Maritoni's Point of View “Ang sarap naman ng saging mo este ng saging na ito. Saan mo nakuha, Duke?" tanong ko. Kaharap ko siya at hindi halatang napapatitig pa ako sa harapan niya habang nakabukaka ito. Bakit kasi kailangang bumukaka? "Kanina lang. Pagkatapos kong tumawa sa tanong mo at nakita kitang nagtatakbo, tumigil ako at naghanap sa kabilang side at pumasok sa parang gubat dito at naghanap ng makakain. At nakita ko nga itong saging ko este ang puno ng saging. Naghanap na rin ako ng bagay na matulis upang putulin ang sanga ng isang bulig ng hinog na saging," sabi niya na talaga namang nagbiro din sa sinabi niya sa salitang saging. Tumango naman agad ako at nagpatuloy sa pagkagat habang tinitingnan lang siya. Then, atat na akong marinig ang kuwento niya tungkol sa isla kung saan