PAGKATAPOS NANG TATLONG BESES na mouth to mouth resuscitation ay napaubo rin sii Maritoni at nailabas din ang tubig-tabang na nainom nito. Si Duke naman ay hingal na hingal ang matatalim na nakatitig kay Maritoni nang mga oras na iyon. “Anong klaseng utak ba mayroon ka ha? Bakit mo ginawa iyon ha?” sigaw ni Duke kay Maritoni. Kumakalma pa ang huli nang mga oras na iyon at sinubukang titigan si Duke na nakaluhod sa kaniyang harapan. Kitang-kita rito ang pag-aalala sa kaniya. “Ako pa ngayon ang may kasalanan ha? Hindi ba at ikaw ang magpapakamatay rito?” bulyaw pabalik din ni Maritoni sa kaniya. “Sino ba ang maysabi sa iyong sagipin ha?” muling sigaw nito. “Wow! Talaga ba? Malamang wala. Kung ganiyan lang din pala kakitid ang utak mo, hindi na sana kita tinulungang sagipin pa. At muk