Chapter Seven: For The First Time

1013 Words
Kinabukasan ay huli na akong nagising at wala na rin sa tabi ko si Gelo. Kaya agad akong bumangon upang tingnan kung nasaan siya. Nagsuot muna ako ng sando kasi baka maglaway na naman si pangit kapag nakita ako. Kapag nakikita pa naman ako no'n ay kulang na lamang ay tuklawin niya ako at hubaran. Nang makalabas ako sa tent ay narinig ko ang mga tawa ng dalawang bata. Napatayo ako upang tingnan ang kinaroroonan nila. At doon nga sa dalampasigan ay masaya ang mga itong nakikipaghabulan at patintero kay Maritoni. Naglakad-lakad muna ako patungo roon. Tuloy pa rin sa pagtawa ang mga bata habang hinahabol sila ni Toni. Nariyang sinasabuyan niya ito ng tubig-dagat at takbo naman nang takbo ang dalawa. Kapag nahuhuli naman sila ni Toni ay buhay-buhat at yakap-yakap niya ang mga ito. Masaya akong makitang masaya ang mga bata sa pangalawa at huling araw namin dito sa Fortune Island. Nakita kong nag-wave sa akin si Toni at nginitian ko lang siya. Lumapit pa ako roon upang makipaglaro na rin sa mga bata. Tuwang-tuwa naman ang mga ito nang makita ako. Agad silang nagsitakbuhan sa paanan ko at paikot-ikot na nagtatago sa aking likuran dahil hinahabol sila ni Toni. Nakipagsabayan na rin ako sa kanila. Naglaro na rin kaming apat. Habulan. Taguan. Tampisaw sa mababaw na parte. Karga-karga namin ang dalawang bata at kunwaring ihahagis at ilulublob sila sa tubig. "Tito, Aries, take off your shirt when you swim." "Tama, tito. Bawal may damit sa dagat. Like me. I'm a big boy na." Nagulat ako sa dalawa. Sa murang edad nila ay may nalalaman pa silang hubad-hubad. Napapailing na lamang ako. Palihim namang humagikgik ang mga bata at nilapitan sila ni Toni. "Mga bata. Hindi naman bawal ang maligo na may damit. Baka sipunin si tito A..." Hindi na natapos ni Toni ang sasabihin sa mga ito dahil agad ko nang tinanggal ang sando ko. Tumambad sa kaniyang harapan ang aking topless na katawan, na matagal na rin niyang pinagnanasaan at pinagpapantasyahan noon pa man. Ang mas ikinagulat ko pa ay nang lumapit ito sa akin at biglang hinawakan ang apat na bato-batong pandesal ko. "Wow! Just wow! Totoo ba ito? OMG!" Nagtatalon-talon pa ito matapos hawakan ang aking abs at agad na tumakbo pabalik sa loob ng tent niya. Dinig ko pa ang sigaw niya kahit nasa dalampasigan pa kami ng mga bata. Napakamot pa ako sa ulo at napailing nang magtanong ang mga bata. "No po nangyari kay tita, tito?" Si Gelo ang unang nagsalita. Napakamot din kasi siya sa ulo. "Tita loves tito, Gelo. That's why." Mas lalo akong naintriga sa sinabi ni Quennie. May pa love, love na itong nalalaman. Alam ko na kung kanino talaga nagmana ang anak ni kuya Prince at ate Charie. Pero nang mga oras ding iyon ay nakaramdam ako ng kakaibang bilis ng t***k sa aking puso. Rumirigidon at tila masaya. O masaya nga ba talaga? For the first time in years, my heart beats to someone. Si Toni na ba ang dahilan ng pagtibok nito? Matuling lumipas ang pangalawang araw at nasa bangka na kami pabalik sa bayan upang umuwi na pabalik sa Tagaytay. Kanina pa tahimik si Toni matapos niyang mahawakan ang apat na bakal ng aking abs. Katabi lang niya si Quennie na kasalukuyang karga niya at nakaidlip na. Si Gelo naman ay gising na gising pa at katabi ko namang nakaupo sa aking lap. Nakatuon lang ang aking mata sa kaniya. Naka-side view lang kasi siya at napansin ko ang makinis niyang mukha. At muli na namang bumilis ang t***k ng aking puso. Napahawak pa ako sa aking dibdib. "Are you okay, Aries?" Napaangat ako at napansin ang nag-aalalang mukha ni Toni. Nakatitig lang ako sa kaniya na tila sinusukat ang sinseridad sa kaniyang mata. Ako na ang unang kumurap at sinagot siya. "Okay lang ako. Bumilis lang yata ang t***k ng puso ko kaya napahawak ako sa dibdib ko." Humagikgik lang ito na ipinagtaka ko. "Normal lang iyan kapag nagkakagusto o na in love ang isang tao. Naranasan ko rin iyan noong una kitang makita sa airport. Siguro, may nagugustuhan ka na? Gusto mo na ba ako?" Walang preno ito sa pagrereto sa kaniyang sarili. Conceited talaga. Ibinaling ko na lang ang tingin sa mga alon habang umaandar ang bangka. Ewan ko ba sa babaeng ito. Kung makapagsalita e parang ako... noon. Pero nakaka-miss din ang dating ako noong mga panahong naging kuya ako sa mga kuya ko. Kailan kaya maibabalik ang mga panahong iyon? "Hindi mo kailangang magsalita kung kailan mo dapat ibalik ang dating ikaw. Kahit ano ka pa man ngayon o bumalik man ang dating ikaw noon, mahal pa rin kita." Napanguso pa ako nang marinig ang litanya niya. "I hate you," sagot ko na lang. "I love you pa rin." Kinindatan lang ako. Ang dami talagang alam ng pangit na ito. Ay hindi pala, hindi na pala siya pangit, medyo pangit na lang. Ilang minuto ang nakalipas ay nasa pangpang na kami at isa-isa na kaming bumaba. Nauna muna ako upang alalayan ang dalawang bata na ngayon ay gising na gising na. Nang si Toni na ang bababa at aalalayan ko ay natapilok pa ito at sa hindi inaasahang pagkakataon ay natumba kami pareho. Ang malala pa, sa pangalawang pagkakataon ay nahalikan na naman niya ako. Nasa ibabaw niya ako kaya hindi talaga ako nakaiwas. Gulat na gulat ang mukha niya at ramdam ko pareho ang pintig ng aming mga puso. "Tito, tita, is the kiss good?" Bigla kaming napatayo pareho nang mapansin ang dalawang bata. Si Quennie ang nagtanong kaya medyo nakaramdam kami ng hiya sa mga bata. Binuhat ko na lang ang dalawa at naglakad patungo sa kinaroroonan ng aking sasakyan. Iyon na yata ang pinaka-awkward na nangyari dahil hindi lang dalawang bata ang nakasaksi sa eksenang iyon. Marami pang mga pasahero. Mga pasaherong galing ng ibang isla na sumundo sa amin sa Fortune Island. Quota na talaga siya sa halik sa akin at hindi ko na naman napigilan ang kakaibang nararamdaman ng puso ko kanina pa dahil sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD