Isla Galar, Puerto Galar Maritoni's Point of View Nasa isang malaking bato ako nakaupo ngayon. Mag-isa. Nag-iisip. Lahat ng gustong maalala ko ay ibinabalik sa akin habang tanaw na tanaw ko ang malawak na karagatan. Sino ba naman kasi ang hindi makakaalala kapag na-stranded ka sa isang isla at walang ibang alam na gawin kung hindi ang libutin ang lugar, magtampisaw, tumakbo sa buhanginan, o maligo. Ganoon lan naman ang cycle ng mga taong stranded sa isang lugar. Walang ibang paraan upang makaalis lalo na kung ang buong paligid ay halos tubig lang. Paano ka nga naman makakaalis, 'di ba? Parang buhay ko. Hindi maalis sa isipan ko ang imahe ni Aries. Masayang-masaya ako nang una ko siyang makita sa bahay ni Angelo. Na ngayon ay bahay-bakasyunan na lamang at ang nanay ni Magda ang bantay