CHAPTER EIGHT

1117 Words
"Huh! What do you mean, sweetheart?" maang na tanong ni Mariz sa asawa. Buong akala niya ay sabay silang haharap sa mga magulang niya kaso silang mag-ina lang daw ayon dito. Kaya naman ay talagang naguguluhan siya sa naging desisyon nito o mas tamang sabihin na wala siyang maunawaan. Dahil ibang-iba iyon sa napagkasunduan nilang dalawa. "Mahal na mahal kita tandaan mo iyan, wifey. Saan man ako mapadpad, ilang taon man tayong hindi magkita ay habang-buhay kang mananatili rito sa puso ko, kayo ni Sean. Gusto ko kayong kasama sa araw-araw pero kailangang harapin ko ang tunay kong mundo. Wala nang mas ligtas na lugar kundi dito sa piling ng magulang mo. Huwag kang mag-alala, wifey. Dahil darating din ang tamang panahon upang muli tayong magkita-kita at magsama," pahayag ni Luther. "Alam ko iyon, sweetheart. Pero ano ang ibig sabihin nito? Akala ko ba ay napag-usapan na natin ito? Bakit kung kailan nandito na tayo sa harap ng bahay ay saka ka pa tatalikod? May hindi ba ako nalalaman, sweetheart? Paano mo nagawang maglihim sa akin?" Bakas ang hinanakit sa boses ni Mariz Kaye. Talagang sumama ang pakiramdam niya. Dahil ang ganda-ganda ng plano nila noong nasa Albay pa lamang sila bago sila bumiyahe. Nakaani na nga sila ng palay at ibinenta ang kalahati. Ayon sa pa nga sa mga ito ay iniwan ang iba upang may mabalikan sila anumang oras. Kaso lahat na yata ng naging plano nila ay naglaho na parang bola dahil sa pag-iba ng isipan nito. "I did it in purpose, wifey. Hindi ko sinabi sa iyo kahapon sa Albay dahil alam kong hindi ka papayag. I'm really sorry, wifey. Pero hindi ko kayo kayang ilagay sa panganib ng anak natin. Sa ngayon alam na ng kalaban namin ng mga kapatid ko na wala na tayo sa Albay or baka alam na rin nilang nandito kami sa Manila. I'll definitely come back but I'm not sure when will be that time wifey that's why I'm asking you to continue in trusting me, have faith in me as you always does. You and Sean Emerson are my inspiration. I love you, wifey." Madamdaming niyakap ni Luther ang asawang hindi pa rin makapaniwala. Sabagay, hindi rin naman niya ito masisisi. Asawa niya ito kaya't may karapatang magtampo. Tatanggaping niya iyon ngunit hindi na magbabago ang kaniyang desisyon. Mas mahalaga sa kaniya ang kaligtasan ng mga ito. He will do everything to protect them. Even it will cost his life. Because they are both his life after all. "Ang daya-daya mo, sweetheart. Hindi ka man lang nagsabi. Mauunawaan naman kita eh. Hawakan mo muna si Sean at may kukunin ako fiyan sa bag ko." Naiiyak man si Mariz Kaye pero pinipigilan niya ang sarili. Dahil oo, aksidente niyang narinig ang tungkol sa mga kalaban nito. Subalit hindi niya akalaing masakit pa rin pala kapag nasa actual na. Nalulungkot siyang maghiwalay sila ng landas kahit pa pansamantala lamang ngunit nararamdaman niyang may rason ito. Mahalagang rason, alam niya iyon lalo at mahigit isang taon din silang nanirahan sa Albay. And yes she trust him by the way and she has faith in him. Nasa ganoon silang scenario nang biglang sumabad si Bong na kausap nga si Luther ngunit sa ibang direksyon naman nakatingin. "Curly Boy, magpapakita ka ba sa mga biyanan mo?" paanas na tanong ni Bong. "Why?" Luther answered back instead of answering him. "Ay pambihira naman oo. Nasa alanganing sitwasyon na nga ay nakuha pang magpalitan nang tanong." Natampal tuloy ni Mundo ang noo. Ngunit sa katunayan ay saludo siya sa tiwala ng mag-asawa sa isa't-isa. Subalit ang binitiwang salita ni Mundo ay hindi pinansin ng mga kasama. Dahil talaga namang parating ang mga magulang ng hipag nila. Kaya't hinayaan na lamang nilang makapag-paalam ng maayos kahit panandalian ang dalawa. "Parating na sila, Pare. Kaya't kung hindi ka magpapakita ay kailangan na nating umalis bago sila makarating dito," muli ay saad ni Ron. Kaya naman agad na hinarap ni Mariz ang asawa. Alam niyang anumang oras ay may darating sa pamilya niya kaya't nagmadali din siya. "Suutin mo lagi ito, sweetheart. These golden rosary will protect and guide you. Always remember we are waiting for your return. I love you that much my one and only Curly Boy," madamdamin niyang pahayag saka ipinasuot ang golden Holy Rosary bago kinuha mula rito ang walang kamuwang-muwang na sanggol. Patunay lamang na mahimbing ang tulog nito. "Thank you, wifey. Here take this too, just open it later when you go inside. I want to stay more with you but I need to go now before they see me. Stay healthy as you are, wifey. Always remember that I love you so much." Muli ay niyakap ni Luther ang mahal na asawa saka mabilisang tinanggal ang suot-suot niyang necklace at may pendant na hugis puso. Hindi niya alam kung may nakapansin sa mga kapatid niya sa bagay na iyon. Ngunit nasa kaniya na iyon simula pa noong bata siya. Isa pa iyon gusto niyang tuklasin. Ang kaniyang misteryosong necklace. NAGING mabilis ang kilos nilang apat. Gahol na sila sa oras at siguradong makikita sila ng mag-asawang Mondragon kung hindi sila makapagtaho. Mabuti na lamang at napakiusapan nila ang taxi driver na hintayin sila sa kabilang bahagi ng kalsada. "Hindi ko alam kung kailan natin ulit makikita ang mag-ina ko. Kaya't puwedi bang dito muna tayo mga, Pare? Let's watch them from a far until they'll go inside." Hiling ni Luther sa mga kaibigan. "Of course, Pare. Hindi na nila tayo basta-basta makikita dito." Sang-ayon ni Ron. "Thank you, Pare," tugon niya. Kaso si Mundo ay nagtanong. "Sure, Pare. Panoorin muna natin sila. Ngunit maari bang magtanong? Kung hindi ako nagkakamali ay matagal ko nang napansin ang kuwentas na iyon sa iyo. Sa ilang dekada nating pagsasama mula pa noong bago tayo napadpad kay Sir Jolbon hanggang sa kasalukuyan ay nakita ko na iyon. Ngunit ngayon ko lang ulit nakita. May koneksyon ba iyon sa sinasabi mong kailangan mong harapin, Tol?" patanong nitong pahayag. "Sinungaling ako kung sasabihin kong hindi, Pare. Naalala ko na iyon. Pinag-iinitan iyon nang nakagisnan kong ama sa Tondo. Ngunit ang sabi ni Nanay ay susi iyon kung paano ko mahanap ang matagal kong itinatanong sa kaniya o ang aking ama. Kamo ay ngayon mo lang nakita. Tama, Pare. Tinanggal ko iyon noong pumasok tayo sa taong iyon(Boss Jolbon). Minsan nang hinablot ni Ulap(Skyler) iyon kung natandaan mo noong nagpang-abot kami. Iyon ang dahilan, Tol. Pinagbitangan akong magnanakaw ng alahas. Kaya nga ako lumayas sa bahay ng lintik na iyon," mahaba-haba pa ring pahayag ni Luther. Ngunit ang mga mata ay nakatutok sa tarangkahan ng mga Mondragon. Kaya't hindi niya napansin ang pagtinginan ng mga kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD