KINABUKASAN, habang tulog pa ang iba, maagang nagising si Queen. Narinig kasi niya ang mga ingay ng pinggan at mga kubyertos sa labas, sa hapag-kainan. Nang makapag-ayos ay lumabas siya at nang makita siya ni nanay Let ay binati siya nito. “Magandang umaga po, ma'am,” bati nito sa kaniya. Tumango naman si Queen at sinundan ng tingin ang ginagawa ni Letisia. Kasalukuyan kasi itong nag-aayos ng mga kubyertos, plato, at mga baso. Tahimik lang siya nagmamasid sa ginagawa nito. Alam na rin naman niya ang nangyari kagabi sa usapa nila ng kanilang asawang si King. Sa asawa lang naman niya siya may kaunting tampo pero kay nanay Let ay wala. “Puwede ba tayong mag-usap, Letisia?” pakiusap nito sa kaniya nang makitang patapos na rin siya. Alam na rin niya ang susunod na gagawin nito kaya, magi