MAAGA ring nagising si Aries nang mga oras na iyon. Pero nanatili siyang nagtutulog-tulugan dahil naramdaman niyang tumayo ang kaniyang inang si Queen. Ilang minuto pagkatapos niyon ay dahan-dahan siyang bumangon at lumabas. “Mukhang nakahanda na pala ang agahan,” aniya sa isipan dahil sa nakitang mga pinggan, baso, at kubyertos sa mesa. Nakiramdam muna siya bago nagpasiyang lumabas ng villa. Nang masigurong tulog pa ang iba at wala na rin ang ina ay dire-diretso na ngang lumabas si Aries. Hindi naman kasi siya nakatulog kagabi dahil nga sa nangyari. Gusto lang muna niyang mapag-isang muli. Nag-inat-inat pa siya nang medyo malayo na siya sa villa. Ilang sandali pa ay nagsimula na ulit siyang maglakad at isinuksok ang dalawang kamay sa bulsa. Nakapa pa niya ang isang maliit na notebook