Puerto Galar, Puerto Galera Maritoni's Point of View “Ang lungkot naman ng kuwento ng lugar na ito. Napaka-cliche,” komento ko matapos marinig ang salaysay ni Duke. Napatayo pa ako at napabuga ng hangin sa narinig ko. “Anong cliche?” Tumayo rin ito at mukhang may nais patunayan. I mean nais ipaglaban. “Cliche para sa iyo, pero sa akin hindi. May nabasa ka na ba o narinig ng kuwentong bayan na kakaibang sa mismong bagyo pa nag-confess ang dalawang bida? Wala hindi ba?” Talagang may nais nga itong ipaglaban. Pinamaywangan ko siya at inilapit pa ang mukha ko sa mukha niya. Ilalaban ko rin ang punto ko. “Kahit ano pang sabihin mo ang kuwento mo ay common na. Ibig sabihin gasgas na rin iyan. Kaya nga kuwentong kutsero kasi parang pinagtagpi-tagpi lang. Kung totoo man ang sinabi mo na an