CHAPTER 6

1524 Words
Cousin Chapter 6 Nang mga sumunod na araw matapos ang University Day ay balik aral agad kami. Nakaka-stress ang buong linggo namin noong U-Day. Tapos ngayon dagdag stress na naman dahil malapit na ang exam. Pakiramdam ko tuloy hindi papasok sa utak ko ang mga sagot sa exam kahit pa pag-aralan ko lahat ng dapat aralin para sa exam. Bukod kasi sa nakakapagod pa noong nakaraang linggo. Kailangan pa naman mag-aral para sa exam ngayong sabado. Nasa library ako ngayon para magreview kakatapos lang ng last subject namin kaya dito agad ako dumiretso sila Fleigh naman ay nasa dinning hall kumakain. Hindi na ako sumama sa kanila hindi naman ako gutom kaya pinili kong magreview nalang. "Hi, pwede akong maki-share?" Naiangat ko ang ulo ko. Ilang sigundo ko din siyang tinitigan habang siya naman naghihintay na umuo ako. Sa halip na sumagot ay tumango lang ako. Madalas ko siyang napapansin na tahimik lang minsan naman ay kasama niya ang kapatid niya. Ngayon naman ay nag-iisa lang siya. Palihim ko siyang sinulyapan. Masyado siyang tutok sa binabasa niya. Seryoso siya sa pag-aaral, Sana lahat ng lalaki ay katulad niya hindi tulad ng iba dito at halos karamihan puro pakikipagbasag-ulo ang inaatupag. Hindi ko rin maintindihan bakit hindi sila nadedention gayong labag sa batas ng eskwelahang ito ang ginagawa nila. Hindi patas ang batas dito. Nakakapanlumo lang isipin na ang ibang may konting pagkakamali lang ay nadedention na samantalang ang ibang may mabigat at mas madaming pagkakamaling nagawa ay hinahayaan lang. Nasaan ang hustisya doon? "Huwag mo ako masyadong tingnan. Kahit saang anggulo mo tingnan ang mukha ko hindi na iyan mababago." Bigla naman akong napaiwas ng tingin. "Marami kang oras para titigan ako kahit araw-arawin mo pa. Huwag kang mag-alala." "Tss! Hindi ka naman masyadong mayabang sa lagay na iyan ano?" "Atleast ako lang ang mayabang na gwapong nakilala mo." Ay grabe! Lumalala ang pagiging mayabang. Sana pala hindi ko na lang sinabi iyon. "Nga pala ba't hindi mo kasama ang kapatid mo?" "Sinong kapatid ang tinutukoy mo? Dalawa sila na kapatid ko na nandito." Nanlaki naman ang mata ko sa gulat. Dalawa? "Da--Dalawa ang kapatid mo dito? Akala ko ay isa lang." "Hindi ka magaling na stalker dahil hindi mo alam na dalawa pala ang kapatid ko dito." "Kanina mayabang ka ngayon makapal na ang mukha mo. Hindi mo ako stalker no? Ano ka sinuswerte. Neknek mo! Tsee!" Inirapan ko siya. Saka binaling ang tingin sa binabasa ko. Tss, ang yabang-yabang 'di naman gwapo. Feeling naman nito. NANG matapos ang walang kwenta naming usapan pinili ko na lang umalis. Tapos na siguro silang kumain. Naisip kong bumalik na sa dorm at doon ipagpatuloy ang pagbabasa. "Andiyan kana pala Sendy kanina ka pa hinahanap ni Phoenix. Kulang nalang ay halughugin itong dorm hindi naman namin alam kung nasaan ka." Dumiretso lang ako sa banyo para maligo hindi ko pinansin ang sinabi ni Fleigh. Maraming bumabagabag sa isip ko mga bagay na hindi ko alam bakit palaging pumapasok sa isip ko. Mga tanong na hindi ko alam saan hahanapin ang sagot. Lalo na iyong sinabi niya kanina tatlo silang magkakapatid na nag-aaral dito. Sabi nila Hera ay dalawa lang sila sino naman kaya ang isa? Nakatulala ako sa kawalan habang bumubuhos ang tubig sa ulo ko na mula sa shower. Kahit yata ilang tubig ang ipangligo ko hindi pa din mawala sa isip ko ang mga nagpapagulo dito. Bawat anggulo ng eskwelahang ito ay puro mysteryo para sa akin. Ayaw kong tanungin sila Hera dahil alam kong hindi din nila ako bibigyan ng matinong sagot. Bawat tanong ko sa kanila nilalayo nila ang sagot sa gusto kong malaman. Tila ba may pinagtatakpan sila, may mga bagay na ayaw nilang ipaalam sa iba o sa'kin. Nang matapos akong maligo, narinig kong may kausap sila hindi pa ako nakakalabas sa banyo ay rinig ko na ang mga tawanan nila. "Oh? Sendy tapos kana pala may naghahanap sayo." Napakunot ako ng noo sa sinabi ni Fleigh Saka iniluwa ang isang imahe ng babae na hindi ko inaasahang makikita ko dito. "Ano naman ginagawa ng babaeng iyan dito?" Inis kong tanong. Bakit siya nandito? Hindi niya ba alam gaano kadelikado ang pumasok dito. Paano siya napunta sa lugar na'to? "Ngayon lang namin nalaman na kamag-anak pala kayo. Matagal na siyang nag-aaral dito Sendy. Nasa college na siya at isa siya sa student council ng Helveria. Mas nauna pa nga siya sa'min dito. Nang malaman niyang nandito ka nagpumilit siyang puntahan ka. Kaya hinahanap ka ni Phoenix kanina dahil dito." Mas lalong kumunot ang noo ko. "Kumusta kana mahal kong pinsan. Dalaga kanang talaga, at ang laki na ng pinagbago mo. Kumusta naman si Avery." At talagang nakuha pa niya akong kumustahin sa ganitong setwasyon. Mas lalong nadagdagan ang pagkalito ko sa mga bagay-bagay na nangyayari dito. "Anong ginagawa mo dito Brenda? Paano ka napasok sa eskwelahang ito? Gaano kana katagal dito?" "Isa-isa lang Sendy masasagot ko lahat ng tanong mo. Kumalma ka muna." Umupo kami sa kama habang ang iba kong kasama ay lumabas muna iniwan muna nila kami para makapag-usap. "Makinig ka sa'kin ng mabuti Sendy. Hindi ko alam paano ka nakapasok dito pero ito lang sasabihin ko, hindi ligtas ang lugar na'to para sa'yo o kahit sa iba. At kung sa tingin mo makakalabas ka dito sinasabi ko sayo hindi o baka hindi na talaga. Limang taon na ako dito at hanggang ngayon araw-araw kong hinihiling na makalabas na sa empyernong lugar na'to. Masaya akong makita kang muli pero nababahala ako sa kaligtasan mo. Pero pangako hangga't nandito ako hindi ko hahayaang mapahamak ka." Seryoso at titig na titig siya sa mga mata ko habang sinasabi niya iyon sa'kin. Ang mga salita niya ang nagpadagdag sa kanina pang kaba na nararamdaman ko. Ano ba talaga ang meron sa lugar na'to. "Ano bang klaseng lugar ito Brenda? Marami akong tanong mula ng pumasok ako dito hindi ko na maintindihan mga nangyayari. Pinipilit ko nalang huwag pansinin pero hindi ko maiwasang hindi isipin. Lalo na ngayon na nandito ka at hindi ko din alam bakit ka nandito." Sumasakit na ang ulo ko kakaisip. "Si Tita Sandra siya ang nagdala sa'kin dito. Ang sabi niya dito ko mahahanap si Mommy. Pero hanggang ngayon ni Anino ni Mommy wala akong nakita." "Ano?? Seryoso ka ba?" "Oo, ang sabi kasi niya dating nagtuturo si Mommy dito. Pinagtataka ko paanong nangyari iyon e sa pagkakaalam ko isang doktor si Mommy. At sabi ni Daddy noon nasa ibang bansa nagtatrabaho si Mommy." Nagsimula ng maghabulan ang mga luha ko. Nasasaktan ako hindi lang para kay Brenda kundi pati sa sarili ko. Paanong nagagawa ni Mommy na ipahamak kami? "I'm sorry Brenda sa ginawa ni Mommy sayo. Gusto kitang tulungan pero maski ako pinasok niya dito at hindi ko alam kung bakit? Iniisip ko nalang na baka ampon lang ako at si Avery lang talaga ang mahalaga sa kanila." Tuluyan na akong naiyak. Agad naman niya akong niyakap para damayan. Siya dapat ang dinadamay ko pero ito siya niyayakap ako habang sinasabing magiging maayos din ang lahat. Na hindi niya ako pababayaan habang nandito kami sa loob. Siya ang taong hindi ko naging close noon. Mas close siya kay Avery bukod sa magkapareho sila ng ugali ayoko din sa kaniya noon. At masasabi kong ang laki ng pinagbago niya ngayon. Siguro naman hindi masamang magtiwala ako sa kaniya. Pinsan ko naman siya at wala rin akong ibang kamag-anak dito maliban sa kaniya. Matapos naming mag-usap umalis na siya lagpas na kasi sa curfew. Ayoko sana siyang paalisin dahil nag-aalala ako baka anong mangyari sa kaniya. Pero ang sabi niya nasa labas sila Phoenix hinihintay siya. Sinamahan pala siya ng grupo ni Phoenix para ligtas raw siyang makarating dito. Hindi siya basta-basta makakapasok sa mga dorm namin baka kung anong gawin ni Senyora. Saka na daw niya ipapaliwanag ang iba sa'kin kapag may pagkakataon na. Huwag raw akong mag-alala pababantayan niya ako kina Phoenix at sa iba pa. Nang gabi ding iyon hindi ko magawang matulog. Masyadong madaming laman ang isip ko lutang na lutang ako kaya hindi ko maramdaman ang antok. Tuwing sasapit ang alas dos ng madaling araw naririnig ko na naman sila. Mga ingay, mga humihingi ng tulong sa gitna ng tahimik na gabi. Mga sigaw ng mga nagmamakaawa. Kahit takpan ko ang tenga ko naririnig ko pa din sila. Para bang isang huni na paulit-ulit bumubulong sa tenga at isip ko. Alam kong hindi sila totoo. Ilusyon lang sila na nanlilinlang sa mga nakakarinig. Kung hindi ako nasabihan nila Hera baka naging tulad na din ako ng iba. Ang sabi lang sa akin nila Hera huwag kong pansinin kahit anong marinig ko. Normal na nangyayari ang ganun dito. May iba pa nga raw na nagpaparamdam pero sa tagal na nila Hera dito hindi pa nila nakikita ang mga nasa likod ng boses na nag-iingay tuwing hating gabi. Hanggang sa nasanay sila, kung noon ay takot din ang naramdaman nila tulad ng nararamdaman ko. Ngayon ay baliwala nalang ito sa kanila. Sana maging ganun din ako katapang tulad nila. Tingin ko ay kailangan ko ng sanayin ang sarili ko sa mga kababalaghang nangyayari dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD