“Wala ka namang balak magpakamatay kanina ano, Aries?” tanong ng kuya Prince niya kay Aries. “Ano? Magpapakamatay? Ugag ka ba, Aries ha? Bakit mo naman ginawa 'yon ha?” gulat namang tanong ni Angelo nang mga oras na iyon. Kaya pala pareho silang basang -basa na dalawa. Dahil iyon sa balak ni Aries. “I'm sorry, kuya. Wala lang ako sa saril ko at nagawa ko iyon. Dinala lang ako ng mga paa ko sa dagat hanggang sa malalim na parte nito,” paliwanag naman ni Aries, na kasalukuyang umiiyak pa rin nang mga oras na iyon. “Kahit na!” bulyaw ni Angelo. “Angelo, relaks. May problema ang bunso nating kapatid,” saway ni Prince sa pangalawang kapatid. “Sorry, kuya,” paghingi naman ng sorry nito sa nakatatandang kapatid. “Sige, magkuwento ka at makikinig kami ng kuya Angelo mo, Aries,” pag-aalo n