"H-honey, look over our gate!" malakas na sabi ni MaCon sabay hawak sa braso ng asawa. Kaso sa bigla niyang paghawak ay naapakan nito ang preno.
"What's the matter, honey---"
Kaso hindi na rin nito naituloy ang pagtatanong sana sa asawa. Agad niyang ipinarada sa tabi ang sasakyan saka lumapit sa anak nilang mahigit isang taon na nawala. May kalong-kalong itong sanggol na halatang wala pang isang buwan. Sa tabi pa nito ay dalawang maleta na marahil gamit nilang mag-ina ang laman. May ilang traveling bags din na hindi nila matukoy kung ano ang laman. And most of all, may mga fresh vegetables and fruits rin sa tabi ng mga maleta.
"M-mariz Kaye, Hija!" sabay nilang sambit nang sila a makalapit.
"Mommy, Daddy." Napatungo naman si Mariz Kaye nang napagsino ang lumapit sa kaniya.
Ang mga magulang niyang inabandona niya dahil sa pag-ibig. Nakipagtanan siya sa inakala ng lahat na isang preso. Kaya't aminin man niya o hindi ay nahihiya siya sa mga ito. Kaso ang lahat nang akala niya ay naglaho. Dahil pagkalapit pa lamang nila sa kaniya ay agad yumakap. Kung hindi umingit ang Flying Dragon na naipit ay hindi pa sila kumalas mula sa pagkayakap.
"Kumusta ka na anak? Saan kayo nangglgaling ng anak mo? Nasaan ang kasama mo?" mga ilan lamang sa katanungan ng Ginang.
Kumpirmado naman kasi nilang magkasama ang dalawa, naisip na rin nila na maaaring nagkaanak na. Hindi nila inaasahang darating ito na may kasamang sanggol kaso wala namang kasama.
"Hija, kung inaakala mong galit kami sa iyo ay pukawin mo na iyan. Tama, walang magulang na matutuwa sa biglang pagkawala ng anak. Ngunit ang anak ay anak. Umalis ka ngunit nagbalik-loob naman. Kaya't huwag ka nang matakot sa amin ng Mommy mo. At inuulit ko ang kaniyang tanong, nasaan ang kasama mo? Ang ama ng anak mo?" patanong ding pahayag ni Clarence.
SAMANTALANG hindi agad sumagot si Mariz Kaye bagkus ay iginala ang paningin. Nasulyapan niya ang daang tinahak ng mga Kuya-kuyahan at ng asawa niya. Kaya't iyon ang sinundan niya. Hindi nga siya nagkamali, nandoon ito kasama ang mga kaibigan. Bahagya pa silang kumaway sa kaniya na mas nagpasikdo sa damdamin niya. Nakatingin pa ang asawa niya na para bang sinasabing 'go inside and I'll watch you'.
"May problema ba, anak? Hindi ka ba masayang nakauwi na rito? Let's go inside, anak. We miss you alot," emosyonal na wika ni MaCon habang panay pa rin ang haplos sa anak kaso nandoon na ang pag-iingat dahil sa pag-aalalang magising ang apo nila.
Muling lumingon si Mariz Kaye sa kinaroroonan ng asawa niya kaso wala na ang mga ito roon. Kaya't ang mga magulang niya ang hinarap ng tuluyan. Naisip niyang baka umalis na ang mga ito dahil nasa piling na silang mag-ina ng mga magulang niya. Kaya't muli siyang humarap sa mga magulang. Alam niyang karapatan din ng mga itong marinig ang kaniyang paliwanag.
"Wala po akong ibang paliwanag, Mommy, Daddy kundi kagustuhan ko ang sumama sa asawa ko last year. Opo, mag-asawa na po kami ni Luther. Nagpakasal po kami sa judge bago pa kami umalis. Siya si Sean Emerson Mondragon Bartolome, ang bunga ng pagmamahalan namin. I know I've caused you a mess and worries that's why I'm asking you to forgive me and my husband. I'm really sorry Mommy, Daddy," seryoso niyang pahayag.
Buong akala niya ay magagalit sa kanya ang mga magulang niya pero kabaliktaran mula sa akala niya ang nangyari. Buong-puso pa rin siyang tinanggap. Tama nga ang Daddy niya. Kailangang pukawin na niya ang maling akalang gumugulo sa kaniyang isipan.
"Anak, pasok na muna tayo bago pa pumalahaw nang pag-iyak ang FLYING DRAGON according to your twin sister. Sa loob na tayo magpatuloy sa ating kumustahan." Bugso ng nangungulilang ina ay wala makapang kahit anong galit si MaCon sa anak.
"Tama ang Mommy mo, anak. Pumasok na tayo." Sang-ayon naman ni Clarence.
Alam na nila ang buong katotohanan tungkol sa dalawa at naliwanagan na rin ang kanilang isipan. Pinagsisihan na rin nila ang hindi makatarungang paghusga sa manugang nila way back then. Gusto ngang itanong ni Ginoong Clarence kung bakit silang mag-ina lang ang dumating, kung nasaan ang asawa nito. Marami silang dala-dala kaya't impossible namang ang mag-ina lang. Dahil dito ay pasimple niyang iginala ang paningin kaso wala namang kakaiba.
"Huwag mo nang isipin ang mga bagahe ninyong mag-ina, anak. Mauna na kayo ng Mommy mo sa loob at sabihan n'yo ang mga kasambahay na kunin ang mga ito. Bilinan ko muna ang guard upang bantayan habang hinihintay ang mga katulong. Susunod din ako sa inyo," maagap na pahayag ni Clarence nang napansing sinulyapan ng anak ang mga dala-dalang gamit sa tabi.
AFTER sometimes, nang nakapasok na silang lahat ay muling nagsalita si Ginang MaCon.
"Saan kayo napadpad nang umalis kayo ng Maynila, anak?" tanong niya.
Kasalukuyan na silang nasa malaking sala, naipasok at naiakyat na rin ng mga katulong ang gamit ng mag-ina. Kaso ang batang matakaw sa tulog ay mahimbing pa rin ang tulog sa stroller nito.
"Sa Albay po, Mommy. Bago pala kami umalis ni Luther noong nakaraang taon ay nakahanda na ang lahat. Ang mga kuya-kuyahan ko ang naghanda sa lahat but I found it out later na pera ng asawa ko ang ginamit nila. Hindi ko po alam kung nakarating na sa inyo ang balitang hindi siya basta-basta preso. Aakalain n'yo sigurong naghirap ako sa piling niya pero hindi dahil sa katunayan kahit kusing ay wala akong ginasto habang nasa piling niya kaming mag-ina. He's the leader of BAKAL NA REHAS TEAM, a group of undercovers. They belong to a huge organisation. At natupad ang pangarap kong maging magsasaka although magpipilitan muna kaming mag-asawa bago ako makakalusong sa putikan," pahayag ni Mariz Kaye.
Upon remembering their life together in Albay, she smiled. Nothing compares. That kind of life and living is what she wanted. Ipinanganak siyang may kutsarang ginto sa labi kaya't hindi nila naranasang magkakapatid ang naghirap. Hindi naman niya naranasan sa piling ng asawa niya ngunit masaya siya sa buhay mayroon sila noon sa Albay.
Kaso ang hindi niya alam habang nagbabalik-tanaw siya ay nagkaunawaan na ang mga magulang sa pamamagitan nang tinginan. Nagkatinginan ng palihim, para bang sinasabing "kalahati pa lang iyan sa nalalaman mo tungkol sa asawa mo". Pero ayaw din nilang masira ang mood nito lalo at kitang-kita nila ang lungkot nito bago sila pumasok ilang oras na ang nakakaraan.
"Don't get me wrong, Hija. Ngunit nasaan ang asawa mo? Bakit kayong mag-ina lang ang nandito? Aba'y huwag mong sabihin na kayong mag-ina lang ang bumiyahe ng malayo samantalang marami kayong bagahe?" sa wakas ay naitanong ni Ginoong Clarence ang nais itanong kanina pa.
"Actually lahat kami ay nandito, Daddy. Mga kapatid ng asawa ko. I mean sworn brothers po not by blood. Kagaya po nang sinabi ko sa inyo kanina ay spoiled ako sa kanila. Hindi nila ako pinabayaan," tugon ni Mariz Kaye. Sa pagkakaalala niya sa asawa ay muling nanumbalik ang kaniyang lungkot.
"Ha? Kung nandito sila ay bakit hindi sila nagpakita, anak? Galit pa rin ba siya sa amin dahil sa disgusto namin noon? Sana ay nagpakita man lang sana at makahingi kami ng paumanhin sa aming pagkakamali." Bakas man sa tinig ng Ginoo ang pagkadisgusto dahil sa hindi pagpakita ng manugang ay iyon na lamang ang nanulas sa labi niya.
Hindi naman nila ito masisisi kung magagalit ito sa kanila kaso dismayado sila dahil imbes na linisin ang maling pagkakakilala ng tao dito ay mas pinili ang iniingatanng pride.
"Ang sabi niya ay hindi pa raw panahon upang magkita kayong lahat. Babalik daw po siya kapag maayos na niya ang buo niyang pagkatao . Wala rin siyang sinabi kung ano ang ibig niyang sabihin," muli ay paliwanag ng anak.
"Kung ganoon, anak, ay hintayin natin ang kaniyang pagbabalik. If ever na tatawag niya ay sabihin mong kailanman ay hindi kami nagalit sa kaniya ng Daddy mo. We miss you, anak." Ilang sandali rin ay humarap si MaCon sa anak.
Wala na silang ibang masabi lalo at nahusgaan nila ito base sa kaanyuan. Kung hindi nga lang nagpakita ang tunay na ama ng manugang nila ay wala pa rin silang kaalam-alam. Hindi naman isyo sa kanila ang pagiging mahirap kuno nito kaso ang paglalabas-masok sa kulungan ang inisip nila. Kaso lahat iyon ay panlilinlang lang sa kanila ng kanilang mata.
"Masusunod, Mommy." Pagsang-ayon naman ni Mariz Kaye. Umaasa siyang sana ngay tatawag agad ang asawa niya upang maibsan din ang pangungulila niya dito. Isang taon at mahigit din silang nagkasama kaya't nasanay na siyang kasa-kasama ito.
"Siya, sige, anak. Magpahinga ka na muna sa room mo. Alam kong na-miss mo ito kaya't umakyat ka na doon at kami na ang bahala sa FLYING DRAGON," ani Ginoong Clarence saka bahagyang lumingon sa apong tulog na tulog.
"Huwag mong pansinin ang Daddy mo, anak. FLYING DRAGON daw kasi hindi natin alam kung saan ito nagmula, ang pamilya niya." Nakatawa tuloy na pagpipigil ng Ginang sa anak dahil napalingon ito sa amang panay ang paghaplos sa bata.
Karapatan nitong malaman ang katotohanan sa pagkatao ng manugang nila pero hindi sila ang magtatapat dito kundi ang biyanan nito.
Naguguluhanan si Mariz Kaye dahil puro FLYING DRAGON ang bukambibig ng ama pero pagod siya mentally and physically kaya't hindi na rin siya kinulit ng magulang.