Chapter 26: Something's Not Right On His Age

1613 Words

Sa Puerto Galar, Sa Galera Maritoni's Point of View “May nasabi ba akong masama? Anong nangyari sa 'yo?” tanong sa akin ni Duke nang hindi ako lumingon sa kaniya. Hindi pa rin kasi ako tumigil sa paghagulgol. Sinubukan ko namang kontrolin ang iyak ko pero hindi ko alam kung bakit bigla na lamang akong humagulgol. Hindi ko nga napansin ang paglapit sa akin ni Duke upang alalayan ako. Baka kasi mapano ako at mahulog sa dagat. Hinawakan niya ako sa balikat at nang lumapat nga mga kamay niya ay doon na ako humarap at napayakap. “Iiyak mo lang. Iiyak mo lang, Maritoni. Makikinig ako kung gusto mong magsabi,” aniya na lalo pang nagpaiyak sa akin. Mahigpit pa akong yumakap at sinubsob pa ang aking mukha sa dibdib niya. Umiyak lang ako nang umiyak hanggang sa gumaan ang aking pakiramdam.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD