CHAPTER 5

1667 Words
UNIVERSITY DAY ! CHAPTER 5 Matapos ang isang linggong mahigit para sa espesyal na araw para sa buong Helveria. For me, today was just a normal day. Although students are busy doing their task. But for me I can't see any special for this day. Abala ang iba sa paghahanda while me? Nakaupo lang sa isang tabi habang nakatingin sa kanila. Ni hindi ko nga inabala ang sarili ko na aralin ang gagawin ko mamaya. Kahit sabihin kong nag-ensayo ako ng todo pero iba pa din yung handa ka. Ewan ko ba hindi ko rin maintindihan bakit hindi ko man lang nararamdaman na excited ako sa araw na'to. "Mukhang busy ka ah!" Napalingon ako nang may biglang tumabi sa akin. "Busy mo mukha mo!" Tumawa siya. "Bakit ba ang sungit mo. Kinakabahan ka ba para mamaya sa play niyo?" Hindi siya nakatingin sa akin sa gitna ng tanong niya. Nakatingin lang siya sa kung saan. "Kung kinakabahan ako e 'di sana katulad din nila akong busy sa ginawa nila." "Bakit pwede ka naman kabahan kahit walang ginagawa ah!" Mautak din ang kolokoy na'to. Ngayon lang ulit niya ako kinausap. Kahit wala naman siyang ginagawa. Minsan pa nga namin kasama ang mga kaibigan niya. Kapatid kasi ni Hera ang isa sa mga kaibigan niya. Pero ngayon ko lang ulit siya nakita. Isang linggo din niya akong hindi kinukulet mas okay pa nga kung hindi ko siya nakikita. Naalibadbaran talaga ako tuwing nakikita ko siya at mas nakakainis pa iyong inis na inis kana tapos siya pangiti-ngiti lang. Ang weird niya 'di ba? "Pwede ba lumayo-layo ka sa'kin baka masipa kita ng wala sa oras. Saka ba't ka ba kasi nandito? Sa pagkakaalam ko kasi hindi dito ang org. mo." Sabay irap ko. "Sabi kasi nila follow your dreams. E ikaw ang pangarap ko e kaya nandito ako." Tumaas ang isa kong kilay sa sinabi niya. "Alam mo wala akong panahon sa mga trip mo. Kaya pwede ba umalis ka nalang naalibadbaran ako sayo." Naiinis na talaga ako. Ikaw ba naman banatan ng gan'on wala man lang preno bibig ng lalaking 'to. Daig pa ang babae, buti nalang hindi niya nahalata na kinakabahan ako. Letse talaga! Sa tanang buhay ko ngayon lang ako kinabahan ng ganito. Salita lang siya ng salita hindi ko na siya pinansin hanggang sa nagsawa na siya sa kakasalita. Nagpaalam na siyang aalis at panonoorin raw niya ako mamaya. Hindi pa din ako umimik. Ilang minuto bago magsimula ang palabas namin. Sa gitna ng play para akong wala sa sarili ko. Kung saan-saan naglalakbay ang isip ko sa mga bagay na nagpapagulo nito. Buti nalang at nairaos ko ang mga linya ko sa play. Biglang sumama ang pakiramdam ko nahihilo ako na hindi ko alam. Pagkatapos ng play nagpaalam akong pupunta muna sa banyo. Dahil abala ang iba kaya walang tao doon maliban sa'kin. "Tulong ..." "Tulungan niyo kami." "Maawa kayo..." Nandiyan na naman ang mga boses na naririnig ko. Bakit ba nila ako sinusundan? Ano ang kailangan nila sa akin. Hindi ko pa sinasabi kina Hera at Fleigh ang mga ito. Dahil alam kong abala din sila. Ayoko naman silang istorbohin dahil lang sa mga naririnig kong anu-ano. Gaya ng sabi nila hayaan ko nalang kahit ano paman ang marinig ko. Hindi sila totoo isa lang silang ilusyon ang hindi ko maintindihan talaga bakit ganito ang mga nangyayari dito. Isa lang naman itong ordinaryong eskwelahan pero marami ang mga kakaibang nangyayari dito. At ilan doon ay mga kababalaghan na siguradong makakapagtindig ng balahibo mo. Bigla nalang nawala ang mga boses saka ako lumabas ng banyo. "Okay ka lang ba?" Napalingon ako "Anong ginagawa mo dito?" Ano na naman kaya trip ng isang 'to. "Sinusundan ka." "Alam mo Phoenix the ibon s***h feeling gwapong gangster. Pwede tigilan mo kakasunod sa'kin. Ano bang mapapala mo diyan sa ginagawa mo huh?" Nanatili lang siyang nakatayo nakapamulsang nakatitig sa akin ng deretso. "Bakit kayong mga babae gusto niyo lahat ng kilos ng mga lalaki sainyo kailangan may rason. Hindi ba pwedeng gusto lang namin gawin ang mga gusto namin gawin para sainyo ng walang dahilan?" "Kasi baka may hindi kayo magandang binabalak laban sa'min." Napabuntong hininga naman siya. "Hindi lahat ng lalaki hindi maganda ang motibo sa inyo. At ibahin mo ako sa mga lalaking nakilala mo. Hindi ko ugaling maglaan ng oras sa isang tao kung hindi ito mahalaga sa akin. Mas lalong hindi ako naglalaan ng oras kung hindi ko gusto ang isang tao. Matapos niyang sabihin iyon bigla nalang niya akong tinalikuran. At naiwan na naman akong nakatulala dahil sa sinabi niya. Kinapa ko ang dibdib ko, sobrang lakas ng kabog nito. Rinig na rinig ko ang pintig ng puso ko. Anong ibig niyang sabihin d'on sa sinabi niya?. "Mas lalong hindi ako naglalaan ng oras kung hindi ko gusto ang isang tao" "Mas lalong hindi ako naglalaan ng oras kung hindi ko gusto ang isang tao" "Mas lalong hindi ako naglalaan ng oras kung hindi ko gusto ang isang tao" Paulit-ulit iyong sinabi niya sa isip ko hanggang sa pagtulog ko. Kasabay ng matinding kaba na nararamdaman ko sa puso ko. Ano ba kasi ibig-sabihin niya. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na kinakabahan ako ng ganito at dahil iyon sa kaniya. KINABUKASAN late na ako nagising thirty minutes nalang sana late na ako para sa breakfast sa dinning hall. Muntikan pa akong makita ni Senyora sa hallway patungong dinning hall. Hindi man lang ako ginising nila Fleigh. Paggising ko wala na sila sa dorm ako nalang mag-isa. Pagdating ko sa dinning hall.. "Buti naman at nagising kana." Bungad ni Fleigh "Hindi niyo ako ginising muntik na akong malate dito." "Gaga ilang beses ka namin ginising tulog mantika ka lang talaga kaya ang hirap mo magising dyos ko naman Sendy ano bang pinaggagawa mo parang puyat ka lagi hindi ka nagigising agad noong umpisa mo dito hindi ka naman ganiyan ikaw pa nga nauunang nagigising sa amin e." Kay aga-aga manermon ng bruhang 'to Pansin ko din hindi naman ako puyat e! Maaga naman ako natutulog pero ang tagal kong nagigising hindi ko din alam bakit. "Hindi ko din alam mamaya muna ako sermonan Fleigh gutom na ako pakainin mo muna ako pwede?" Tatayo na sana ako ng.. "Here! Nag-order na ako ng pagkain mo sabi kasi nila hindi ka pa gising pagdating nila dito." Sabi niya pagkatapos ilapag ang pagkain sa mesa saka naman siya bumalik sa mesa nila. Pinagtitinginan naman ako ng mga kasama ko. "May something ba sainyo ni Ryder?" Tanong ni Hera. "Wala naman. Ewan ko din diyan sunod ng sunod sa'kin." Deretso kong sagot. Tinaasan naman ako ng kilay nina. Khloe, Valerie, Amelie, Alexis at iba bang kasama namin sa mesa. "Bakit ganiyan kayo makatingin sa'kin?" "Dumistansya ka ng konti kay Ryder, kapag nalaman ni Sabrina iyan baka magkagulo kayo." Kumunot naman ang noo ko. "Bakit ano ba ang meron? Hindi naman ako lumalapit sa kaniya siya itong sunod ng sunod sa'kin kahit saan ako nand'on." "Girlfriend niya si Sabrina. Nasa detention ngayon si Sab dahil may inaway na kaklase niya sa isang subject nalaman kasi ni Sab na nilalandi ng kaklase niya si Ryder kaya ayon sinugod niya. Isang buwan si Sab sa detention. Kaya ngayon pa lang dumistansya kana bago pa malaman ni Sab iyan. Mabait naman si Sab. Selosa lang masyado, hindi ko nga alam kung bakit natagalan ni Ryder iyan. Ang pagkakaalam kasi namin sabay iyan silang pumasok dito pero hindi talaga namin alam ang totoo ayaw din naman magkwento ni Sab sa amin." Mas lalong kumunot ang noo ko dahil sa sinabi nila. Sabi ko na nga ba eh! Wala talagang matinong magawa ang Phoenix na iyon. Balak pa yata akong isali sa gulo letse siya. Humanda siya sa'kin kakalbohin ko talaga siya. May pabigay-bigay pa siya ng pagkain iyon pala may girlfriend na. Teka? Bakit ba ako affected. Letse! Nakakainis. At dahil d'on hindi ko ginalaw ang pagkain na binigay niya hindi na rin ako kumain mamaya nalang lunch time. Nawalan na akong ganang kumain. Hanggang sa nakarating kami sa room tahimik lang ako. Panay ang pangungulet ni Phoenix sa'kin. Hindi ko naman magawang bulyawan kasi nasa room kami takot ko lang madetention. Pasaway talaga ang ibon na'to kahit kailan. Habang sila Hera naman panay tingin sa amin. Kahit hindi ko masyadong pinapansin si Phoenix kinukulet pa din ako. Matigil lang siya nung dumating ang guro namin. "Class may bago kayong classmate. Pasok kayo boys." Dalawang lalaki ang pumasok may itsura sila kakaiba lang ang awra kasi medyo may pagka-seryoso ang mukha. "Hi everyone I'm Andrew Sebastian and this is my brother Jin Travis Sebastian." Iyon lang saka sila pinaupo ng guro sa tabi ko ang isa bakante kasi wala pa naman daw iyong student na nakareserved sa katabing upuan ko. Si Hera at Fleigh naman magkatabi sila si Phoenix nasa likuran ko. Nakakailang katabi itong bago naming kaklase masyado siyang tahimik at seryoso hindi tulad ng kapatid niya na medyo friendly. Unlike sa kapatid niya tahimik lang at parang walang balak makipag-usap kahit kanino. "Pasensyahan niyo na kapatid ko wala kasi siya sa mood kaya ganiyan tahimik lang." Paliwanag naman ni Andrew. Patango-tango lang kami. Buti wala kami masyadong gagawin ngayon puro sulat at basa lang. Dahil di pa tapos ang U-DAY kaya half day lang kami mamayang hapon may laro ang mga ibang kalahok sa sports. Tingin ko basketball ang lalaruin tapos bukas ibang sports na naman. Tatlong araw lang ang U-Day sa taong ito. Wala naman daw kasi masyadong sumali sa palaro. Sinang-ayonan nalang din ng council para naman makabalik na kami sa pag-aaral nalalapit na din ang exam kaya minabuting balik aral agad kami pagkatapos ng U-Day. Wala man lang kaming pahinga kahit isang araw simula pa noong nakaraang linggo ay busy kami araw-araw. Sa kabila ng mga kababalaghan na naririnig at nakikita ko pinili kong manahimik at huwag sabihin sa kanila ang mga iyon. Saka na siguro kapag malinaw na sa akin ang dahilan kung bakit may ganitong nangyayari dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD