"What the heck!"
Napamura na lang ako sa isipan. Napailing-iling. Disgusted or disappointed? How should I describe the feeling? Muli na naman niyang bubuksan ang galit at inis kong mahigit dalawang taon na ang nakararaan.
"Surprise! Hi baby, Quennie? I miss you."
Miss niya mukha niya kamo! Palatak ko sa utak.
"Hi, tita Toni. How are you?" sagot naman ng bata. Binuhat niya ito at hinalik-halikan.
"Wow, inglesera ka pa rin a until now, baby? I'm fine coz I saw my boyfriend here." Natampal ko na naman ang noo ko.
Boyfriend? Malamang ako ang tinutukoy niyan. Lihim namang napapangiti sina kuya at ate. Pansin ko. Ibinaba niya si Quennie at lumapit sa amin. Huwag lang siyang magkakamali.
"Anong ginagawa mo rito?" inis kong tanong.
"Ganyan ba dapat ang itatanong mo sa maganda mong bisita? Hindi ba puwedeng I miss you ang tanong mo at sasagutin kong I miss you too? O kung ayaw mo naman, i-level up mo sa I love you at I love you too?"
Ang taas ng confidence. Ang haba ng... buhok niya sa ulo. Ang sarap tapakan!
"Wala kang karapatang pumunta dito. Kamag-anak ba kita? Hipag ka ba namin?" bwisit na bwisit na ako. Kung hindi lang siya babae, nasuntok ko na siya.
"Aries, tama na iyan. Kalma. Huwag mo namang ganyanin si Toni. Kahit hindi natin iyan kamag-anak o hipag, pinsan pa rin iyan ng ate Angela mo na asawa ng kuya Angelo mo. Ituring mo rin siyang pamilya," pilit akong pinapakalma ni kuya. Pero ewan. Kumukulo talaga dugo ko sa kaniya.
"The more you hate, ika nga, Aries, the more you love," segunda ni ate Charie.
"Ay! Bet ko iyan. Pak na pak. I-ispluk na iyan, ate. Ako ba tinutukoy mong maiinlab sa kaniya o si Aries, my bebe, my forever labs?" pupungay-pungay pa ang mata nito at feeling close kay ate Charie kasi nakakapit na ito sa braso niya na parang linta.
"HAH! HUH! Marunong ka ba mag-spell?" bwelta ko.
"Oo naman. Try me!" aniya.
"Spell asa?" sabi ko.
"Napakadali naman ng pinapa-spell mo. It's so simple. Capital A. R. I. E. S. Aries!" Hagikgik ang lahat sa sagot niya. Tumayo na lamang ako.
"No, ate. Wrong! Dapat A.S.A. Hindi ba tito Aries?" nakayakap sa binti kong sabi ng pamangkin ko. Kahit paano ay may kakampi ako.
"Tama, baby. Wrong si pangit!" at kinarga ko ang bata.
"Sus! If I know, gusto mo rin kaya akong makita. How many years has it been, Aries?" litanya niya, sabay hablot ng kaliwa kong kamay at hinalikan. Kaagad ko namang iwinakli ang kamay niya.
"I hate you!" iyon na lang ang nasabi ko.
"Mahal naman kita e kahit ayaw mo sa akin," tigalgal ako. Kainis talaga siya to the nth level.
Pumunta na lamang ako sa kuwarto ng bata at nakipaglaro ng word games na gusto niya. Sinigurado kong naka-lock ang pinto. Baka kasi biglang susulpot ang pangit e.
"Tito, why are you mad with tita Toni? Do you like her?" nagulat ako sa batang ito. Ilang taon na ba nang huli kong makausap si Quennie?
"Why, baby? Why do you say I like her?" curious kong tanong sa kaniya.
"I see it in your eyes po, tito," hindi na ako nakapagsalita pero ang labo.
Malabo talagang mangyari.
Hinding-hindi mangyayari.
Ipinagpatuloy na lang namin ang paglalaro hanggang sa makatulog siya. Inayos ko ang pagkakahiga niya at ilang sandali pa ay iniwan ko na siya roon. Saktong pagbukas ko ng pinto ay mukha na naman ng pangit ang nabungaran ko.
"Kung may sakit ako sa puso, baka nanginig na ako at hinimatay sa mukha mo." Tinabig ko na lang ang kamay niyang nakaharang sa pinto.
"Talagang manginginig at mahihimatay ka kapag ako ang nakita mo," nilingon ko siya at tinanong ng "At Bakit naman?"
"Kasi I love you!" hindi ko nakita ang expression niya. Parang natatae kasing nagtatakbo at kinuha ang bag sa sala saka nagpaalam na kina ate kuya.
Nang nasa pintuan na ay nag-flying kiss pa ito. Sinakyan ko ang trip niya at kunwari ay sinalo ko iyon pero itinapon ko sa sahig at tinapak-tapakan with matching talon-talon pa. Durog na durog. At ayun, sinara ang pinto.
"Ang hard mo naman kay Toni, Aries. Pero pansin kong totoo siyang tao. Mahal ka nga niya. Baka nga may gusto ka na sa kaniya e. Ayaw mo lang magpahalata."
Tinapik-tapik ako sa balikat ni kuya at sinabi ang mga katagang iyon. Dumuwal-duwal pa ako sa kaniya na ikinatawa nila ni ate.
Hays! Hindi pa tapos ang isang araw pero parang isang linggo akong napagod dahil sa babaeng iyon. Nagpaalam na ako kay kuya at ate at sinabing may flight pa pala ako mamayang gabi pa-Maynila para naman bisitahin sina ate Angela at kuya Angela. Siyempre, ang isa ko pang bibong pamangkin, si Gelo.
Pagkauwi sa flat ko ay dumiretso ako agad sa banyo para makapag-shower. Handa na rin naman ang mga bagahe ko at pasalubong. Ni hindi ko nga inalam kung bakit naroon kanina si bwisit e. Wala naman akong pakialam sa kaniya. Kaya, paki ko!
Sa airport, habang naghihintay ng limang minuto to board my flight via United Airlines with stopover sa Hong Kong, chineck ko muna ang emails ko at nagulat ako sa mensahe. I have an hour and a half stopover sa Hong Kong at saktong may photoshoot ako roon. Kaya naman ay umoo na lamang ako sa offer since hindi naman daw aabot ng trenta y minutos at aabot naman daw ako sa boarding time before my flight back to Manila.
Nasa pila na ako para mag-check in nang biglang may sumulpot sa harapan ko na ikinagulat ng mga pasahero.
"Excuse me, miss, you have to fall in line. Nakakasagabal ka po kasi e," hindi ako pinakinggan. Nilingon lang niya ako saglit at tinanggal ang shades saka nagsalita.
"I'm so sorry guys, I'm her girlfriend. Thanks honey."
Anak ng! Hinalikan na naman niya kamay ko at pumasok na sa loob.
"Hanggang dito ba naman! Argh!"
Humingi na lamang ako ng pasensya sa ibang mga pasahero na nakakita sa ginawa niya at dali-daling pumasok sa loob para habulin siya pero ang bilis lang ha? Hindi ko na makita. Baka iba ang flight niya o baka nang-iinis na naman. Konting-konti na lang talaga.