"Sinusundan mo ba talaga ako ha?" Kanina ko pa ramdam na ramdam ang pagod at nadagdagan na naman dahil sa kaniya. Kakaiba talaga kasi ang powers ng babaeng ito. Napaghahalataan talagang stalker ko siya.
"Ako pa talaga ang sinabihan mong nakasunod sa iyo? Matagal mo na dapat alam iyan, Aries," at siya pa ang may ganang magalit sa akin? Of course, I knew it from the start. Why should she remind me of that?
"For your information, kapatid ako ng kuya ko at pamangkin ko ang anak nilang dalawa. Kaya may karapatan akong unang magtanong sa iyo. You get it?" Pinanlisikan ko na siya at hindi ko na alintana ang palipat-lipat na tingin nina kuya at ate, maging si Gelo ay napapakamot na sa ulo. Nagtataka na rin marahil ito sa mga mala-aso at pusa naming eksena sa harapan niya.
"Excuse me? Capital A, K, O! Ako lang naman ang pinsan ni ate Angela at pamangkin ko rin ang bata. Kung karapatan lang din naman ang pag-uusapan, mas may karapatan ako. Bakit? Ako ang nag-alaga noong sanggol pa lang si Gelo! Kaya, dahan-dahan ka sa pagsasabing may karapatan ka. Pero ang totoo ay pareho lang tayo. You get it?"
Napakatapang talaga nitong mag-alibi. Kahit saan niya ako makita ay may baon palaging sagot at depensa sa bawat mga sinasabi ko. Napapailing na lamang ako sa katigasan din ng ulo niya. Hindi talaga siya patatalo. Ginaya-gaya pa niya ang ekspresyon at galaw ko. Ilang beses ko na siya pinalampas. Hindi ko na alam ang mararamdaman ko ngayon. Kung hindi ko makokontrol ang galit ko, baka sumabog na akong parang bulkan at masapak siya sa mukha. Ang galing mang-inis e. Walang kupas.
"Kung noon pa sana ay binigyan mo na ako ng chance na mahalin ka, hindi ka sana nagkakaganyan sa akin. Kung siguro hindi mo dinadaan sa init ng ulo na kilalanin ako, magiging mabait naman ang pakikitungo ko sa iyo!" Magsasalita pa sana ako nang pigilan na ako nina ate at kuya.
"Aries/Toni!" Magkasabay pa silang tumawag sa aming pangalan. Napalingon pa kaming pareho nang tawagin nila kami sa aming mga pangalan.
"Tito. Auntie. Hinga po muna kayo. Huwag away. Okay?" Buti pa ang bata marunong makaintindi. Si Gelo ang nagsalita. Nasa tabi lang din niya ito nina kuya at ate.
"Kailan ba kayo titigil na dalawa? Hindi na kayo nasanay sa isa't isa. Aries, hayaan mo na si Toni na mahalin ka. The more you hate, the more you love yata ang bagay na quotes sa inyo. Pero dahan-dahan naman sa pagbibitiw ng mga salita. Babae si Toni at alam mong dapat ay marunong kang rumespeto," pinangaralan na lang ako ni kuya. Pero pansin kong botong-boto ito kay Maritoni. Parang bata pang nagkunwaring kinikilig kahit na sinasaway kaming dalawa sa harapan nila.
"Ikaw naman, Toni. Bakit ba parang alam kong sinusundan mo si Aries? Saan ka ba galing ha? At bakit galit sa iyo si Aries? Akala ko ba okay ka na nang mahawakan mo ang kamat niya noon? Ginawa mo pa ngang hostages ang mga bata. Kailan mo ba titigilan si Aries ha?"
Mukhang nakahanap ako ng kakampi kay ate Angela. Busangot naman ang mukha ng pangit sa harapan ko. Inirapan ko na lamang siya at pumikit upang hindi ko makita ang ekspresyon niya. Nagkunwari na rin akong bingi-bingihan sa maririnig ko mula sa kaniya
"Kahit hindi ko kayo nakikita, alam kong kukulog at kikidlat na naman kayong dalawa. Magsasabong na naman kayong parang manok. Ang mabuti pa, Aries, umakyat ka na muna at magpahinga. Kami na muna ni kuya Angelo mo ang bahala kay Toni. Alam kong pagod ka sa biyahe. Akyat ka muna doon sa terrace. Mayamaya ay darating na si Nanay Tina kasama si Caap. Matutuwa iyon kapag nakita ka. Ewan ko lang kay Toni."
Mukhang kakampi ko naman kahit paano si ate Angela. Tumalikod muna ako sa kaniya nang hindi binubuksan ang mata. Bago umalis ay nagpaalam na muna ako kina ate at kuya, maliban kay Maritoni. Hinalikan ko na rin sa pisngi ang pamangkin kong si Gelo. Umakyat na ako at hindi na hinintay pang umeksena o pigilan ako ni Maritoni. Pero dinig na dinig ko pa rin ang sigaw niya.
"Sagutin mo na kasi ako. O 'di kaya ay pakasalan mo na ako, Aries. Kahit saang simbahan ay papayag ako basta ba ikaw ang magiging husband ko. Aray! Arekupo!"
Malamang nahataw na siya ng baston ni ate Angela. Na-curious lang ako sa mga huling sinabi niya. Parang narinig ko na iyon. Hindi ko lang matandaan. O baka kapareho ng quotes? Hindi bale. Iidlip lang ako sandali dito sa terrace. Sana lang hindi ako puntahan ni asungot.
"Aries, Aries. Hoy, Aries!"
Nananaginip ba ako? Kasi parang may boses na tila bulong nang bulong at tawag nang tawag sa aking pangalan. At nang magmulat ako ay saktong dumikit ang aking labi sa labi ni?
"Aaaah! Waaaah! Aaaah! Waaah!"
Para itong sirena ng ambulansiyang ngawa nang ngawa sa kasisigaw. Parang kidlat din itong nagtatakbo pababa. Dinig na dinig ko pa rin ang sigaw niya hanggang sa dumausdos ito pababa ng hagdanan. Nakalimutang hawakan ang balustre. Nagpagulong-gulong ito na ikinagulat ko at nina kuya at ate.
Nagmadali akong tumayo upang tingnan at nakita kong nakahandusay ito sa sahig. Ako naman ay nataranta at parang tumalon bigla sa hagdanan pababa sa kinaroroonan niya.
"Hoy! Maritoni. Toni!" panay ang alog ko sa kaniya.
"Bakit nahulog si Maritoni, Aries? Anong nangyari at sigaw siya nang sigaw kanina?" Hindi ko na pinansin ang tanong ni kuya. Binuhat ko na lang si Toni pero nang nasa bisig ko na siya, dumilat ito at muling sumigaw. Kaya, nabitawan ko na naman siya. Sumalpak ang pang-upo niya sa sahig.
"Waaah! Aaah!" Hindi yata nakaramdam ng sakit. Todo sigaw pa rin e. Sipain ko na lang kaya ang babaeng ito.
"Huwag ka na mag-inarte! Dadalhin na kita sa ospital. Baka may bali ka na sa pagkakahulog mo e." Binuhat ko na lang siya ulit.
"OMG! Waaah! Aaah!"
"Tumigil ka! Nabibingi na ako sa ingay mo! Itapon na lang kita sa labas nang gumulong ka pababa ng bahay at dumiretso sa bulkang Taal, gusto mo?" Umiling na lamang ito at tumahimik bago ko isinakay sa sasakyan. Kung makakapit parang tuko sa higpit.
This is a very tiring day for me!