Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa dalawa kong nakatatandang kapatid. Okay na okay sana sa akin kung ako lang at hindi ko kasama ang babaeng kinaiinisan ko noon pa man na magbantay sa mga pamangkin ko.
Nagkataon at sinadya pang sa bakasyon ko pa sila humingi ng permiso na alagaan ang mga bata. Parang timang din ang isang iyon na bakasyon daw niya? Kung alam niya lang na stalker ko na siya noon pa man at napaghahalataan talagang ayaw niyang mawala ako sa paningin niya. Baka nga alam niya lahat ng mga schedules ko kaya ganoon.
"Kuya, bakit kayo pumayag ni ate na kaming dalawa ang mag-aalaga sa dalawang bata?" Nagmamaktol kung sabi sa dalawa kong kuya na kasalukuyan noong nasa bahay ni kuya Angelo. Dalawang araw matapos ang pagdating ko ay lumuwas sina kuya Prince at ate Charie kasama si Quennie upang ihabilin nga sa amin ang mga bata.
"Aries, alam kong ayaw mo kayToni. Pero kayong dalawa lang ang maaasahan namin. Sakto nga ang bakasyon mo at ni Toni para may oras kang kilalanin pa siya. Hindi ganoon si Toni sa pag-aakala mo. Talagang malakas lang ang tama niya sa iyo," bulalas sa akin ni kuya Angelo.
"Hindi ka pa kasi nagkaka-girlfriend noon. Hanggang ngayon. Kaya nagkakaganiyan ka. Matututunan mo rin siyang mahalin. Baka nga siya talaga ang nakatakda sa iyo e. Noon pa man kasi, pilyo ka at pilya siya. Seryoso ka at kalog siya. Para kayong sangkap sa adodong manok, bagay na bagay. At isa pa, pansamantala lang naman. Isang buwan lang. Makaka-adjust din kami pareho ng kuya mo sa mga asawa namin kasi gusto nilang makatulong kaya nag-decide na magtrabaho."
Natahimik na lamang ako sa sinabi ni kuya Prince. Chance ko rin naman na maka-bonding ang mga pamangkin ko. Pero walang chance na makilala o kilalanin ko pa si Toni. Sumasabog palagi ang ulo ko sa galit kapag nakikita ko siya.
"So it's a deal, right?" pakli niya sa akin noong gabing dumating ang kuya Prince ko.
"May choice ba ako?" Expressionless ang mukha ko nang sagutin ko siya.
"May choice ka nga palagi e. Kaya lang ayaw mo naman sa akin. Boom harot!" Natatawa niyang sabi. Palibhasa hindi nauubusan ang babaeng ito ng linya sa teleserye. Baka nga hindi original ang mga binibitiwan niya e.
"Let's just focus on the kids. Okay? And we are both bringing them to Fortune Island!" Napa-face palm na lang ako. May place na siya agad. Hindi man lang kinunsulta kung papayag ba ako? Tsk! Tsk! Tsk! May magagawa pa ba ako? Hindi ko na lang siya sinagot noong gabing iyon.
Kaya nga nandito na kami sa Fortune Island sa Batangas. Nag-set up na lamang kami ng tent sa malilim na bahagi upang hindi masyadong mainit. At dahil ako ang lalaki, ako na ang mismong nag-ayos. May kalayuan din ito sa siyudad. Isang isla kasi e. Mabuti na lamang tahimik at kalmado ang mga alon. Isang gabi lang kami dito kaya susulitin na muna namin ito.
Habang nag-se-set up ako ay abala naman si Toni sa pagbabantay sa mga bata. Dinig na dinig ko pa ang tawanan ng mga bata habang naglalaro sila ng habulan sa may dalampasigan. Siguraduhin niya lang na mababantayan niya sila. Lagot talaga siya sa akin kapag may nangyari sa mga bata.
Malapit na ako matapos mag-ayos ng mga gamit nang mapansin kong nagtatakbo palapit sa akin sina Quennie at Gelo.
"Tito! Tito!"
Panay ang tawag ng dalawa sa akin. Kaya agad kong sinalubong sila pareho at niyakap.
"What happen kids? Nasaan tita Toni ninyo?"
Hindi ko na hinintay ang mga sagot nila. Bagkus ay sinundan na lamang ng aking tingin ang tinuturo nila. Agad ko namang napansing may parang nalulunod sa dalampasigan. Iniwan ko muna ang mga bata dahil alam kong safe naman sila at tumakbo doon sa dagat.
"Aries! Tulong! Tulong!"
Para akong kidlat sa bilis na tumatakbo papunta sa kinaroroonan niya. Nang malapit na ako ay tumayo ito at napa-face palm na lang ako. Gulat na gulat ako. Napeke ako sa kalokohan niya. Akala ko totoong nalulunod siya.
"It's a prank!"
Tinalikuran niya ako at dire-diretsong tumakbo palayo sa akin. Sa sobrang inis ko ay hinabol ko siya at mahigpit na hinawakan ang kamay niya.
"Alam mo ba ang ginagawa mo ha? Sa tingin mo prank lang sa akin na makita na may nalulunod? Na nalulunod ka? Paano kung may nangyari ngang masama sa iyo ha? Hindi ka ba nag-iisip?"
Sandaling katahimikan ang namayani bago siya nagsalita. Hingal na hingal kasi kami pareho at hindi ko na napigilan ang pag-alburuto ng inis ko sa kaniya. Sa halip na magalit ay nginitian lamang niya ako at sinabihan.
"Aminin. Concern ka rin sa akin no? Ang higpit ng hawak mo sa kamay ko e. Puwede huwag mo na kayang bitiwan?" Kinindatan pa ako at saka ko lamang napagtantong hindi ko pa nga inaalis ang pagkakahawak ko sa kamay niya.
Iwinakli ko na lamang ito at tinalikuran siya. Lumusong na lamang ako sa dagat para magpalamig. Panay ang mura ko nang makaahon. Kainis kasing babae e. Laro nang laro. Dinadamay pa ang mga bata. Ako namang si uto-uto, mabait at matulungin, na-prank niya. Hindi ko na talaga alam gagawin ko sa kaniya. Mauubos pasensya ko.
Kinagabihan, matapos kumain at patulugin ang mga bata ay tahimik lang kaming dalawa. Tanging liwanag sa bonfire na ginawa ko ang tanglaw sa gabing iyon. Nakaupo lamang ako sa buhangin at nakatanaw sa kalangitan.
Tahimik ang paligid. Malamig din at kalmado pa rin ang dagat. Napabuntong-hininga lang ako at pansamantalang napapikit nang may nagsalita sa tabi ko.
"Minsan sa buhay natin, kailangan din nating mag-unwind. Hindi puro trabaho lang. Paraan din ito upang makapag-isip tayo. Na maging kalmado at pansamantalang kalimutan ang busy life natin. Escaping from the busy world of our job is a rare opportunity, Aries."
Nanatili lang akong nakapikit habang pinapakinggan siya. Ayokong makipag-usap sa kaniya.
"I admire you for being a good son, a brother, a brother in law, and a loving uncle. Siguro nga, may mga bagay na kung ipipilit natin ay hindi natin makukuha agad-agad. Gaya ko, alam kong hindi ako ang tipo mo kasi ganito ako, na ganito ugali ko. But, it takes time to know one. It takes one to know one. Getting acquainted with each other is enough reason for me to keep on admiring you. Kahit alam kong malabo pero nakita kong may one percent kanina na concern ka rin sa akin. And I am thankful for that."
Ibang Maritoni ang nagsasalita ngayon sa tabi ko. Baka guni-guni ko lang. Matapang siyang nagko-confess sa akin kahit alam niyang wala naman siyang mapapala.
"I won't give up on you even if you hate me this much. Malamig na dito sa labas. Pumasok ka na at baka magising si Gelo sa kabilang tent at hanapin ka. Goodnight, Aries. And I'm sorry for loving you."
Nang makaalis na siya ay saka ako dumilat. Muli, napabuntong-hininga ako sa mahaba niyang confession. Hindi ko alam ang tamang kasagutan sa mga sinabi niya. But, she has a point. It takes time or one to know one. And I hope, we still have the chance to know each other both... in due time.