroroonan ng mag-among Skyler at Romano. Mga taong nakalimutan yatang nasa public place dahil walang pakialam sa paligid. "Those son---" Kaso hindi na pinatapos ni Ron ang kaibigan, agad niyang tinakpan ang bibig nito lalo at mukhang napakaimportante ang pinag-uusapan ng dalawa. Pigil hininga silang dalawa! Kulang na lang ay mawalan sila ng hangin dahil sa mga naririnig! Hindi sila kumilos o gumawa ng kahit anong ingay upang ipaalam ang presensiya nila. Kumbaga naestatwa silang dalawa hanggang sa nakaalis ang mga pinapakinggan. The reality hit them too! The same question as Skyler does! Bakit pinagkakaabalahang hanapin ng ama nito ang kaibigan nila? Ano nga ba ang kaugnayan nito? "Brod, naiisip mo ba ang iniisip ko?" out of the blue ay tanong ni Bong. "Sa unang pagkakataon ay oo, Tol. Magkadikit ang isipan natin ngayon. Pero ngayon ko lang napag-isip-isip na..." "Tol, hindi kaya't ang big boss natin sa trabaho ay si sir Jolbon? Kasi---kasi. Ano ba naman!" Sabunot ni Ron sa sarili. Kaso ang nais niyang sabihin ay itinuloy ni Bong. "Sabi mo nga magkakadikit ang utak natin ngayon, brod. Alam ko ang nais mong sabihin. Way back on our early twenties, noong kapapasok natin sa organization ay kapansin-pansin na ang pag-aalaga ni Sir Jolbon kay Tol Luther. Samantalang kapwa natin siya undercover but now I doubt kung undercover ba siya o boss mismo. Sa bawat meeting ng organization nandoon ito with special attention to Curly Boy bagay na hindi gawain sa sariling anak. Kung napansin mo ay malaki ang resemblance nilang dalawa, Tol. Subalit hindi naman maaring basehan iyon dahil maraming magkakamukha sa mundong ibabaw," pahayag nito. SA pahayag na iyon ni Bong-Bong ay kapwa sila natigilan. Ilang minuto ring walang nakaimik sa kanilang dalawa. Hanggang sa napagkasunduan nilang kausapin ang isa pa nilang sworn brother na si Reymundo. "Ha? Kailan pa nandito ang mga taong iyon?" maang na tanong ni Mundo. Aba'y sino ang hindi magugulat sa ibinalita ng mga kapatid. Mahigit isang taon din silang nasa Albay ngunit nasundan na sila ng mortal na kaaway ng team leader nilang si Curly Boy. Well, all of them by the way. Skyler is a debris in their lives. Lagi itong nakaharang sa biyahe ng kanilang buhay. "Kani-kanina lang, Tol. Kagaya nang nakagawian natin ay nagmamasid kami sa centro. Doon namin nakita ang mag-amo. Kaya't dali-dali kaming umuwi upang ipaalam sa iyo," tugon ni Bong. "Tol, ang mas nakakabahala ay ang usapan nila. Hanggang ngayon ay pinapahanap daw ng erpat niya ang kapatid natin. Pero kalimutan mo muna iyan pare dahil may itatanong ako sa iyo," alanganing saad ni Ron. Kaya naman nabaling dito ang paningin nina Mundo at Bong. "Ano iyon, Tol? May hindi ba ako nalalaman?" muli ay tanong ng una. "Seryoso ako, Pare. Alam kong madalas tayong magharutan pero this time magseryoso tayo. Naaalala mo pa ba ang madalas naming sabihin sa iyo dati? Ibig kong sabihin ay maaring mag-ama sina Sir Jolbon at Curly Boy? Well this time, itatanong kong muli ang dati ko nang naitanong sa iyo. "Alam mo ba kung ano ang tunay na kaugnayan ng kapatid natin at ni Sir Jolbon? Maaring mahigit isang dekada na tayo sa BAKAL NA REHAS unit pero bago man kami napasok ni Bong ay magkasama na kayo ni Tol Luther. Kaya't masasabi naming mas kikala mo siya kaysa sa amin. I mean is, noong kayong dalawa pa lang ang magkasama. Sabihin mo sa amin, Tol. Ano ang kaugnayan ng dalawa?" mahaba-haba at patanong na pahayag ni Ron. Sa narinig ay natigilan si Mundo. Dahil tama naman kasi ito. Mas nauna siyang nakasama ng kapatid nila pero hindi sila nagpabalot sa nauna at nahuli. Pare-parehas sila ng turingan. But about their Curly Boy, ibang usapan. Kahit buhay niya ay kaya niyang itaya niya para rito. Wala siya sa kasalukuyan kung hindi dahil dito. Dahil kay Curly Boy natuto siyang bumasa at magsulat. Mga bata pa lang sila ay magkasama na sila sa magulong kalsada ng Tondo. Pero kailanman ay hindi siya nito pinabayaan. Hirap niya ay hirap nito, gutom niya gutom nito, tagumpay nito ay tagumpay niya. Higit sa lahat, hindi siya iniwan sa kalsada ng Tondo noong inampon ito ni Jolbon Xavier. Ito pa ang nagsuhestiyon dito na isama siyang ampunin. Dahil kung hindi ay parehas silang hindi aalis sa Tondo. Kaya't dalawa silang sumama sa kanilang amo. Kahit sa organization sila nanirahan habang nag-aaral. Sa madaling salita ay utang niya rito ang kaniyang buhay. Kaso! Masyado yatang napalalim ang pagbabalik-tanaw niya. Dahil nagulat siya nang sikuhin siya nang katabing si Bong. "Hey, man! Kinakausap ka namin pero nakuha mo pang mag-imadyen? Ano ba?" Paniniko sa kaniya ni Bong. Tuloy ay aminado siyang nagulat. Kumbaga sa inahing pusa ay napatalon siya dahil sa pagkagulat. "Huh! Sa tanong mo, brod, ay hindi ako sigurado. Dahil sa totoo lang ay naisip ko na rin ang bagay na iyan noon pa man. Kung sakali mang totoo ang hinala natin ay serious problem ito. Ayon sa narinig ko dati pa ay lumayas na si Tol Luther sa poder ni Sir Jolbon noong siya ay bata pa dahil hindi sila magkasundo ni Skyler. "Kung ano man ang dahilan at mukhang hindi sila magkakilala ay hindi ko alam. If ever na tama lahat ang hinala natin mga Tol ay kailangang makausap natin si Tol Luther. Mapanganib na ang lugar na ito para sa kanila lalo at may baby sila. Kailangang makabalik sila ng Manila bago mahuli ang lahat," ilang sandali pa pahayag ni Mundo. Sa narinig ay napahawak sila sa kani-kanilang batok! Lalo na sina Bong-Bong at Ron-Ron ay napatingin sila sa kaniya. "Ah, Tol, ikaw na ang kakausap kay Curly Boy. Hindi naman sa ayaw naming kausapin siya pero sa ating tatlo ay ikaw ang mayroong matalas na isipan," alanganin pang wika ni Ron. "Sa ganitong pagkakataon ay huwag n'yo nang hayaang mabahag ang bunto't ninyo. Kapatid natin ang sangkot kaya't mas maging alerto tayo para sa mini-Curly Boy. Ilang araw pa lang ang luko ay halatang may pinagmanahan na. Siya sige maiwan ko muna kayo dito at kakausapin ko ang kapatid natin," anito saka nagsimulang lumakad papunta sa kinaroonan ng mag-asawa. "BUMALIK ka agad? Huwag mong sabihing nag-usap lang kayo sa tinginan?" maang na tanong ni Ron. Kaso hindi rin agad nakasagot si Mundo. Aminado siyang nadala ang damdamin niya dahil sa narinig na usapan ng mag-asawang Luther at Mariz Kaye. "Ikaw, Reymundo, kapag kinakausap ka namin ay sumagot ka. Huwag mong sabihing sa paglakad mo ay may nakasalubong kang engkanto kaya't pinabalik ka rito?" Over acting man kung maituring, pero iyon ang totoo. They're panicking about everything, specially about their Curly Boy. Tuloy! "Heh! May engkanto ka pang nalalaman eh! Hintayin na lang natin si Curly Boy dahil mukhang konektado na lahat ang utak natin. Plano pa lang nating magsabi sa kaniya tungkol sa nangyayari sa paligid pero plano na niyang bumalik ng Maynila para sa mag-ina niya. "Sabagay tama naman siya. Maaaring nakatago sila sa loob ng mahigit isang taon ngunit kalabisan na kung habang-buhay silang magbuhay probinsiya. Sa ating magkakapatid ay puwede pa dahil sanay tayo. Ngunit ang hipag at pamangkin natin ay hanggat maaari ay hindi puwede. They deserve to live in outer world specially with Sean Emerson. He's a grandchild of Mondragon Clan, the owner of MARGARITA INTERNATIONAL CRUISE SHIP. So let's wait our brother to notify us." Pinaglipat-lipat pa ni Mundo ang paningin sa dalawa. Nagmistula tuloy siyang inahing pusa na hindi makapanganak. Dahil sa kakalakad. Paroo't parito siya. Aminado siyang nakakabahala ang mga nangyari. Idagdag pa ang aksidenteng narinig na usapan ng mag-asawa. Well, that's how they up until now! Magsinghalan kung kinakailangan at magbatukan pa. LATER that day, nang nakorner ng magkakaibigan si Curly Boy ay hindi na sila nagsayang ng oras. Agad nila itong kinausap. "F*ck! Talagang sumunod siya rito sa Albay? Huh! Magpasalamat na lamang siya dahil hindi ako ang nakakita sa kaniya!" Napakuyom ang palad ni Curly Boy dahil sa narinig. "Iyon na nga, Tol. Pero kung sakali mang---" "Kung sakali mang totoong anak ako ni Sir Jolbon? Iyan ba ang nais mong sabihin, Tol? No. Never! That man I hate him!" Pamumutol at pagtatapos ni Luther sa nais sanang sabihin ni Ron-Ron. Kaya naman ay nagkatinginan ang tatlo. Kung sa talino at panlabas na kaanyuan ay walang duda na mag-ama ang dalawa. Ngunit bukod doon ay wala na silang nalalaman. Idagdag pa ang galit ng kaibigan sa kanilang Boss. "So, ano ngayon ang plano mong gawin, Tol? The decision is yours. Susunod kaming tatlo. Remember, we are all brothers," ilang sandali pa ay sabi ni Mundo. SA tinuran nito ay nagpakawala ng malalim na hininga si Luther. Muli niyang naalala ang pinag-usapan nilang mag-asawa. Gustong-gusto niyang humarap ng may dignidad sa mga biyanan niya. Subalit sa oras na iyon ay aminado siyang hindi na siya sigurado kung mapanindigan pa niya ang salitang binitiwan sa asawa. "Sa katunayan ay nag-usap na kami ni Misis. Napagdesisyonan naming babalik na tayo ng Manila para sa kaligtasan nila ng anak namin. Ngunit sa kaalamang ipinapahanap ako ng taong iyon sa mortal kong kaaway ay hindi ko alam kung ano ang gagawin natin sa ngayon. Dahil kahit galit na galit ako sa kanilang dalawa ay may batas pa rin tayong sinusunod," aniya kasabay nang pagbuga ng hangin. Bahagya pa nga siyang lumingon sa kinaroroonan ng silid nilang mag-anak. Dahil katabi rin nilang natutulog ang bunga ng kanilang pag-ibig. SA pahayag ng kaibigan nila ay natahimik ang tatlo. Alam na nila ang tungkol sa pag-uusap ng mag-asawa. Ngunit hindi na lamang nila sinabi dahil ayaw din naman nilang may masabi ito. Lalo at halatang tumubo ang pagka-kulot. Ang mahalaga ay naipagtapat nila ang tungkol sa mortal nilang kaaway. "Kung gusto mo ay mayroon akong suhestiyon, Pare," ilang sandali pa ay wika ni Mundo. Sa kanilang tatlo ay siya ang mas nakakakilala sa Kulot nilang kaibigan. "Sure, Pare. Ano ba iyon?" agad din nitong tanong. "Tama, ipinapahanap ka ni Sir Jolbon kay Ulap pero hindi nila alam na nandito tayo. Kaya't kung gusto mo ay lumuwas tayong lahat sa Manila. Magpakita at magtapat ka na sa mga biyanan mo. Kung iniisip mo ang tungkol sa trabaho natin dito lalo ang golden grains sa bukid ay puwede naman tayong bumalik dito anumang oras," paliwanag niya na agad ding sinundan ni Ron. "Tama si Tol Mundo, Pare. Kung tayo nga lang sana ay walang problema. Kaso saklaw ang mag-ina mo, Pare. Kaya't magdesisyon ka bago pa mahuli ang lahat," anito. "Alam ko ang ibig sabihin nang tingin mo, Tol. Kaya't kahit hindi mo na isatinig. Dahil nasabi na nina Pareng Mundo at Pareng Ron. It's a wise suggestions, Pare. It's worth of trying." Naging maagap si Bong dahil napatingin sa kaniya ang aburidong si Curly Boy. Kaya naman ay tuluyan nang natahimik si Luther. Indeed, they are his family. They are his sworn brothers. But they are more than enough for him. "Let's call off for tonight mga Pare. Ngunit bukas ay simulan na nating magligpit para sa ating biyahe. Hindi na bale ang bahay, lupa at ang palayan. Dahil kung hindi man tayo makaani agad-agad ay puwede nating balikan," aniya. So it be! They need to have a decisive plans.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD