Isla Ng Puerto Galar Maritoni's Point of View Ang sarap ng tulog ko. Para akong nasa alapaap. Nanaginip pa nga akong may kayakap na guwapong nilalang at ayaw na ayaw ko pang pakawalan. Pero nang magising na nga ang diwa ko at may naramdamang may kayakap ako, doon na ako kinabahan. Dahan-dahan akong dumilat at nang makita ko kung sino ang nakayakap sa akin at kayakap, isang malakas na tili at sigaw ang pinakawalan ko na yumanig sa buong isla ng Puerto Galar. Naitulak ko pa papalayo ang kayakap ko nang hindi sinasadya at agad na tumayo't nagtatakbo patungo sa dalampasigan. Dire-diretso lang ako sa pagtakbo. Nakailang beses na rin akong nadapa pero bumangon pa rin at muling tumakbo. Tuloy pa rin ako sa pagtili at pagsisigaw hanggang sa marating ko nga ang mababaw na parte ng karagatan s