Sa Makati Medical Center ko dinala ang pangit. At kahit doon sa loob ng ospital ay panay pa rin ang ngawa niya. Hinayaan ko na lamang na magsisigaw siya roon. Ang sabi ng doktor ay hindi naman siya nabalian. Minor scratches lang ang kaniyang natamo na ipinagpasalamat ko naman.
Hindi ko naman kasalanan na mahulog at gumulong siya sa hagdanan. Mababa lang naman kung tutuusin ang stairs at sure naman ako na hindi siya mababagok o mababalian. Pero ang napakaingay niya pa rin.
Nawala na kasi sa wisyo ko ang nangyari kanina. Ewan ko ba. Parang siya pa yata ang biktima.
Since pwede naman siyang ma-discharge, tinawagan ko na sina kuya Angelo para sabihing pauwi na kami. Palabas na kami nang ospital at aalalayan ko sana siyang muli pero nag-inarte ang pangit.
"Kaya kong maglakad. Hindi mo na kailangan akong hawakan." Inirapan lang ako nito habang tuloy-tuloy sa paglalakad. Sumunod na lang din ako.
Nang nasa labas na ay napatigil siya. Malamang hindi alam kung ano ang sasakyan o kung saan ko ipinarada ang sasakyan.
"May hinahanap ka ba? Hindi mo yata makita e," nginusuan lang ako at inirapang muli.
"Alam mo naman palang hindi ko makita e. Mauna ka at ilawan mo ang daan para makita ko."
Napakamot pa ako sa ulo. Umandar na naman ang pagkapraning niya. Baka nga nabagok pati ulo nito e. O sa ulo yata ang tama. Pero malabo kasi base sa x-ray result niya, wala namang nabali. Scratches lang naman. Napailing na lamang ako.
Nang nasa tapat na kami ng kotse, nanatili lang siyang nakatayo sa labas. Ako naman ay pumasok na sa driver seat at binuksan ang front seat sa loob.
"Sasakay ka ba o magpapalamok ka? Gusto mo iwan na lang kita?" pabebe masyado e.
"Sasakay din naman pala. Ang arte-arte," bulong ko sa sarili.
"May sinasabi ka ba?" nakasungit talaga.
"Wala. Sabi ko, pwede namang magpasalamat 'di ba? Thank you po." Umarte pa akong nagpasalamat sa isang prinsesa.
"Kasalanan mo kaya ako nahulog at nagkasugat!" Aba! Napakawalang galang talaga. Nagpipigil na talaga ako.
"Kung hindi mo ako hinalikan, hindi ka mahuhulog. Kaya kasalanan mo iyon. Ako ang biktima dito at hindi ikaw!" Diin ko sa kaniya sa huling salitang binitiwan ko.
Inismiran na lamang ako at tumahimik na lamang. Pinaandar ko na lang ang sasakyan at dumiretso na pauwi. Maghahating-gabi na. Pagod na talaga ako. Quota na talaga siya sa kabwisitan!
"May sinasabi ka?" Anak ng tipaklong. Nagsalita ba ako? Nagpatuloy na lang ako sa pagmamaneho.
Makalipas ang dalawang oras ay nakarating din kami. Sinalubong naman ako ni kuya habang si Maritoni ay sinalubong ni nanay Tina ng kurot sa tagiliran. Mamaya ko na yayakapin si nanay kasi may pumasok na call. Nakita naman ito ni kuya Angelo at sinenyasan akong pumasok na rin sa loob.
"Hello, Aries. This is your Account Manager. Your application for Supervisor Head was accepted. And I'm calling to inform you that the promotion will take effect in a month. You have given a month off so you can relax. Again, congratulations."
Nag-thank you na lang ako sa boss ko kasi hindi ko na alam ang sasabihin ko.
"Aries! Pumasok ka na nang makakain na tayo!"
Tinawag na ako ni kuya at ako naman ay pumasok na rin dala ang magandang balita.
...
KINABUKASAN, nagising ako sa ingay ng katok sa labas ng kuwarto at nang buksan ko ay mukha ng pamangkin kong si Gelo ang bumulaga sa akin.
"Good morning tito, Aries. Time for breakfast na po."
Binuhat ko na lang siya at hinalik-halikan. Bumaba na rin ako para saluhan sila sa hapag-kainan.
Nang magsimula na kaming kumain ay sinabi ko na ang magandang balita kay kuya.
"I'm taking a month off, kuya Angelo."
"Ako rin, nanay. Isang buwan din akong bakasyon."
Gulat ako sa sinabi niya. Wala naman akong paki kung magbabakasyon siya ng isang buwan. Bakit kailangang isabay?
"Nananadya ka ba? O gumagaya-gaya?" matatalim ang mga tingin ko habang siya ay panay ang irap at nakataas ang isang kilay.
"Magandang balita iyan, Aries, Toni. May ibabalita din kami sa inyo," natigilan naman kami pareho at seryosong nakinig.
"Tumawag si Prince na darating sila sa makalawa at iiwan si Quennie dito. At dahil, napagdesisyon ko na magtrabaho na rin si ate Angela niyo. Dahil, wala naman kayong trabaho ng isang buwan, iiwan namin ang dalawang bata na sina Quennie at Gelo sa pangangalaga ninyo," excited ang tono ng boses ni Angelo pero hindi para sa dalawang nagbabangayang parang mga aso at pusa.
"NO!" bwelta ko sa aking kuya.
"HINDI PUWEDE!" sigaw naman ni Maritoni.
Magkasabay pa kaming dalawang sumigaw sa harapan ng mag-asawang Angela at Angelo. Pareho din kaming nagtitigang dalawa at biglang umasim pa pareho ang aming mga mukha sa plano nila sa amin.
"Masisira ang bakasyon ko nito dahil sa babaeng iyan. Kung isasama iyan sa bakasyon ko, hindi ko na alam kung mapapanindigan ko pang makapagpigil," bulong ko na lamang sa aking isipan. Gigil na gigil na nga ako, dumagdag pa ang nalamang balita at suhestyun ng aking kuya Angelo sa bakasyong sinabi ko.
Kung ang mga bata lamang ay walang kaso sa akin iyon dahil mababantayan ko naman ang mga ito kahit ako lang mag-isa. Hindi ko nga lang magagawa ang mga gusto kong gawin sa leave na hiniling ko sa kumpanya. Instant daddy at mommy pa ako sa dalawa kong mahal na mahal na mga pamangkin.
"Hindi ko masosolo si Aries nito. Kung kasama ko naman ang mga bata at kaming apat, parang okay lang din naman ang set-up. Wala namang mawawala kung susubukan ko. Pero mas maganda pa rin sana kung solo ko lang si Aries. Pero pamangkin ko si Gelo kaya dapat lamang na ako ay naroon para bantayan din sila. Hindi lang ako magiging instant mommy at daddy nito. Magiging instant wife pa ni Aries. Ayieee!"
Parang naiihi naman sa kilig si Maritoni nang maisip ang benepisyo na magsama silang apat sa iisang bakasyon. Araw-araw pa niyang makikita si Aries at mababantayan pa niya ang mga tsikiting sa kanilang bakasyon.
"Settled na ha? Wala nang hindian," sabi ni kuya Angelo.
"May magagawa ba ako e sa mahal na mahal ko ang dalawa kong pamangkin, kuya?" sagot ko na lamang.
"True. Same answer," gaya-gayang sagot naman ni Maritoni. Napabuntong-hininga na lamang ako sa sagot niyang walang originality.