CHAPTER SEVEN

1103 Words
"Ano sa tingin mo, Pare? I mean, hindi ba mas magandang ako na mismo ang pupunta at kausapin ang mga bata sa Albay?" isang araw wika ni Boss Jolbon sa best of friend niyang nasa siyudad ng Manila. Dahil na rin sa meeting ng organisasyon nila. "Pare, nasaksihan na natin ang paglaki ng taong iyon. Sala sa init at sala sa lamig oo hindi iyan maipagkakamali dahil na rin sa tatak Tondo niya. Ngunit sa tanong mo ay hindi magandang ideya iyan. Matalinong tao ang anak mo. At sa oras na ito ay sigurado akong nakaamoy na iyon ng panganib," paliwanag naman ni Jhay-R. "Sabagay tama ka, Pare. Pero alam mo ba kung ano ang nararamdaman ko ngayon? Oo, inaamin kong nagalit ako dahil sa bigla silang nagkahong magkakaibigan. Ngunit nang nakita ko sa malayuan ang apo ko ay napawi ang lahat. Bagkus ay mas humanga ako sa kaniya. Dahil kahit ampon siya ng organisasyon natin ay lumaki siyang may prinsipyo." Nagpakawala ng malalim na hininga si Boss Jolbon dahil sa muling pagkaalala sa anak. SA pahayag ng kaibigan niya ay muling humarap si Jhay-R dito. They are the boss of their own huge organisation. Madalas din silang magkasama kaya't masasabi na nilang kilala nila ang isa't isa. "Usapang apo, Pare. Nasabi ng kambal ng manugang mo ang ibinansag sa hindi pa natin nakakanlong na sanggol. Flying Dragon daw ang pangalan nito. For a reason that royal blood is running through his veins. That naughty Cassandra Keith. Hindi pa nakikita ang pamangkin ay mayroon mang ipinangalan. By the way, ang pakiramdam mo sa ngayon ay father's and grandfather's love. Pustahan tayo ng mga right hand men natin, Pare. One of these days your son will show up in front of us." Tinapik-tapik niya ito sa balikat. Hindi na ito sumagot bagkus ay napatango-tango na lamang. Kaya't hinayaan niya itong mailabas ang nararamdaman. Sa kaniya lang din ito naglalabas ng kahinaang-loob as he does to him. They are long time friends since their younger years in military services. Few days later... "Kailan tayo maghaharvest sa palayan, sweetheart?" tanong ni Mariz Kaye sa asawa. Isang gabi habang sila ay namamahinga. Sa kaloob-looban niya ay nakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na kaba. Ilang araw na iyon. Ayaw lang niyang ipaalam sa asawa dahil mas makadagdag pa sa iniisip nito. 'Preso' kuno ang asawa niya ngunit hindi actor. Masyadong honest ang mukha kaya't ang aburido nitong isipan ay nakikita sa pagkatao. "Next week na, wifey. Pero ipinapauna ko na sa iyo, parang awa mo na. Ipaubaya mo na sa amin ng mga kapatid ko ang trabaho sa bukid," agad na tugon ng asawa. "Huh! Ikaw, sweetheart, aba'y masyado kang advance mag-isip. Kaya ko lang naman naitanong dahil aksidenting narinig ko ang usapan ninyo kahapon. I mean golden na ang palay at maari nang anihin. Maraming salamat dahil ikaw ang naging asawa ko, at nagkaroon ako ng tatlong kapatid. By blood ay si kuya BN lang ang kapatid ko but I've few male cousins in Mondragon side. "By the way let's go back to it, I overheard about your fears that your foes may infiltrated our place here. And you and your brothers decided to take us back in Manila for our safety. Alam kong para sa amin din ni baby ang lahat ng ito kaya't naisip kong papayag na lisanin natin ang lugar na ito. Hindi naman siguro kami matitikis nina Mommy at Daddy upang huwag tanggapin sa bahay. Don't worry, sweetheart, dahil sigurado akong welcome ka sa pamilya ko oras na maipagtapat natin ang tunay mong trabaho," mahaba-habang paliwanag ni MK. SA narinig ni Luther mula sa asawa ay parang nabunutan siya ng tinik sa dibdib. Although walang kasiguraduhan kung magkakasama pa sila ng madalas pagdating sa Manila ay handa na niyang tanggapin ang kapalaran nilang iyon at isa pa ay mayroon siyang kailangang kumpirmahin. Kinukulit siya ng mga kapatid niya ngunit wala siyang matinong sagot dahil hindi siya siguro. Marami pa siyang dapat ayusin sa buhay niya lalo na ang tunay niyang pagkatao. Kailangan niyang mahanap ang nagpalaki sa kaniya sa kalsada ng Tondo na biglang naglaho noong maliit pa lamang siya. Ayaw niyang umasa pero iba ang kabog sa dibdib niya sa tuwing kaharap niya ang taong nag-ahon sa kaniya sa magulong buhay sa Tondo. Sa kaalamang pinapahanap siya nito ay muling nanumbalik sa kaniya ang special treatment nito. Kaso! Dahil sa lalim nang pag-iisip niya ay wala siyang ibang naririnig kundi ang kabog sa kaniyang dibdib. Wala siyang kaalam-alam na nagsasalita ang mahal niyang asawa sa kaniyang harapan. Kaya't nagulat siya nang nagsalita ito kasabay nang pagkurot. "Ouch! Bakit ka nangungurot? Aba'y hindi pa tayo bumibiyahe sa langit---naman wifey. Don't tell na may naiwang mini-Curly Boy sa belly mo?" Napangiwi siya habang hawak-hawak ang tagilirang kinurot nito. Aba'y masakit din iyon, huh! "Tsk! Tsk! Kanina pa ako daldal nang daldal dito, Mr Bartolome pero mukhang nakarating na sa European Country ang imahinasyon mo. Saka anong pinagsasabi mo diyan na may naiwan sa belly ko? Kilabutan ka nga!" Tuloy ay angil nito sa kaniya. "Sorry naman, wifey. Naisip ko kasing tama ka, walang magulang na makakatikis sa anak na nagbabalik-loob. Ano pa kaya kung makanlong nila ang kanilang apo? Look at him wifey sa biglang tingin, he looks like me pero pakatitigan mo siya ng mabuti his eyes, his features dugong Mondragon. Kung nagkataong isa kang foreigner ay baka sabihin kong dugong bughaw ang nanalaytay sa kanya. I'm only wishing his hair will be the same as mine," masuyo niyang sagot sa asawa saka niya iniyakap ang isa niyang braso. Isinandig niya ang ulo nito sa dibdib niya saka hinalik-halikan ang mahaba nitong buhok. Dugong bughaw! Hindi lang dugong bughaw Curly Boy kundi ROYAL BLOOD is flowing to the flying Dragon's veins. Gumanti nang yakap si Mariz Kaye rito. Though, hindi pa sila nakakabiyahe sa dako pa roon according to him, nagyayakapan, at naghahalikan pa naman sila. But deep inside of her, she feels something strange! Para bang pakiramdam niya ay may nagbabadyang panganib na naghihintay sa kanila lalo na ang asawa niya. Pakiramdam niya ay safety siya sa anumang oras basta kasama niya ito but this time ibang-iba ang tumatakbo sa isipan niya. Ayon na naman ang kaniyang wild imagination. "Diyos ko, huwag mo po sanang ipahintulot na may mangyaring masama sa kanilang magkakalatid. Guide them all, Almighty Father," piping dalangin niya. Her instinct never fails her, but still she's praying with an out most serenity. Some part of her heads telling her that something isn't correct. Hindi na lamang niya sinabi ang nasa isipan niya dahil ayaw niyang makadagdag sa problema nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD