Maritoni's Point of View Nakaupo lang ako at nakatingin sa ginagawa ni Duke. Mukhang sanay na sanay na kasi ito. Laking talon kasi at batak ang katawan sa init. Anak ng araw yata kung maituturing siya. Kaya isa rin siguro sa dahilan ang mga iyon kung bakit halatang maganda ang hubog ng katawan. Hindi katulad ng kilala ko. May kaunting taba pero lab na lab ko naman 'yon. “Kanina ka pa nakatingin riyan. Tumulong ka naman. Ikaw ang mas matured dito e,” pakli niya na parang nang-iinis pa. “So? Anong point mo? Kanina pa ako gutom rito? Aabutin pa yata tayo ng siyam-siyam e,” sagot ko naman at inirapan pa siya. “Ang sa akin lang ay tumulong ka naman kahit paano. Malapit nang sumapit ang gabi. Kailangan ko munang maghanap ng panggatong. Marunong ka namang mag-ihaw ng isda, hindi ba?” pali