Chapter Three: Advice From A Stranger

1112 Words
I was able to calm myself nang makapasok na ako sa loob ng eroplano bound to Manila with a stopover sa Hong Kong para sa aking quick photoshoot. May isang oras lang akong stopover doon at hindi naman daw aabot ng 30 minutes ang shooting since it is only for marketing purposes on a clothing brand. Nasa aisle ako nakaupo habang ang katabi kong foreigner ay nginitian ako. Ngumiti rin ako sa kaniya. Tiningnan ko ang nakaupo sa window seat na nakatalukbong ng hoodie jacket na black at black rin ang shades at face mask? Ano ito, may virus? Lihim na lang akong napangiti nang makitang tulog siya. I took a nap for while in preparation of my shoot. Hours later, about 15 minutes away from Hong Kong International Airport, sa kalsada ay nagsimula nang mag-set up ang mga crew ng isa sa mga sikat na clothing brand na Uniqlo. Suot ko na rin ang isang business black suit tux with white tee at black necktie and black Armani shoes ko. While waiting for my turn to shoot, naglakad-lakad muna ako near a cafè at umupo roon, ordering one American hot cappucino with milk. After taking a sip, I closed my eyes and take a deep breathe. Hindi ko alam kung bakit parang napagod na yata ako. O mas madaling sabihin na napapagod na ako. "Hindi ako si Aries kung magpapadala lang ako sa pagod at sa negatibong naiisip ng utak ko. Aries, think positive. You are doing this to prove something for yourself and to your family maging sa binubuo mong pamilya." Naisiwalat ko na lamang iyon sa aking isipan. Ilang taon na ba ako? Turning 25? Marahil mahaba-haba pang panahon talaga ang gugugulin ko para maabot pa ang pangarap kong magkaroon ng sariling pamilya. Wala ngang girlfriend, pamilya pa? Napapailing na lamang ako kapag naiisip kong magiging dakilang Bachelor yata ako kapag nagkataon. Single kong single ako. Isa pa, hindi naman ako nagmamadali at wala pa akong napupusuan. Puro crush lang. "Pini-pressure mo ba akong mag-asawa na? Alam mo namang ayoko pang mag-asawa e. Mas lalong ayaw kong magpakasal sa taong ayaw ko no. Ang pag-aasawa ay hindi isang laro na kapag nagustuhan mo lang ay go ka pero kapag nagsawa ka na, iiwanan mo na lang. Ayoko ng ganoon. Kung hindi man si ano ang mapapakasalan ko, mas gugustuhin ko pang maging single forever! Itaga mo iyan sa bato!" Naintriga ako at nagulat sa boses ng babaeng isang upuan lang ang layo sa aking likuran. May punto naman siya sa term na kasal. Hindi naman kasi laruan ang pagpapakasal. At mas lalong hindi dapat paglaruan ang damdamin o feelings. Pero parang pamilyar ang tinig ng babaeng iyon ah? Nang lingunin ko ay wala na ito. Ang bilis naman umalis. Pagala-gala pa ang paningin ko nang tawagin na ako ng handler ko na start na ng photoshoot ko. ... "Porke ba bulag ako ay wala na akong karapatang gawin ang gusto ko?" Nasa labas pa lang ako ng gate nila ay dinig ko na ang boses ni ate. "Hindi ba napag-usapan na natin ito after ng kasal na patuloy pa rin akong kakanta at magtatrabaho? Nakayanan ko naman noong wala ka. Bakit hindi mo kayang ibigay iyon, Angelo?" "That's not my point, Angela. Natatakot lang ako na baka mapano ka. Malaki ang pasasalamat ko sa iyo kasi kung hindi dahil sa iyo ay hindi kita makikita. Ayaw ko lamang mapahamak ka. Walang aalalay sa iyo kapag kakanta kang muli." Napabuntong-hininga na lamang ako. Bakit ba wrong timing na lamang ako palagi sa pagbisita sa mga ate at kuya ko? Kumatok na lamang ako at isang bibong bata ang nasilayan ko. "Tito Aries!" Tuwang-tuwang sigaw ng apat na taong pamangkin ko na si Gelo. Gulat naman ang mukha ni kuya Angelo habang inaalalayan si ate Angela na tumayo para salubungin ako. Kinarga ko na lamang siya at sinabihan si kuya na huwag nang lumapit. "Relaks kuya. Stay put ka na lang diyan," at hindi na nga ito nag-abala pang tumayo. "Ikaw pala, Aries. Kumusta ka naman? Napadalaw ka?" pangangamusta ni ate Angela. "Na-miss ko lang kayo ni kuya, ate. Matagal din kasi bago ako nakabisita sa inyo," nakangiti kong sagot. Magsasalita pa sana ako nang umeksena si Gelo. "Tito, sila lang po na-miss mo?" natigilan kami at biglang napatawa nang magtanong si Gelo. Lalo kong niyakap ang bata at hinalik-halikan. "Gelo, ikaw yata ang dahilan kung bakit nandito ang tito mo e. Kaya huwag ka nang malungkot. Na-miss ka ng tito mo," ginulo-gulo ni kuya ang buhok niya. Mana sa akin! Ha-ha. "Manang-mana ka rin sa akin. Ganiyan na ganiyan ako dati. Siyempre, miss na miss na miss ka ng tito Aries," lalo lamang akong nasabik na yakapin pa ang pamangkin ko. Happy pills ko na yata sina Quennie at Gelo. "Galing po ako kina kuya Prince. Kinakamusta din po kayo nila nanay at tatay. Nagkataon lang po talaga na may time akong pumunta rito, kuya, ate." Ibinaba ko na si Gelo at niyakap nang mahigpit na mahigpit si kuya Angelo at hinalikan naman sa pisngi si ate. "Narinig ko po pala kaunting argument ninyo. Hindi ko sinasadyang manghimasok sa problema ninyo, kuya. Alam kong mahirap para sa iyo na mawalay kay ate pero bakit mo po hahadlangan ang kaligayan niyang naibigay naman sa iyo noon noong nakakakita pa siya at bulag ka pa. Hindi ba kuya?" mukhang napaisip siya sa sinabi ko. "Hindi mo na kailangang ipaalala iyan sa kuya mo, Aries. Ito lang naman ang unang beses na nagsalita ako sa kaniya. I didn't mean to open up. Para naman sa anak namin ito," depensa ni ate habang hawak nito ang kamay ni kuya. "You have a stable job, kuya. You can make a studio for her recording then samahan mo siya sa mga gigs niya. Hatid sundo mo si ate sa mga guesting niya. Maraming paraan basta magtutulungan kayo. Kung tungkol naman kay Gelo, nandiyan naman si nanay Tina. Lola naman niya ito. Speaking of nanay Tina, nasaan siya?" Iniba ko na lamang bigla ang usapan matapos kong sabihin ang mga iyon. I hope na maging okay sila. Mahal na mahal ko sila pareho. "Salamat, Aries. Huwag kang mag-alala, maayos namin ito." Niyakap na lang niya ako at ako naman ay nagpaalam muna na aakyat sa taas, sa terrace para pansamantalang magpahinga. I was on the way of going upstairs when a familiar person barged in the house. And it was her again. "What are you doing here?" "Ikaw ulit?" Sabay-sabay pa kaming dalawang nagtanong ng mga katagang iyon. Tila uusok na naman ang ilong ko sa inis sa mukha niyang nakababanas na. And here I go again!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD