CHAPTER 1
SENDY'S POV
Time Check 7:48am
Nakakatamad bumangon bakit ko pa kasi kailangan sumama sa kanila sanay naman ako na iniwan dito sa bahay.
"Gising na pala ang feeling princesa." Ang aga naman mambweset ng bruhang 'to.
"Tigilan mo ako Avery.."
"Aba't sumasagot kana ngayon--"
"Pwede ba kayong dalawa tumahimik na kayo lagi nalang ba kayong ganiyan nagbabangayan. Hindi niyo ba mabuo ang isang araw na hindi nagbabangayan." Galit na sabi ni Mommy
"Eh kasi ito eh, aga-aga nambubuweset na naman kita ng kagigising ko lang." panguso kong turo sa kapatid ko.
"Huwag ka kasi magbuhay princesa dito kita mo anong oras na ngayon oras pa ba ng tamang paggising tanghali na."
Aish! Hindi talaga buo ang araw niya 'pag hindi niya ako nasermonan. Paulit-ulit nalang nakakabingi at nakakasawa na. Kung hindi ko ang siya kapatid matagal ko na siyang sinabunutan sa sobrang inis ko sa kaniya.
--
"Mom? Nasaan tayo?" Tanong ko
"Pumasok kana-- sila na ang bahala sa'yo." Sabi niya pagkalabas namin sa kotse.
Ano bang lugar ito. Puro puno nasa gubat ba kami? nakatulog kasi ako kanina habang nasa byahe kaya hindi ko napansin kung nasaan na kami. May dalawang matandang babae na nakaabang sa isang malaking gate.
Gubat?tapos may gate? saan naman kaya kami pupunta e puro puno lang nakikita ko dito. Ang weird ah!
"Teka Mom--" Paglingon ko ay wala na sila Mommy
"Nasaan na sila?" Tanong ko sa dalawa, pero sa halip na sumagot ay tinalikuran nila ako saka naglakad papunta sa gate.
Iwanan ba naman ako dito sa gitna ng gulat. Hala! katakot kaya. Kaya sumunod nalang din ako. Pumasok kami sa isang malaking gate.
"Mula ngayon dito kana mag-aaral hindi ka pwedeng lumabas hangga't hindi ka naka-graduate. Isa iyon sa patakaran dito. Si Jera na ang bahala sa'yo.." Saka naman kami iniwan ng matanda pagkatapos niyang maghabilin
"Ah Miss..Sino ba iyon?" Tanong ko sa kasama ko na kasama din ng matanda kanina
"Siya si Senyora huwag mo siyang tawagin sa pangalan niya maliban sa Senyora." tumango nalang ako
Saka niya ako hinatid sa kwarto ko. May dorm daw sa loob ng school. Ang bongga naman may ganoon sa loob, Pero nawewerdohan ako sa kanila. Ang pormal kasi nila magsalita kagalang-galang talaga. Ibang-iba ito sa school na pinasukan ko noon. At ang pinagtataka ko bakit masiyadong tahimik ni wala akong nakikitang studyante o tao man lang sa labas e maaga pa naman tansiya ko ay mag-alas sais pa lang ng gabi pero ang tahimik na ng paligid. Hanggang sa makarating kami sa kwarto na sinasabi niya. Nagtaka ako bigla ano ba naman kasing klaseng kawarto ito wala laman.
"Ah Miss ito na ba ang kwarto ko? Where's my bed? at bakit walang bintana?" sa tatlong tanong ko wala siyang sinagot sa halip ay tinulak niya bigla ang isang wall na nagsilbing dingding ng kwartong ito.
Sa pagkabigla ko ay napakunot nalang ako ng noo. What the hell? seryoso ba ito as in kwarto ba talaga ito? mula labas hanggang dito sa loob ay hindi ko lubos maisip na may ganito kagandang kwarto. Hello? wala kasi sa lugar namin 'to and never ako nakatry mag-aral sa dormitory school katulad nito.
"Ilan po ba kami sa room na'to?"
"Apat kayo, mamaya darating ang ibang kasama mo. Maiwan na kita ayusin mo na ang mga gamit mo. Bukas ang start ng pasok mo alas syete ng umaga, alas sais y medya naman ang agahan kaya dapat maaga kang magising. Kapag nalate ka ng isang minuto sa breakfast hindi kana pwedeng pumasok sa Dinning Hall."
Ang aga naman ng agahan nila, so ibig-sabihin 'pag nalate ako hindi ako makakapag-breakfast. Parang ang unfair naman n'on. Tss bakit ba kasi ako dito pinag-aral ang dami-dami naman magagandang school sa lugar namin. Compare sa lugar na'to parang nasa gitna ng gubat o let say nasa gubat yata talaga kami. Hanggang sa pagpasok ko kanina ay puro puno pa rin ang nakikita ko. Mas malaki ang school na'to kumpara sa dating school ko iyon nga lang ang weird. Hindi ko feel ang lugar na'to.
"Excuse me? I have more questions."
"What is't?"
Napansin ko lang kapag english ang tanong ko english din sagot niya, kung tagalog naman tagalog din sagot niya. Ang weird mo te? pero syempre hindi ko vinoice out iyon baka kung ano isipin niya. Medyo maldita pa naman ang awra nitong babaeng kaharap ko.
"Allowed ba ang gadgets dito?"
"Hindi, wala kayong communication sa labas hanggat nandito kayo sa loob. Hindi niyo rin makikita ang pamilya niyo hanggat hindi niyo natapos ang pag-aaral niyo dito. If may tanong ka pa sa mga kasamahan mo nalang itanong madami pa akong gagawin maiwan na kita."At saka niya ako tinalikuran.
Kaya inayos ko nalang ang mga gamit ko habang hinihintay ang mga kasama ko. Kahit weird ang lugar na'to sosyal naman sila sa gamit nasa gubat ito pero infairness naka-aircon ang kwarto. Girly talaga ang design ng room. May kaniya-kaniya kaming closet and may napansin akong isang door sa right side sa lefft side kasi ang restroom. Hindi ko muna binuksan ano iyon baka may something d'on mapagalitan pa ako.
Mag-alas sais na ng gabi ng marinig kong bumukas ang pinto, dingding at the same time.
"Hera, dont forget tomorrow ah. kailangan ko kasi iyon para d'on sa project ko kay Miss Aragon."
"Oo na kanina mo pa sinasabi iyan pang-limang ulit mo na iyan Fliegh nabibingi na ako." Rinig kong pagtatalo.
Sila na yata iyan. Tahimik lang akong naka-upo sa kama kakatapos ko lang kasi mag-ayos ng gamit. Inayos ko din ang ibang kalat kanina dito.
"Oh, Hi new ka?" Tanong ng isa na medyo boyish umasta.
"Oo kadarating ko lang."
"I'm Fliegh, nice to meet you and goodluck." Talagang may diin pagkasabi.
"Hera nga pala, huwag mo intindihin iyan si Fliegh may pagka-weird lang iyan."
"Hoy, Zaimin Hera narinig ko iyon."
"Whatever!"
Ang weird nga nila. Ang akala ko ay ang paligid lang ang weird at iyong dalawang matanda kanina pati rin pala ang dalawang 'to.
"Teka may tanong ako. Ang sabi ni Miss. Jera ay apat tayo sa kwartong 'to. Bakit lima ang kama? at saka bakit dalawa lang kayong nakikita ko." Medyo weird ang huli kong tanong bahala na sila kung ano ang iisipin nila.
"Ah iyon ba, apat lang talaga tayo dito hindi namin kilala ang isa ikaw pa lang ang pangatlong kasama namin dito. Iyang isang bakanteng kama ay para sa guest student every six months ay may makakasama tayong College student na magsisilbing guide natin pwede din natin siya hingan ng tulong kung may kailangan ka sa kaniya." Paliwanag ni Hera sa'kin.
Bakante pa ang dalawang kama so ibig-sabihin kami lang tatlo sa kwartong 'to habang wala pa ang ibang kasama namin.
"Ano naman ang meron sa pintong iyan." Sabay turo ko sa pinto na hindi ko binuksan kanina
"Study room iyan. Diyan tayo mag-aaral may library din tayo sa loob ng school pero hanggang alas singko lang doon. Huwag kang mag-alala kompleto sa gamit sa loob may computer din diyan pero hindi naka-connect sa labas ng School. Makakapagsearch ka ng assignments gamit ang sariling website ng school."
Nagulo bigla utak ko sa mga sinabi niya. Naiintindihan ko pero parang hindi.
"Alam kong nagtataka ka, masasanay ka din ganiyan din ako noon pero nasanay rin ako. Ingatan mo lang ang sarili mo. Mainit sa mga mata ng iba ang mga baguhang katulad mo."
Oh? uso ba ang bully's sa school na'to. Bakit naman ako mag-iingat at saka ano daw, mainit ang mga mata ng iba sa baguhan like me? Tss pake ko? eh sa school ko ng dati pinapatulan ko ang mga badboys, feeling fame na mga girls. Hindi rin ako malakas pero hindi rin naman ako duwag. Sabihin nalang natin na mataray lang ako. Nagagamit ko katarayan ko para ipagtanggol ang sarili ko sa mga nang-aapi.
Sana walang gan'on dito. Ang weird pa naman nila baka hindi kayanin ng katarayan ko iyon. Oh well, kung hindi sila madadaan sa katarayan. Sa kagandahan ko nalang sila tatalunin.
THE NEXT DAY !
Namamahay ako kaya hindi ako halos nakatulog ng maayos. Alas singko ng madaling araw akong nagising.
"Mabuti at gising kana. Maghanda kana para sabay-sabay na tayong pumunta sa Dinning Hall."
Gising na rin pala sila.
"Ang aga niyo naman gumising."
"Ganito talaga kami dito. Dapat sanayin mo din ang sarili mo na maaga gumising kasi bawal ang malate sa breakfast."
"Ganiyan din sabi ni Miss. Jera sa'kin kahapon."
"Masasanay ka din Sendy huwag kang mag-aalala. O siya maligo kana d'on aayusin ko muna ang mga gamit namin." Tumango nalang ako.
matapos kong maligo ay sabay-sabay kaming nagtungo sa Dinning Hall. Pagpasok pa lang namin pakiradam ko nasa akin nakatuon ang mga mata nila.
Ngayon lang ba sila nakakita ng dyosa.
"Bakit sila ganiyan makatingin sa'kin?" Tanong ko.
"Huwag mo nalang silang pansinin ganiyan talaga iyan sila kapag nakakita ng bagong estudyante."
Habang kumakain kami. May bumato sa'kin ng isang nilukot na papel. Kanino naman kaya galing 'to.
Kaya binuksan ko kung ano ang meron sa papel.
Hi,
Welcome sa Helveria, I hope we can be friends.
-PRK
Sino naman kaya itong PRK na'to. Pero thank you kung sino man siya sa pagwelcome niya sa'kin. Pero curious ako sino siya, sinubukan kong nilibot ko ang paningin ko sa paligid ng Dinning Hall.
Sino ba dito sa kanila ang nagtapon ng papel na iyon. Aish! Ano ba kasi trip niya ba't hindi nalang sabihin. Kailangan pa talagang hagisan niya ako ng papel tss.