Chapter 33: Galit At Pagsagip

1425 Words

PAGKATAPOS gumawa ng paraan upang makaalis sa anino ng kaniyang pinsang si Angela, nakahinga naman siya nang maluwag. Buong-buo na nga ang desisyon niyang huwag nang unahin ang puso niya. Ilang beses na siyang nasaktan sa mga salita ni Aries. Sa isipan niya, sigurado siyang prank lang niya iyon at hndi totoong mahal na nga siya ni Aries. Hindi katulad niyang matagal na naghintay. Ang naiisip niya ngayon ay si Duke. Nakita niya kung paano ito nagalit kanina. Ang kagagahan pang nagawa niya ay nasampal pa niya ito. Tama lang naman ang ginawa niya dahil ayaw na ayaw niya sa lahat ang makitang inaaway, sinisigawan, o pinapagalitan ng anak ang ina. Napapailing na lamang siya kapag naiisip ang nagawa niya kay Duke. “Saan kaya nagpunta ang pasaway na 'yon?” tanong ni Maritoni sa kaniyang isipan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD