Chapter 18: One Simple Advice To Duke

1338 Words

Maritoni's Point of View “Anong klaseng bahay naman 'yan?” tanong ko agad nang makalapit sa inaayos niyang hindi ko alam kung kuwarto o bahay ba ang ginagawa. Parang liliparin kasi ng hangin e. “Ha? Hindi ka ba girl scout dati?” balik tanong naman niya. Lutang na naman yata ang tanong ko. “Oo naman. Girl scout ako dati. Ako ang pinakamagandang girl scout noong kapanahunan ko,” pagmamayabang ko pa. “Maganda? E bakit sunog ang isda?” hindi ko get's kong iniinsulto na naman niya ako o konektado pa rin sa tanong ko ang sagot niya. “Anong kinalaman ng isda sa girl scout?” sabi ko na lang. Pinamaywangan ko na lang siya. “Wala. Hindi ko alam kung naintindihan mo rin ba ang tanong o hindi. Diyan ka na nga at hihiga na ako,” pag-iwas na lang niya sa tanong ko pero pinigilan ko na naman

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD